Danica Sotto reveals love language of her husband, Marc Pingris: "He loves being hugged, kissed."

Ayon kay Danica, mahalagang malaman ninyo ang love language ng inyong partner.

Danica Sotto-Pingris nagbigay ng tips sa mga mag-asawa para sa masaya at maayos na pagsasama.

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Tips ni Danica Sotto Pingris para magkaroon ng masayang pagsasama ang mag-asawa
  • Danica Sotto and Marc Pingris 15th wedding anniversary

Tips ni Danica Sotto Pingris para magkaroon ng masayang pagsasama ang mag-asawa

Danica Sotto Pingris and Marc Pingris

Image from Danica Sotto Pingris Instagram account

Ang pagsasama ng mag-asawang sina Marc Pingris at Danica Sotto Pingris ay isa sa mga hinahangaang celebrity relationships ng maraming Pilipino.

Sa kanilang mga social media accounts ay makikita kung gaano ka-sincere at happy ang pagsasama nila. At kung paano ito ginagabayan ng pagmamahal nila sa Diyos at sa dalawa nilang anak.

Sa pinakabago ngang Instagram post ni Danica ay nagbigay siya ng tips sa mga mag-asawa para maging healthy ang pagsasama nila. Una niyang tip ay laging piliing makinig sa iyong asawa at intindihin ang pangangailangan niya.

“Choose to listen and understand your partner’s needs.”

Ito ang sabi ni Danica.

Iniugnay ito ni Danica sa five love languages o limang paraan ng pag-iexpress ng pagmamahal ayon kay Dr. Gary Chapman.

Si Dr. Gary Chapman ay kilalang American author at speaker na nagbibigay payo kung paano magkakaroon ng long-lasting relationships ang mga mag-asawa. Kilala siya sa series niyang ‘The Five Love Languages’.

Dito ay itinampok niya ang limang paraan ng pagi-express ng pagmamahal. Ito ay sa pamamagitan ng words of affirmation, quality time, receiving gifts, acts of service at physical touch.

Para kay Danica, ang love language niya umano ay naipapakita niya sa pamamagitan ng words of affirmation at quality time.

“Ang saya ko ‘pag nasasabi niya na proud siya sa akin or if he says he loved the meal, I prepared etc. Quality time is also important to me like making memories together or ‘yong may nandiyan na nakikinig sayo ka kwentuhan mo after a long day.”

Sa ganitong paraan daw nararamdaman ni Danica na minamahal siya ng mister na si Marc. Habang si Marc naman daw ay na-aappreciate ang acts of service at physical touch na ginagawa niya.

“Kay Marc naman acts of service and physical touch. He appreciates it when I prepare something for him kahit simpleng coffee masaya na’ yan. He also loves being hugged, kissed etc. kaya physical touch din sa kaniya.”

Dahil sa alam nila kung paano maipaparamdam sa isa’t-isa ang kanilang pagmamahal ay mas nagiging madali daw sa kanila na intindihin ang pangangailangan ng isa’t isa. Ito ang nagiging pundasyon ng masayang pagsasama nila.

Danica Sotto Pingris and Marc Pingris with kids

Image from Danica Sotto Pingris Instagram account

Kaya payo niya sa mga netizens, alamin ang love language nilang mag-asawa. Para mula doon ay magkaintindihan sila at maiwasan ang gusot sa kanilang pagsasama. Payo pa niya magbasa ng mga libro para sa mga couples tulad ng mga isinulat ni Dr. Gary Chapman.

At doon ay matuto at mapanatili ang masayang pagsasama. Hindi lang ninyong mag-asawa kung hindi pati narin ng inyong buong pamilya.

“Taking time to learn each other’s love languages has really strengthened our relationship. Mas nagkaintindihan kami. If you haven’t read the book by Dr. Gary Chapman, I suggest that you do.”

“There are also so many resources about this online. Helpful not only to couples but also for your kids, friends and loved ones.”

Ito ang sabi pa ni Danica sa kaniyang Instagram post.

BASAHIN:

Danica Sotto to kids na naghiwalay ang parents: “Marriage lang nila ang nag-end pero ikaw hindi… You are not broken”

Winwyn Marquez ikakasal na sa kaniyang childhood sweetheart!

Ryza Cenon sa pagiging ina: “Matutulala ka na lang sa pagod.”

Danica Sotto and Marc Pingris 15th wedding anniversary

Danica Sotto Pingris and Marc Pingris

Image from Danica Sotto Pingris Instagram account

Nitong Marso ay nag-celebrate ng kanilang 15th wedding anniversary sina Marc at Danica. Sa kaniyang Instagram account ay binati ni Marc si Danica at ipinaabot dito ang pagmamahal niya.

“Happy Anniversary to the woman who gives me more love every day than I even deserve. Let’s make our marriage more awesome! Mahal na mahal kita alam mo ‘yan at sorry sa mga mali ko sa buhay.”

“Salamat sa pagmamahal mo sa family ko at sa mga anak natin. Salamat at natiis mo ako ng 15 years!”

Ito ang ang mensahe ni Marc kay Danica.

Si Danica binati ang mister na si Marc. Sa kaniyang pagbati ay sinabi niyang stronger than ever ang pagmamahalan nila ni Marc makalipas man ang 15 taon matapos silang maikasal.

“Thank you Lord for your grace, love and faithfulness. Sabi nga ni @coachrobertg during our wedding, there’s no such thing as a storm free life but when you allow God to be the center of your marriage, you can have a STORM PROOF life!””

“Happy 15th to us @jeanmarc15 I LOVE YOU SO MUCH!”

Ito ang pagbati pa ni Danica sa mister niyang si Marc Pingris sa 15th wedding anniversary nila.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!