Tigdas o Measles: Isang gabay tungkol sa sakit na ito

Mga mommies at daddies, nag-aalala ba kayo na magkaka-tigdas si baby, at hindi niyo alam ang gagawin? Alamin dito ang lahat ng bagay tungkol sa sakit na ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Protektahan ang iyong anak laban sa tigdas! Narito ang mga dapat mong malaman tungkol sa sintomas ng tigdas o measles sa ingles. Gaano ka nga ba kahanda?

Mababasa sa artikulong ito:

  • Ano ang tigdas o measles?
  • Mga sintomas ng tigdas
  • Ano ba ang dapat gawin tungkol sa measles o tigdas?

Ano ang tigdas o measles?

Ang measles o tigdas ay isang sakit na labis na nakapag-aalala. Lalo na kung sanggol pa lang ang inyong anak, at masyado pang bata para mabakunahan.

Ito ay isang malubhang respiratory disease (apektado ang baga at breathing tubes). Na nagiging sanhi ng mataas na lagnat at rashes o maliliit at mapupulang pagpapantal sa balat, sa buong katawan. Ito ay nakakahawa, at sa ilang pagkakataon, ay nakamamatay.

Narito ang mga dapat gawin para maiwasan ang komplikasyon ng nakamamatay na sakit na ito.

Ano ba ang dapat gawin tungkol sa measles o tigdas?

Sintomas ng tigdas sa bata, gamot, pangontra, at kakuna | Image from iStock

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

1. Alamin ang mga sintomas ng tigdas sa bata

Nagsisimula ito sa pagkakaroon ng mataas na lagnat ng bata at pagkatapos ay nagkakaroon na ng mga sumusunod:

  • Ubo
  • sipon
  • diarrhea
  • pamumula ng mata
  • Ear infection
  • Rashes o maliliit na pulang tuldok na nagsisimula sa ulo, at kumakalat sa buong katawan

Delikado ito lalo na sa mga sanggol at bata. Para sa ibang bata, ang tigdas ay nagiging sanhi ng ibang komplikasyon tulad ng pneumonia, panghabambuhay na brain damage, pagkabingi, at pagkamatay.

Ang iba ay nagkakaron ng encephalitis o pamamaga ng utak, na nagiging sanhi ng kombulsyon, pagkabingi at mental retardation.

Nasa 40% ng mga may tigdas ang nagkakaroon ng komplikasyon. At karaniwang mga batang 5 taong gulang pababa ang naaapektuhan. Kaya’t sa edad na ito ay dapat ikunsulta agad sa doktor sa unang badya pa lamang ng mga sintomas ng tigdas sa bata, lalo’t mataas na lagnat.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

BASAHIN:

Anu-ano ang mga gamot para sa peklat ng bulutong?

Ano ang rotavirus at paano ito maiiwasan ng iyong sanggol?

Bulutong: Sanhi, sintomas, gamot, at mga paraan para maka-iwas sa sakit na ito

2. Mabilis kumalat ito

Ang tigdas ay mabilis makahawa at kumalat, sa pamamagitan lamang ng pag-ubo, paghinga at paghatsing.

Ang pananatili lamang sa isang kuwarto kasama ng may tigdas ay nakakahawa na, kahit pa 2 oras na ang lumipas mula nang umalis ang taong may tigdas sa kuwartong iyon.

Halos lahat ng walang bakuna para sa MMR ay malaki ang posibilidad na mahawa kaagad kapag na-expose sa virus.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Malnutrisyon ang isang pinakakaraniwang sanhi ng paglala ng komplikasyon

Kapag mahina ang immune system, at mayron nang sakit o panghihina ng katawan ang pasyente, mas nahihirapan na labanan ang mga mas malalang sakit.

Kaya’t kailangang siguraduhing masustansiya ang kinakain ng mga bata. Lalo na ang mga may tigdas, at ugaliing makainom ng sapat na tubig at fluids.

Sintomas ng tigdas sa bata, gamot, pangontra, at kakuna | Image from iStock

4. Alamin kung ano ang bakuna laban sa tigdas

Ang MMR shot o bakuna para sa measles, mumps, at rubella ay para protektahan ang mga bata laban sa tigdas. Kasama na ng mga mas malalang sakit tulad ng mumps at rubella.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Libre ang pagbabakuna ng primary shot ng MMR sa mga Health Centers sa Pilipinas. Lalo para sa mga sanggol na 9 hanggang 12 buwang gulang.

