Nagpakasal na si Daryl Ong sa girlfriend na si Dea Formilleza noong March 12, 2022. Ginanap ang wedding ni Daryl Ong sa Antipolo na dinaluhan ng kaniyang mga kaibigan at kapwa singer tulad nina Liezel Garcia, Michael Pangilinan, Julia Serad, at Lyra Micolob.
Mababasa artikulong ito:
- Daryl Ong, Dea Formilleza wedding sa Antipolo
- Kumusta ang relasyon ni Dea sa mga anak ni Daryl?
Larawan mula sa Instagram ni Dea Formilleza
Daryl Ong, Dea Formilleza wedding sa Antipolo
Ibinahagi ng bagong kasal na sina Daryl Ong at Dea Formilleza ang mga picture ng kanilang wedding sa Instagram. Napakaganda ni Dea Formilleza sa kaniyang Mark Tumang wedding gown habang Orias Studios suit naman ang suot ni Daryl Ong. Matatandaang si Mark Tumang ang designer ng genius gowns ni Catriona Gray sa kanyang Miss Universe campaign.
Ginanap ang wedding nina Daryl Ong at Dea sa The Emerald Events Place sa Antipolo. Inulan ng pagbati mula sa mga fans at celebrity friends ang Instagram post ng dalawa.
Sa IG story ni Daryl Ong ay nagpasalamat siya sa kaibigang si Michael Pangilinan dahil sa pagkanta nito ng bridal march ni Dea sa kanilang wedding.
Screenshot mula sa IG Story ni Daryl Ong
Napakaganda rin ang reception sa wedding nina Dea at Daryl Ong, ang beautiful setting nito ay dinisenyo ng team ni Dave Sandoval.
Maaalalang sa isang YouTube vlog ni Daryl Ong ay na-feature niya ang longtime girlfriend. Sa nasabing vlog, inexpress ni Daryl Ong hindi lang ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang girlfriend na ngayon ay wife na niya, kundi maging ang pagpapasalamat nya dahil wonderful at kind person ang pinakasalan.
Larawan mula sa Instagram ni Daryl Ong
Six years ang naging relasyon nina Daryl Ong at Dea bago ang kanilang wedding. 2011 pa lang umano ay mag kaibigan na ang dalawa at noong 2016 nagsimula ang kanilang romantic relationship.
Bago ang dreamy wedding nina Daryl Ong, matatandaang nag-viral ang prenup photoshoot ng dalawa dahil sa temang K-drama.
Todo ang kilig ng mga fan sa prenuptial photoshoot nina Daryl Ong at Dea na inspired sa Korean rom-com series na Crash Landing on You nina Hyun Bin at Son Ye-jin. Ipinost din nila Daryl Ong ang mga pictures na ito sa kanilang Instagram.
Prenuptial photoshoot nina Daryl at Dea
Mas naging espesyal pa prenuptial photoshoot at videoshoot nang gawin ng NicePrint Photo ang kanilang first K-Drama themed film starring ang newly wed na sina Daryl Ong at Dea. Kompleto pa sa Korean dubbing at subtitles pati na rin sa music na mayroong Korean lyrics. Bongga!
Sa nasabing 3-minute mini film, mayroong voice over si Dea, kung saan ay isinasalaysay niya ang mensahe para kay Daryl:
“…I thought being okay was enough. Because I was okay ’til you crash-landed my way. You taught me that ‘okay’ can be ‘better.’ And ‘better’ can be the ‘best.’ You became my best…You sang my soul back together.
How can I settle with okay when I can have the best forever? To my best friend and fiancé, I just want to thank you for crash-landing my way.”
Naging perfect fit ang pre-wedding shoot dahil na nga rin sa parehong musically inclined ang couple. Sabay nilang inawit ang bawat music na ginamit sa pre-wedding video nang buong puso.
Ayon nga sa La Belle Fete sa report ng Metro Style, “…they weave a love story that transcends time. This dreamy set of their engagement shoot uses silky treatment and an ethereal vibe.”
Larawan mula sa Instagram ni Daryl Ong
Kumusta ang relasyon ni Dea sa mga anak ni Daryl?
July 2021 nag-propose si Daryl Ong sa kaniyang noo’y 5-year girlfriend na si Dea Formilleza.
Ayon sa Instagram post ni Daryl Ong noong siya ay nag-propose kay Dea, 5 years in the making umano ang love story nilang iyon at kung isasama pa ang mga taon ng kanilang pagiging magkaibigan ay nasa 10 years ito.
“Di ko na ikukuwento or ipapaliwanag pa ng pagkahaba haba kung bakit ko siya niyaya magpakasal, ang alam ko lang, papakasalan ko ang aking pinakamatalik na kaibigan,” saad ni Daryl Ong.
Ayon naman kay Dea, bago ang proposal ni Daryl Ong ay ipinagdasal niya umanong yayain na siya nitong magpakasal. Kaya sobrang saya ni Dea nang finally ay lumuhod na nga sa harap niya si Daryl Ong at inalok siya ng pinakahihintay na wedding.
Pahayag ni Dea,
“I still get very excited ‘pag naiisip ko na I’m finally marrying the love of my life. Prayed so hard for this!”
Sa isang interview noong 2020 ay natanong na rin si Daryl Ong tungkol sa relationship ni Dea sa dalawa niyang anak na magkaiba ang mommy.
Ayon kay Daryl Ong, nakilala na ni Dea ang mas batang anak niya na nakatira sa Pilipinas at nailalabas pa nila ito nang magkasama.
Samantala, ang mas nakatatandang anak ni Daryl Ong ay hindi pa nami-meet ni Dea dahil sa States ito nakatira. Parehong lalaki ang kids ni Daryl Ong sa kaniyang ex-wife at ex-girlfriend.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!