Ryza Cenon ipinakita ang struggle ng mga inang may inaalagaang anak na toddler. Mommy netizens naka-relate kay Ryza.
Mababasa dito ang mga sumusunod:
- Karanasan ng aktres na si Ryza Cenon sa pag-aalaga ng kaniyang anak na si Night.
- Reaksyon ng mga netizens
- Ryza Cenon sa pagiging first time mom
Ryza Cenon sa pagiging isang ina sa anak niyang si Night
Image from Ryza Cenon’s Instagram account
Malapit ng mag-dalawang taong gulang ang anak ni Ryza Cenon na si Night. At tulad ng mga mommies na may anak na toddler na ka-edad ni Night ay nai-experience rin ng aktres ang struggle sa pagbabantay at pag-aalaga ng bata sa parehong edad.
Sa kaniyang Instagram account kamakailan lang ay ibinahagi ni Ryza ang itsura ng mga ina na pagod sa pag-aalaga ng anak nila. Sabi nga ng aktres, “mapapaupo at matutulala ka nalang sa pagod”.
“After mo mag pakain, magpaligo, saka patulog ng anak mo… may moment talaga na mapapaupo ka tapos matutulala ka na lang sa pagod then sabay hingang malalim then game na ulit.”
Ito ang sabi ng aktres kalakip ang larawan niyang nakatulala at halatang pagod. Pero looking beautiful pa rin without make-up at magulong buhok.
View this post on Instagram
Sunod niya pang tanong, kung naka-relate din daw ba ang ibang mommies sa kaniya? Sa mga naka-relate isang mahigpit na yakap ang alay ng aktres.
“Relate din ba kayo mga mommies? Kung nakaka-relate kayo isang mahigpit na yakap sa inyo mga mommies!!!”
Ito ang sabi pa ni Ryza Cenon.
Sa post niyang ito, may dalawang celebrities na parehong first time moms rin ang agad na nakarelate. Ito ay sina Assunta de Rossi at Sam Pinto.
Reaksyon ng mga netizens at iba pang struggle ng mga ina
Habang ang ilang mommy netizens naka-relate at may dagdag pa sa tunay na struggle ng mga ina gaya ng post ni Ryza.
“Minsan maiiyak ka na lang kasi ang oras mo na lang sa sarili mo 5-10mins para maligo ng mabilis, minsan kahit pag ligo mo or urinate kasama mo pa ang isang toddler at infant mo. Pero laban lang ulit para sa kids, at the end of the day iba ang sarap pag kini-kiss at timititigan mo sila and every yakap is worth everything.”
“Tapos linis bahay pa po. Asikaso po sa mga furbaby. Luto dito may kasabay pang laba duon. Minsan ‘di mo mapapansin makakatulog ka nalang sa isang tabi, minsan habang nakain pa nga. Pero kahit sabay sabay ang gawain sa araw araw dapat lagi tayong laban.”
Image from Ryza Cenon’s Instagram account
Ang ibang netizens naman, naka-relate man ay may iba pang napansin sa post na ito ni Ryza.
“Ang ganda mong pagod hahaha. Ako 3 kids everyday, magkakasunod sila. The hardest part is tuwing sabay-sabay sila nagkakasakit, at walang ibang gusto kundi ako. Naranasan kong magkarga ng dalawang bata, at gamitin ang paa pantapik sa isa hahaha.”
“Sana ganyan din ako kaganda kahit pagod.”
“Nakatulala din ako lagi pero di ganyan kaganda.”
“Opo naranasan ko lahat ng sinabi niyo po. Pero ‘yong ganyan kaganda hindi pa po.”
“Ibang version po ang pagod niyo, fresh pa din tingnan at parang walang ganap! Ako po kase bilasa after sa mga kaganapan na nabanggit nyo!!!!”
Ito ang ilang kuwelang sagot naman ng ibang mommy netizens.
BASAHIN:
Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: “Masyado pang maaga.”
LOOK: Dawn Zulueta at Ina Raymundo binida ang kanilang mga anak sa high school prom!
Angelica Panganiban to take a break from showbiz: “Tutukan ko na muna ‘yong baby.”
Ryza Cenon sa pagiging first time mom
Image from Ryza Cenon’s Instagram account
Hindi ito ang unang pagkakataon na naging totoo si Ryza sa mga struggle niya sa pagiging ina. Matatandaang noong ipinanganak niya si Night noong Oktubre 2020 ay inamin ng aktres kung paano siya nahihirapan sa pagbibigay ng gatas sa kaniyang anak.
Ito daw ay nagdulot ng frustration sa kaniya. Mabuti na nga lang daw noon ay nandyan ang kaibigan ni Ryza at kapwa aktres na si Chariz Solomon para mag-donate ng gatas niya.
“As a first time mom minsan nakaka frustrate yung wala ka pang maibigay na gatas, kahit gusto mo mag pabreast feeding kay Baby Night.”
“Buti nalang andyan si @chariz_solomon para matulungan ako sa breast milk. Super thank you missy!!! ”
Ito ang pahayag noon ni Ryza.
Pagdating sa pag-aalaga ng ating mga anak, malaking bagay ang humingi tayo ng tulong sa iba. Maaring sa ating asawa, ina, kapatid o kasambahay para masigurong maibibigay natin ang pangangailangan nila na hindi nakokompromiso ang kalusugan at sarili nating kaligayahan.
Bagamat ang pagiging magulang ay isang responsibilidad na hindi ka puwede mag-resign, may araw naman na puwede kang mag-dayoff at saglit na magpahinga. Lumabas ka kasama ng iyong mga kaibigan, mag-date kayo ni mister o kaya naman ay mag-spa.
Dahil para maibigay mo ang pagmamahal na deserve ng anak mo ay kailangang alam mo rin kung paano mahalin ang sarili mo. Yakap mga momsh at laban lang!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!