5. Sundin ang schedule ng mga bakuna ng bata

Rekumendado ng DOH at mga pediatrician ang pagbabakuna ng 2 doses ng MMR shot para maligtas sa tigdas ang mga bata. Ang primary dose ng measles vaccine ay kailangang maibigay sa bata sa edad 9 na buwan (pataas), at ang booster shots o pangalawang iniksiyon ay sa edad na 12 hanggang 24 buwan, pagkatapos ng primary dose.

Kapag edad 18 taong gulang na pataas, kailangan lang ng isang shot.

Sa bagong guidelines ng Amerika, pinapayagan na ang mga sanggol na edad 6 na buwan kung maglalakbay sa labas ng Amerika.

Ayon sa DOH, noong 2002, naitala ng World Health Organization ang tinatayang 1.4 milyong bata na limang taong gulang pababa ang namatay, na dapat sanay naagapan kung sumunod lamang sa tamang oras ng pagpapabakuna.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ay 14% ng global total mortality ng mga batang 0 hanggang limang taong gulang.

6. Ligtas ang MMR vacccine

Subok nang ligtas ang MMR, bagamat may mga natalang mahina o mild na side effects nito tulad ng lagnat, rash, at panandaliang pamamaga ng pinag-iniksyonan.

Ang bakuna ay may taglay na buhay ngunit pinahinang bersiyon ng virus, na tumutulong sa immune system na mag-produce ng antibodies laban sa virus.

Ang bakuna ay ligtas para sa mga sanggol mula 6 hanggang 11 buwang gulang, ngunit hindi daw ito kasing epektibo ng para sa mga lagpas 1 taong gulang. Kakailanganin pa din ng 2 dagdag na iniksiyon ayon sa schedule.

7. Dapat ding magpabakuna ang ibang miyembro ng pamilya

Isang paraan ng pag-protekta sa inyong baby ay ang pagpapabakuna rin ng mga taong kasama niya sa araw araw para masiguradong hindi siya mahahawa.

Tandaan din na lahat ng ipinanganak bago ang taong 1957 ay immune sa tigdas dahil noong panahon na iyon, lahat ay nagkaron ng tigdas. Kung ikaw ay nabakunahan na ng 2 doses nuong bata pa o bilang isang adult, hindi kailangang magpabakuna ulit. Kung hindi sigurado, mabuti nang magpainiksiyon pa rin ng booster shot.

Ang mga batang school-aged na, pati mga adolescents ay maaaring makakuha ng 2  doses ng MMR vaccine nang hindi hihigit sa 4 na linggo ang pagitan.

Maaari pang mabakunahan ng MMR vaccine ang sinumang na-expose na, sa loob ng 3 araw ng pagkakaron nito.

Sintomas ng tigdas sa bata, gamot, pangontra, at kakuna | Image from iStock

8. May mga hindi maaaring mabakunahan dahil hindi magiging epektibo ang bakuna sa kanila

Ang mga indibidwal na may HIV o AIDs, at iba pang immune deficiency conditions, mga tumatanggap ng immunosuppressive treatments tulad ng  chemotherapy o radiotherapy, gumagamit ng ilang medikasyon tulad ng corticosteroids, at mga may chronic lung diseases ay hindi tatablan ng bakuna.  

Ang mga batang wala pang isang taon ay hindi rin maaaring mabakunahan ng MMR. Ngunit ang mga 9 na buwang gulang ay pwedeng mabakunahan ng measles vaccine.

Kung ang nanay ay may immunity o nabakunahan na, ang kaniyang sanggol ay mayroon pang nakuhang maternal antibodies hanggang ang sanggol ay edad 10 buwan. Bagamat maaring hindi ito sapat para labanan ang ilang impeksyon.

9. Huwag dalhin kung saan saan ang iyong baby

Ayon sa isang doktor at State Epidemiologist ng Center for Infectious Diseases, ng California Department of Public Health (CDPH), na si Deputy Director Gil Chavez, M.D., Anumang lugar na maraming tao, lalo’t galing sa iba’t ibang lugar o bansa, tulad ng airport, mall, at tourist spots ay may peligro sa tigdas.

Tandaan na ang virus ay maaaring manatili sa isang lugar (sa hangin) nang hanggang 2 oras. Posible ding mahawa ang isang tao sa kapwa. Bago pa maglabasan ang mga rashes at lagnat, pero taglay na ang virus ng tigdas.

Ang tigdas ay delikado, pero ito ay preventable naman o maaaring maiwasan, sa pag-alam lamang ng tamang impormasyon.

 

Sources:

DOH.gov.ph, ABC Australian News, Center for Disease Control

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.