Inabot ng halos 13 hours ang pagle-labor ni Mommy Ryza Cenon sa kaniyang first baby na si Night. Ano nga ba ang mga naging struggle niya as a new mom lalo na sa gitna ng pandemic?
Mababasa sa article na ito ang:
- Breastfeeding struggles ni Ryza Cenon
- Ang kaniyang mahirap na postpartum recovery
- Handling the pressure to get back into shape pagkatapos manganak
- Ano ang story behind the name “Night?”
TAP Talks featuring Ryza Cenon as a new mom!
Para sa unang episode ng TAP Talks, agad kaming pinaunlakan ng interview ng actress-model at ngayon ay certified mommy na si Ryza Cenon. Masaya naming tinalakay ang naging pregnancy at labor journey ni Mommy Ryza!
#TAPTalks featuring Ryza Cenon as a new mom of 2020! | Image from Ryza Cenon Instagram
Bago matapos ang October, successful na ipinanganak ni Ryza ang kaniyang first baby na si Night. Ngunit hindi ito naging madali gaya ng inaasahan niya dahil halos 13 hours umano tumagal ang kaniyang pagle-labor bago lumabas si baby Night. Habang mahigit isang oras naman ang naging delivery niya.
Kuwento ng aktres, matagal bago nakalabas si baby Night dahil matigas pa ang cervix niya kahit na mababa na ang ulo ng sanggol. Antok at pagod, ito ang ang pangunahing nararamdaman ni Ryza. Umiiyak na rin ito habang nilalabas si baby Night. Nabanggit pa niya na gusto na sana siyang i-cesarian section ng kaniyang partner na si Miguel nang makita itong nahihirapan.
“Yung time na nagsasabi ako na ‘Ayoko na.’, gusto na ni [Miguel na] sabihin na i-CS na siya [Ryza Cenon].”
Ayon kay Ryza, kapag tumitigil siya sa pag-ire, pumapasok ulit si Baby night. “Kaya talagang pagod na pagod ako… Sa pagod ko, nakakatulog na ako in between sa pag-ire!”
Nagdesisyon ang duktor ni Ryza na gumamit na ng vacuum upang mapabilis ang paglabas ni Baby Night. Ngunit dahil sa pagod sa pag-labor at pag-ire, inamin ng aktres na hindi naging mala-pelikula ang unang pagkikita nila ng kaniyang baby.
“Hindi ‘yon ang nangyari! Mas naramdaman ko ‘yong pagod kaysa ata sa mga emosyon na dapat kong maramdaman.”
BASAHIN:
Ryza Cenon, who is 5 months pregnant, says she is not yet ready to get married
Coleen Garcia to Baby Amari: “Nakakaiba ng mood when he’s around.”
Lara Quigaman’s advise to pregnant moms: Huwag kalimutan alagaan ang sarili
Ryza Cenon: Struggles as a new mom
Sa usapang breastfeeding naman, hindi naiwasang matakot at malungkot ni Ryza Cenon. Sa unang latch pa lamang ay walang lumabas na gatas sa kaniya.
“Nalungkot ako. Anong kakainin ng anak ko? Doon ako nag-panic na paano kung wala nga, anong kakainin niya?” dagdag pa nito.
May halong guilt din siyang naramdaman dahil ang gatas ng ina ang “pinaka-basic na dapat ibigay ko sa kaniya at hindi ko pa magawa ‘yon.”
Ngunit sa tulong ng celebrity mom na si Chariz Solomon, nabigyan ito ng extra breast milk para ibigay kay baby Night. Pagkatapos din ng ilang araw, nagkaroon na ng sapat na gatas ang aktres.
Gaya ng ibang moms, naranasan din ni Ryza na hindi makatulog sa gabi lalo na kapag binabantayan si baby Night. Pag-amin niya na sobrang nag-iingat siya kapag kinakarga ang kaniyang baby.
#TAPTalks featuring Ryza Cenon as a new mom of 2020! | Image from Ryza Cenon Instagram
Isama pa rito ang pagbuka ng kaniyang tahi dahil sa pagdumi niya.
“Ang hirap mag-poop! ‘Nung ma-pwersa siya, bumuka ‘yung tahi ko. So ngayon, parang nahihirapan pa akong mag-heal.”
Dagdag pa nito na, malaki ang naitutulong ni Miguel sa kaniyang recovery dahil sa matinding suporta na ibinibigay nito sa kaniya.
Napag-usapan din ang pressure na nararamdaman niya sa social media at kaniyang mismong work. “Meron kasing naka-pending sa akin na work. So kailangan kong ibalik ‘yung itsura ko noon,” ibinahagi ng aktres nang mapag-usapan ang pressure na nararamdaman niya sa pagbabalik trabaho.
Babalik siya sa kaniyang trabaho kapag alam niyang ready na siya, mentally, emotionally at physically.
#TAPTalks featuring Ryza Cenon as a new mom of 2020! | Image from Ryza Cenon Instagram
The meaning behind the Night
Bakit nga ba “Night” ang ipinangalan ni Ryza Cenon sa kanilang first baby ng partner nitong si Miguel?
“I think ‘yun kasi ang pinaka favorite namin ni Dada na time. I think, kapag sa work din, medyo pagod na pagod kami pagdating ng gabi na. At least kapag naisip namin ‘yung “Night,” magbibigay siya ng light kasi anak na namin ‘yung naisip namin.”
Sa usapang kasalan naman sa partner niyang si Miguel, wala pa sa kanilang plano ito. Ayon sa aktres, gagawin nilang pagkakataon para makilala ang isa’t-isa ang oras na ito sa tulong ni baby Night.
Abangan ang paparating na action-drama series na “Bella Bandida” na pagbibidahan ni Ryza Cenon sa TV5!
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!