Karla Estrada may mensahe sa anak na si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo matapos inanunsyo ng mga ito ang break-up nila

11 years na relasyon ni Kathryn at Daniel nagtapos na.

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo confirms breakup. Ina ni Daniel na si Karla Estrada may mensahe sa dalawa.

Mababasa dito ang sumusunod:

Daniel Padilla and Kathryn Bernardo breakup

daniel padilla and kathryn bernardo

Larawan mula sa Instagram account ni Daniel Padilla

Tapos na ang 11 years na relasyon ng showbiz couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Ang kanilang breakup kinumpirma ng dalawa nitong November 30. Si Kathryn at Daniel kapwa nagbigay ng kanilang statement sa Instagram.

Ayon kay Kathryn, pinili niyang magsalita na ngayon para matigil na ang paulit-ulit na tanong ng kanilang mga fans. At umaasa daw siya na matapos ang kaniyang naging pag-amin ay matitigil narin ang pag-iisip ng lahat tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Daniel.

“Chapter closed. I hope this finally helps all of us move forward. I won’t be entertaining questions regarding this anymore. Thank you for understanding. 🙏🏼”

Ito ang caption ng post ni Kathryn sa Instagram kalakip ang graphics card ng pag-amin niya na hiwalay na sila ni Daniel. Ito ay matapos ang ilang buwan rin daw nilang pagsubok na maayos pa ang ilang taon nilang pagsasama.

Si Daniel ay nagbigay rin ng mensahe niya sa breakup nila ni Kathryn sa kaniyang Instagram account.

“Bal, ang pagmamahal ko sayo ay walang hanggan at walang katapusan.”

Ito ang bahagi ng pahayag niya kalakip ang larawan nila ni Kathryn na magkasama at isang solo pic ng aktres.

 
View this post on Instagram

Mensahe ni Karla Estrada sa anak na si Daniel at kay Kathryn

daniel padilla and kathryn bernardo breakup

Larawan mula sa Instagram account ni Karla Estrada

Sa kaniyang Instagram ay may maikling mensahe rin ang aktres at TV host na si Karla Estrada sa anak na si Daniel at kay Kathryn. Ito ang nasabi ni Karla matapos ang kumpirmasyon na tapos na ang 11 years na pagsasama ng dalawa.

“We Love you both.”

Ito lang ang nasabi ni Karla kalakip ang isang larawan niya kasama si Kathryn at Daniel.

Ayon sa mga usap-usapan, cheating ang dahilan ng paghihiwalay ni Kathryn at Daniel. At ang itinuturong third party sa kanilang relasyon ay ang mga aktres na sina Andrea Brillantes at Gillian Villavicencio.

daniel padilla and kathryn bernardo confirms breakup

Larawan mula sa Instagram account ni Daniel Padilla

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!