Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: "Masyado pang maaga."

Ryza Cenon sa usapang pagpapakasal kay Miguel: "Masyado pang maaga."

Sa panayam kay Ryza Cenon, ibinahagi nitong nais niyang makilala pa ang kaniyang partner na si Miguel Cruz bago magpakasal sa tulong ng kanilang baby. | Lead image from Nice Print Photography

Ganap nang mommy and daddy ang aktres na si Ryza Cenon at boyfriend niyang si Miguel Cruz. Bago matapos ang taon, isinilang ni Ryza ang kanilang first baby na si Night. Ngunit, naplano na nga ba nila ang pagpapakasal?

Mababasa article na ito ang:

  • Mga plano para sa future ni baby Night
  • Ano ang dahilan kung bakit isa lang ang gusto nilang anak
  • Usapang marriage

#TAPTalks: Ryza cenon, walang balak sundan si baby Night

Sa pagpapatuloy ng TAP Talks with our newest celebrity mom na si Ryza Cenon, ibinahagi niya ang dahilan kung bakit isang anak lang ang kaniyang gusto at wala na sa plano niya ang mag baby #2 pa.

ryza cenon and miguel cruz

Ryza Cenon and Miguel Cruz | Image from Nice Print Photography

Dalawang linggo na ang nakalipas nang ipinanganak ni Ryza ang kaniyang first baby na si Night mula sa boyfriend na si Miguel. Mapapansing hindi pa niya ipinapakita ang mukha ni baby Night. Ito ay dahil iniiwasan niya munang ma-expose ito ng todo sa social media.

May pagkakataon na hindi niya napipigilang sagutin ang ilang negatibong komento tungkol sa kaniyang pagiging ina. “May times na bina-block ko na lang tapos may times na hindi ko mapigilan talaga, as in. Pinapatulan ko. May iba na binubura ko na lang ‘yung post ko para wala na silang masabi.”

Sa kabila ng maraming komento sa kaniya, pinipilit niyang pagtuunan ng pansin ang kaniyang growing baby Night. Sa usapang future sa kaniya, na bring up ang topic sa kagustuhan ng aktres at boyfriend nito na isa lamang ang magiging anak nila. “Napagplanuhan naming isa lang ang baby.”

“Kasi si Dada [Miguel] only child lang siya. So ‘yun lang din ang gusto ko, na parang isa lang. Naisip din namin ‘yung future niya, like saan siya mag-school mga ganiyan. Gusto namin naka-ready na.”

ryza cenon and miguel cruz

Ryza Cenon and Miguel Cruz | Image from Ryza Cenon Instagram

Sa ngayon, mas iniisip nila ang magiging future ni baby Night. Nagsimula na rin silang magplano tungkol sa mga insurance para sa kanilang baby. “Ganito na ba ang tuition ngayon?” Ito ang naging reaksyon ng aktres nang makita ang kasalukuyang range ng tuition fee sa Pilipinas.

“Kailangan naming mabigay ‘yung pinaka 100% percent  namin na support para sa kaniya—na sa tingin namin ay maibibigay namin kung isa lang ‘yung baby.”

Para kay Ryza at Miguel, ang planong isa lang ang kanilang magiging anak ay maituturing nilang “family planning”. Ngunit hindi lahat ay sang-ayon sa kanilang naging desisyon. Hindi nila naiwasang makatanggap ng hate comments na nagsasabing “malungkot ang mag-isang anak” o kaya naman “kakapanganak mo pa lang, tuition na agad ang iniisip mo”.

BASAHIN:

#TAPTalks: Ryza Cenon, nagbahagi ng struggles niya bilang new mom

Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”

Max Collins ginawang smoothie ang PLACENTA (inunan) matapos manganak

Ryza Cenon and Miguel Cruz

Para kay Ryza at Miguel, ang usapang pagpapakasal nila ay hindi pa sumasagi sa kanilang isip. “Masyado pang maaga para pag-isipan namin ‘yung kasal. Kasi hindi pa kami, as a partner, hindi pa kami nag o-one year eh.”

Naging bukas ang aktres at kaniyang partner sa mga maaaring mangyari. Dagdag pa nila, malaki ang maitutulong ni baby Night sa kanilang relasyon para mapag-aralan ang magiging takbo nito

“Mas okay siguro na i-take namin itong opportunity na dumating si Night sa life namin para mas makilala namin ang isa’t isa—na mayroon kaming dala-dalang mabigat na responsibility, which is Night.”

Hindi sila nagmamadali at nais pang makilala ng malalim ang isa’t isa. “Doon namin makilala kung ano ba akong klaseng tao, kung ano ba siyang klaseng tao, anong klase kaming magulang kay Night. Doon namin malalaman na, oo para tayo sa isa’t-isa.”

ryza cenon and miguel cruz

Ryza Cenon and Miguel Cruz | Image from Nice Print Photography

Dagdag pa ng aktres na,

“At any age, puwede kang magpakasal—anytime. ‘Yung opportunity na ibibigay mo kay Night, mas importante kasi iyon eh. So, iyon talaga ang priority namin ngayon. Hindi muna namin iniisip ang kasal.”

Nasa oras pa silang mag-partner na patatagin ang foundation ng kanilang relasyon. “..Para kapag pumunta kami sa level na kahit anong challenge na dumating, hindi kami masisira kasi may foundation na ‘yung relationship namin.”

Bukod dito, may plano sina Ryza at Miguel na magpatayo ng sariling bahay. Ngunit hindi pa lang maituloy ngayon dahil sa pandemic.

Abangan ang paparating na action-drama series na “Bella Bandida” na pagbibidahan ni Ryza Cenon sa TV5!

 

Para mabasa ang unang parte ng interview kay Ryza Cenon kung saan pinag-usapan ang nararanasang struggle as a new mom, i-click lamang ito.

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

Mach Marciano

Article Stories
app info
get app banner