Nanganak na ang aktres na si Danica Sotto sa kanilang 3rd baby ng basketball player at asawa nitong si Marc Pingris.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Danica Sotto sa pagsilang ng 3rd baby nila ni Marc Pingris: “Can’t believe he’s finally in my arms.”
- Mga tips at ways para maging handa sa papalapit na due date ng pregnant mommies
Danica Sotto sa pagsilang ng 3rd baby nila ni Marc Pingris: “Can’t believe he’s finally in my arms.”
Larawan mula sa Instagram account ni Danica
Hindi nga naman mapantayan ang happiness na bigay sa tuwing mayroong nadadagdag sa member ng pamilya. Kaya naman hindi na napigilan ng TV actress na si Danica Sotto sa kanyang Instagram account ang balitang ito. Labis naman na natuwa ang mga followers nito na masilayan ang cutest baby sa Pingris family.
Sa kanyang post makikitang nasa ospital pa ang aktres kasama ang kanyang pamilya. Doon sa video ipinasilip niya ang baby habang hawak-hawak sa mga bisig niya at ng anak nila ni Marc Pingris na sina Anielle Micaela at Jean Michel. Sa kanyang caption pinasalamatan niya ang Diyos dahil daw sa smooth at safe na panganganak.
“All glory, praise and honor to God! Grateful for a smooth and safe delivery.”
Napupuno raw ng saya ang kanilang puso kahit pa hanggang ngayon ay hindi pa rin sila makapaniwalang mayroon na silang bagong miyembro ng pamilya. Pinasalamatan niya rin ang mga sumuporta sa kanila,
“Our hearts are filled with so much joy!!! Still feels so surreal. Can’t believe he’s finally in my arms. Thank you to those who prayed and believed with us.”
Makikita sa larawang pinost ni Marc Pingris na hawak-hawak ng kanilang dalawang anak ang bago nila kapatid. | Larawan kuha mula sa Instagram account ni Marc Pingris
Binisita naman sila kaagad ng tatay nitong si Vic Sotto at kanyang asawa na si Pauline Luna. Masisilip din sa kanyang Instagram stories masayang karga-karga na ng lolo ang kanyang apo.
Bukod sa kanya maraming artista rin ang nagpaabot ng saya sa kanyang panganganak. Makikita sa comment section na nagbibigay ng “Congratulatory” message sina Iza Calzado, Camille Pratts, Lizz Uy, Sunshine Dizon, Iya Villana, at marami pang iba.
Siyempre, hindi rin nagpahuli ang daddy na si Marc Pingris na ibahagi sa mundo ang sayang dulot ng pagkakaroon nila ng bagong anak. Pinost niya rin ang ilang mga larawan niya kasama ang baby. Sa kanyang caption, inuna niya ring banggitin ang panginoon para raw gabayan siya sa pagpapalaki nito.
“LORD, thank you! Gabayan nyo po ako na mapalaki sila ng maayos at gabayan mo ko Lord sa lahat lahat ng bagay na gagawin ko para sa pamilya ko. Salamat at maayos na nanganak si Danica salamat po Ama!”
Dito na rin ni-reveal ni Marc Pingris ang pangalan ng baby nila na Jean-Luc Pingirs.
“Welcome to the world Jean-Luc pingris! Love you! Thank you sa mga kaibigan at family namin ni danica sa lahat ng mga nag pray! #pusongpingris #9.3sibaby”
Mga tips at ways para maging handa sa papalapit na due date ng pregnant mommies
Tips para sa mas maayos na panganganak sa mommies. | Larawan kuha mula sa Pexels
Ika nga ng karamihan, “Kalahati ng paa mo ay nasa hukay sa tuwing manganganak.” Isa itong kasabihan para sabihing hindi ganun kadali ang panganganak dahil buhay at kamatayan ng isang ina at sanggol ang nakasasalalay dito. May mga pagkakataong hindi na nakakaligtas ang nanay o kaya naman anak dahil sa ilang kumplikasyon.
Kaya naman kung isa ka sa mga naghihintay ng kanilang delivery day, naririto ka sa tamang lugar. Sa tapang pangangalaga sa katawan at pagsunod sa ilang mga tips ay maaaring matagumpay ang iyong panganganak. Narito ang ilan sa mga bagay na maaaring tandaan:
Magpahinga at matulog nang at least walong oras sa isang araw
Dapat lamang na nagpapahinga ang isang ina para magkaroon ng lakas. Mas mahalaga ito sa panahon ng third trimester nila dahil dito na mas kailangan ng kanilang katawan ng pahinga. Kung nararamdaman mong inaantok ay magpahinga at umidlip saglit.
Kumain nang tama
Pagkain din ang pangunahing magiging source mo ng lakas para sa pangaganak. Sa nalalapit na due date amhalagang mapuno ang iyong kinakain ng pregnancy superfoods tulad na lamang ng yougurt, gulay, whole grains, at iba pa.
Ihanda na ang mga gamit
Bago pa man lumabas si baby, dapat ay nakahanda ang iyong mga gamit. Siguraduhing mayroong kang checklist ng mga dapat dalhin para mas madali ang panganganak.
Kumonsulta sa doktor
Mahalagang alam ng iyong doktor lahat ng nangyayari sa iyong katawan kaya mahalagang parating kumonsulta sa kanya.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!