Para sa mga mommy, ang pagbabalik-trabaho pagkatapos manganak ay hindi madali. Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Dani Barretto ang kanyang karanasan bilang isang bagong ina na kinailangang bumalik agad sa pagta-trabaho.
Mababasa sa artikulong ito:
- Dani Barretto sa postpartum depression: “It’s an everyday battle”
- Self-care reminders para sa pagbabalik trabaho matapos manganak
Dani Barretto sa postpartum: “It’s an everyday battle”
Nagbahagi si Dani Barretto ng update sa Instagram kung saan ay ibinalita nito na halos isang buwan na raw siyang kulang sa tulog buhat nang manganak. Bukod dito, nabanggit din niya na nagbabalik-trabaho na siya nang paunti-unti.
Aniya, “Mom hat always comes first! ❤️ I know some people will question why I’m working right away, well we gotta do what we have to do to provide for our kids.”
Pagkatapos ng halos isang buwan ng kulang sa tulog, sinabi ni Dani na sulit ang lahat ng sakripisyo para sa kanyang anak. Ngunit tulad ng maraming ina, hindi rin siya ligtas sa postpartum depression (PPD).
“PPD sometimes hits me, when it does I just pray. It’s an everyday battle that we have to keep fighting,” aniya.
Self-care reminders para sa pagbabalik-trabaho matapos manganak
Para sa mga working moms, narito ang ilang healthy reminders sa pagbabalik-trabaho matapos manganak:
- Unahin ang mental health – Mahalaga ang pagdarasal at pagkakaroon ng support system. Pasalamatan ang mga taong nag-aalala hindi lang sa iyong anak, kundi pati sa’yo.
- Flexible work set-up kung pwede – Ayon kay Dani, siya’y maswerte dahil karamihan sa trabaho niya ay puwedeng gawin sa bahay. Para sa mga kailangang lumabas, maghanap ng paraan upang maisama ang mga anak kung posible, tulad ng ginagawa niyang pagdala sa opisina o paghihintay sa sasakyan. Kung hindi naman maaari, pwedeng humingi ng tulong sa mga kapamilya para mabantayan ang anak habang nagtratrabaho.
- Self-love at validation – Pakinggan ang katawan. Huwag masyadong maging “hard” sa sarili. Kapag napapagod, matuto pa ring magpahinga. Kapag mabigat ang mga trabaho, humingi ng tulong sa mga kasama. Huwag pabayaan ang sarili.
Mensahe pa ni Dani sa mga working moms, “To all the moms out there who are also mastering the art of work/life balance, you’re doing a great job! Don’t let anyone make you feel otherwise.”
Sa huli, ipinaalala ni Dani na hindi madaling maging ina, lalo na’t kailangang balansehin ang trabaho at pamilya. Pero sa determinasyon at pagmamahal, “We got this!”