Ilang guro sa Davao de Oro, umaakyat sa mataas na lugar para makakuha ng signal

Hagip sa litrato ang mga public school teachers sa Davao de Oro na nagtayo ng tent sa tabi ng hi-way para makahanap ng signal sa kanilang webinars. | Lead Image from Inquirer.net

Nahagip sa litrato ang ilang mga public school teachers sa Davao de Oro na nagtayo ng tent sa mataas na bahagi na lugar para makahanap ng signal sa kanilang webinars.

Public school teachers sa Davao de Oro, umaakyat sa mataas na lugar para makakuha ng signal sa kanilang webinars

Nasa kalagitnaan na tayo ng buwan kung saan enrollment month din para sa mga estudyanteng mag eenroll ngayong school year 2020-2021. Nagsimula ito noong June 1 at magtatapos sa June 30. Habang nakatakdang magbalik klase ang mga mag-aaral ngayong August 24.

Para sa ngayong school year, ipinatupad ang Blended Learning sa mga pampubliko at pribadong paaaralan sa bansa. Ang uri ng learning na ito ay ginagamitan ng internet o ibang uri ng technology. Hindi pa kasi maaari ang face-to-face learning o yung tradisyonal na pagpunta ng mga estudyante sa paaaralan. Ito ay dahil sa banta pa rin ng COVID-19 sa buong bansa.

Ngunit hindi lahat ay may kakayahan na magkaroon ng madaling access sa internet.

Davao de Oro public school teachers webinars | Image from Inquirer

Katulad ng mga public school teachers sa New Leyte National High School at New Leyte Elementary School sa Davao de Oro. Kailangan kasi nilang magtayo ng improvised camp o tent sa kahabaan ng highway sa Maco. Ito ay para lang makahanap ng signal at makadalo sa kanilang webinars.

Ayon sa kanila, mas pinili ng mga gurong ito na sa tabi ng highway maghanap ng signal kaysa pumunta sa Tagum City. Kung saan aabutin pa sila ng ilang oras para lang makarating doon.

Specification ng mga gadgets

Para maisagawa ang blended learning, kailangan ng laptop, desktop, smartphone at internet connection ng mga guro at mag-aaral. Tuloy-tuloy pa rin ang pamimigay at donation ng mga LGU sa mga paaralan sa kanilang lugar. Bukod dito, nagbigay rin ng

Ayon kay Department of Education Undersecretary for Administration Alain Pascua, naglabas ng rekomendasyon ang Information and Communications Technology Service para sa minimum specs na idodonate ng iba sa mga paaralan. Kabilang dito ang mga ibibigay na tablet, cellphone, laptop at desktop. Kasama na ang internet para sa mga mag-aaral at teacher na magagamit nila sa online class ngayong school year.

Davao de Oro public school teachers webinars | Image from Freepik

Dagdag nito na makakatulong ang pagbibigay nila ng minimum specs sa mga idodonate na gadgets para sa ibibigay nilang software application na hatid ng DepEd.

“These minimum specifications will facilitate the conduct of distance education during the COVID-19 pandemic and such other emergencies in the future. And will be appropriate to the digital contents and software applications that will be installed by DepEd,”

Rekomendasyon ng DepEd na ang mga ibibigay na tablet ay kailangang Android 9.0, 1.3 GHz processor na may 2GB memory at 32 GB storage. Habang ang smartphone na ibibigay ay mayroong 2 GB memory at 32 GB storage. Kasama na rito ang Octa-core 2.2 GHz processor at Android 8.1 operating system. Ang tablet at smartphone ay kailangang may maayos na camera rin at mayroong wifi at bluetooth.

Bukod sa gadgets, kasama rin na ibibigay ang internet connection para sa mga guro at estudyante. Ayon sa DepEd, kailangan ay nasa 10 GB o 500 pesos kada buwan ang dapat mayroon ang isang guro. Habang nasa 6 GB o nagkakahalaga ng 300 pesos ang mga sa estudyante.

Davao de Oro public school teachers webinars | Image from Freepik

Gadget specification para sa mga guro:

Para maging effective ito, ang mga laptop na ibibigay sa mga teachers ay kailangang nasa 1.6Ghz speed. At mayroong 8 GB RAM na memory. Dapat rin ito ay 12 inches ang size at 512 GB HDD SATA na mayroong built-in speaker at camera na mahalaga para sa kanila kapag may lecture online at kailangan ng video. Mayroon rin dapat itong bluetooth, keyboard, mouse at headseat.

Gadget specification para sa mga junior at senior high school students:

Para naman sa mga junior at senior high school students, kailangan ng 4 GB memory ang kanilang 2 in 1 tablet PC na may 1.1 GHz base clock speed din. Kasama na dito ang 10 inches screen at may internal storage na 32 GB. Katulad sa guro, mahalaga rin para sa mga estudyante ang magkaroon ng built in speaker at camera ang kanilang gagamiting gadget. Kasama na diyan ang bluetooth connectivity, keyboard, mouse at headseat.

As of June 15, tinatayang umabot na sa 10.6 na mag-aaral ang nag enroll na para sa darating na school year 2020-2021.

 

Source:.ne

Inquirer.net

BASAHIN:

LOOK: Official DepEd academic school calendar ngayong S.Y 2020-2021

Sinulat ni

Mach Marciano