X
TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Dani Barretto, may mensahe sa mga kapwa mommy na balik trabaho agad matapos manganak

3 min read
Dani Barretto, may mensahe sa mga kapwa mommy na balik trabaho agad matapos manganak

Unti-unti na umanong nagbabalik-trabaho si Dani Barretto makalipas ang lampas isang buwan buhat nang siya ay manganak.

Para sa mga mommy, ang pagbabalik-trabaho pagkatapos manganak ay hindi madali. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dani Barretto ang kanyang karanasan bilang isang bagong ina na kinailangang bumalik agad sa pagta-trabaho.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Dani Barretto sa postpartum depression: “It’s an everyday battle”
  • Self-care reminders para sa pagbabalik trabaho matapos manganak

Dani Barretto sa postpartum: “It’s an everyday battle”

dani barretto

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

Nagbahagi si Dani Barretto ng update sa Instagram kung saan ay ibinalita nito na halos isang buwan na raw siyang kulang sa tulog buhat nang manganak. Bukod dito, nabanggit din niya na nagbabalik-trabaho na siya nang paunti-unti.

Advertisement

Aniya, “Mom hat always comes first! ❤️ I know some people will question why I’m working right away, well we gotta do what we have to do to provide for our kids.”

Pagkatapos ng halos isang buwan ng kulang sa tulog, sinabi ni Dani na sulit ang lahat ng sakripisyo para sa kanyang anak. Ngunit tulad ng maraming ina, hindi rin siya ligtas sa postpartum depression (PPD).

“PPD sometimes hits me, when it does I just pray. It’s an everyday battle that we have to keep fighting,” aniya.

dani barretto

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

Self-care reminders para sa pagbabalik-trabaho matapos manganak

Para sa mga working moms, narito ang ilang healthy reminders sa pagbabalik-trabaho matapos manganak:

  1. Unahin ang mental health – Mahalaga ang pagdarasal at pagkakaroon ng support system. Pasalamatan ang mga taong nag-aalala hindi lang sa iyong anak, kundi pati sa’yo.
  2. Flexible work set-up kung pwede – Ayon kay Dani, siya’y maswerte dahil karamihan sa trabaho niya ay puwedeng gawin sa bahay. Para sa mga kailangang lumabas, maghanap ng paraan upang maisama ang mga anak kung posible, tulad ng ginagawa niyang pagdala sa opisina o paghihintay sa sasakyan. Kung hindi naman maaari, pwedeng humingi ng tulong sa mga kapamilya para mabantayan ang anak habang nagtratrabaho.
  3. Self-love at validation – Pakinggan ang katawan. Huwag masyadong maging “hard” sa sarili. Kapag napapagod, matuto pa ring magpahinga. Kapag mabigat ang mga trabaho, humingi ng tulong sa mga kasama. Huwag pabayaan ang sarili.
dani barretto

Larawan mula sa Instagram ni Dani Barretto

Mensahe pa ni Dani sa mga working moms, “To all the moms out there who are also mastering the art of work/life balance, you’re doing a great job! Don’t let anyone make you feel otherwise.” 

Sa huli, ipinaalala ni Dani na hindi madaling maging ina, lalo na’t kailangang balansehin ang trabaho at pamilya. Pero sa determinasyon at pagmamahal, “We got this!”

Partner Stories
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
Hairfall Rescue for Every Mom: Real Benefits, Real Results
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
The Ultimate Guide to Nourishing Your Mind & Body for a Happy, Healthy Pregnancy
Acts of Love Poured into Every Glass
Acts of Love Poured into Every Glass
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together
Building Bonds: How MIRA by RLC Residences Can Bring Families Together

Instagram

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Dani Barretto, may mensahe sa mga kapwa mommy na balik trabaho agad matapos manganak
Share:
  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

  • TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

    TUMI RELEASES LIMITED-EDITION 50TH ANNIVERSARY GOLD COLLECTION

  • We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

    We Took the Kia Carnival Turbo Hybrid on a Family Road Trip-And It Checked Off Every Box on Our Dream Family Car Checklist

  • Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

    Okay, We Get It—You’re Child-Free. Pero 'Wag Naman Judgy Kay Mommy!

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2025. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko