Sa aming panayam kay Neonatologist at Philippine Pediatric Society member, Dr. Joey B. Salazar, tinanong namin siya kung ano ang payo niya sa mga magulang na takot magpunta sa ospital. Safe nga ba? Ano nga ba ang mga dapat gawin bago pumunta ng hospital ngayong may banta ng COVID-19?
Dapat gawin bago pumunta ng hospital (COVID-19)
Marami sa mga magulang ngayon ang hindi kampante na pumunta sa mga ospital upang ipa-check up ang kanilang mga anak. Mayroon ding mga nagpapaliban muna ng mga doctor’s appointments dahil sa takot na mahawa sa COVID.
Ayon kay Dr. Salazar, kailangang malaman ng mga magulang na safe naman ang mga ospital. Dahil sumusunod sila sa mga preventive measures at sinisigurong maco-contain ang virus upang hindi ito maihawa sa mga ibang pasyente. Dagdag pa niya, kailangan daw mawala ang mindset ng mga tao na ang mga ospital ay unsafe dahil may mga posibleng infected ng coronavirus dito.
“Parents would sometimes associate hospitals with COVID-19. They’d rather bring their children to clinics that are far from hospital setting. But, it just needs to be explained to them that hospitals are doing necessary precautions in containing the spread and transmission of the viral infection. There are measures that they will be going through when they visit a hospital. We understand the anxiety, but if the condition is something that needs immediate medical assistance, then don’t avoid the hospitals.”
Reliable ba ang mga online consultations?
Ayon kay Doc, matagal nang mayroong mga online consultations. Mas encouraged lang ito sa ngayon dahil nga sa pandemic.
“Online consultation will help in addressing the problem immediately. But if it is the case that you need a face-to-face consultation, better to call your doctor first so they can prepare and be warned on why you want to seek medical assistance. So they can accommodate you [too] accordingly. It is safe to go to hospitals. Just wear your mask, face shield, practice social distancing and follow hospital protocols.”
Ang mga hospital protocols ay nariyan upang maprotektahan ang sinumang mangangailangan ng medical assistance. Kaya naman bukod sa pag-iingat ay kailangan din talaga ng disiplina upang maging safe ang lahat.
Ano ang mga kailangang ihanda tuwing lalabas kasama ang mga bata?
Tuwing kinakailangang lumabas na kasama ang mga bata, lagi lang tatandaan na importanteng maprotektahan ang kanilang bibig, mata at ilong. Ibig sabihin ay kailangan nilang magsuot ng face masks at face shield.
Gayunpaman, hindi raw ine-encourage ang mga newborn na magsuot ng mga ito dahil maaari silang ma-suffocate.
Isaalang-alang din umano kung saan pupunta. Kung sa ospital ay kailangan talaga ng mga ito, pero kung simpleng grocery run lamang, maaring face mask lamang.
Tungkol naman sa gloves, maari raw kasi tayong bigyan nito ng false protection. Mas mainam pa rin umano na maghugas ng kamay nang madalas at gawin ito for 20 seconds.
“Mouth eyes nose — we need to protect these because it’s what we always touch. Use protective devices such as goggles, face shield, face masks. Hand washing is very important. But in the absence of soap and water, use your sanitizer or alcohol. But don’t wipe it off, rub it until your hand absorbs it.”
Iba pang tips para mapanatiling safe ang iyong mga anak ngayon
Narito pa ang ilang tips upang masiguro na safe ang iyong kids ngayong may pandemic.
- Ipa-intindi muna sa kanila ang sitwasyon upang sila mismo ang mag-protekta rin sa kanilang sarili.
“There are a lot of things we need to do to keep our children safe, but it should be age-appropriate. Children learn from observing how things are being done. So, be a role model to them. Show them that you are also washing your hands often.”
- Importante ang madalas na paghuhugas ng kamay upang maiwasan ang transmission.
“First thing I would tell them — handwashing will prevent the transmission.”
- Magsuot ng face mask.
“Tell them the benefits of wearing mask. Aside from handwashing and wearing of mask, it should also be explained to them that they need to refrain from touching their mouth and eyes.”
- Tulungan silang maging active pa rin.
“We also need to keep our kids active, have activities for them that they can do indoors — if it’s not feasible to play outdoors. Since technology is here to stay, keep in mind that we still need to give them screen time, at least 2 hours. But the parents should supervise their kids, to know the contents of the videos they watch or games they play. The other more important thing would be helping children cope with stress. They might feel isolated during this time, so help them cope with stress by explaining the situation in a language that they will understand.”
Sa panahong ito, importante pa rin talaga ang bonding and playtime kasama ang kids. Kaya naman sa tulong ng Johnson’s Baby Playdays campaign, sama-sama nating i-encourage ang pagiging active ng mga bata kahit na lockdown!
Alamin ang iba pang mga creative ways para masigurong active sila sa website na ito.
Basahin:
Stay active during quarantine with these 5 fun family activities!