Si Deanna Wong ay kilala sa kaniyang angking galing sa paglalaro ng volleyball. Mas kilalanin pa si Deanna Wong bilang proud member ng LGBTQ community at ang kaniyang relasyon sa kaniyang family.
Mga maaari mong mabasa sa artikulo na ito:
- Deanna Wong bilang bahagi ng LGBTQ community
- Relasyon ni Deanna Wong sa kaniyang family
Deanna Wong bilang bahagi ng LGBTQ community
Makikita sa YouTube channel ni Karen Davila ang kaniyang interview kasama si Deanna Wong. Ibinahagi ni Deanna ang ilang impormasyon ukol sa kaniyang sarili at maging ang relasyon sa kaniyang family.
Saad ni Karen kay Deanna na marami ang humahanga sa kaniya dahil sa pagpapakatotoo niya kung ano at sino talaga siya. Tinanong din ni Karen si Deanna kung siya ba ay nag-come out na.
“In a way, it says that. Well I haven’t really being straight to the point with it, being direct with it. But siyempre, siguro I think it says na something na parang, ito ako. So this is who I am. So sila na ‘yong mag-interpret kung ano ‘yon.”
Wika ni Deanna.
Tinanong din ni Karen si Deanna kung ikinokonsidera ba niya ang kaniyang sarili na miyembro ng LGBTQ Community. Tugon naman ni Deanna ay kinokonsidera niyang parte siya nito.
“Pwede, yeah. I think, I am naman kasi LGB. B, yeah. So I can say that I am naman.”
Aminado rin si Deanna Wong na naging issue sa kaniyang family ang pagiging LGBTQ member niya. Partikular sa kaniyang parents, sinabi niya na dahil iba ang paniniwala ng mga ito ay nagkaroon sila ng differences.
“Lalo them na coming from a different generation, they have their own personal beliefs, opinions, perspective. Hindi kami nagkasundo when it came to that point.”
Wika pa ng volleyball star, isa sa naging adamant ay ang kaniyang Dad, dahil na rin sa iba ang sinasabi ng paniniwala nito. Ibinahagi rin naman ni Deanna ang kaniyang nasa isip,
“Nasa isip ko kasi, you live your own life and your life means doing things that make you happy.”
“It was me kasi believing na nagustuhan ko lang naman ‘yong tao eh. Parang minamahal ko lang naman siya, and if I’m not stepping on anyone’s toes or anything like that, hindi naman siya mali.
So it wasn’t really because na, I was who I am right now or dahil nga naglalaro ako ng volleyball, it doesn’t because of that, it was just really because somehow I really felt.”
Ayon naman kay Deanna, ngayon ay tanggap na ng kaniyang mga magulang ang kaniyang preference.
“Well, they’ve accepted it naman. Kasi syempre wala silang magagawa nga kasi it’s my life naman we are talking about nga. Siguro they’ve seen na it wasn’t a hindrance for example for my career or something else, ‘di ba.”
Relasyon ni Deanna Wong sa kaniyang family
Sa interview ni Deanna Wong kasama si Karen Davila napag-usapan ang samahan nina Deanna at ng kaniyang pamilya. Si Deanna ay ang middle child ng kanilang pamilya at asthmatic din siya. Sumang-ayon din si Deanna kay Karen ng sabihin nito na proud ang kaniyang mga magulang sa kaniya.
Kuwento pa ni Deanna, pangarap ng kaniyang ama na maging pro-varsity player at parang pinapasa sa kaniya ito kung kaya sobra rin itong proud sa kaniya. Ang kaniyang mommy, ayon kay Deanna ay siguro hindi inakala na siya ang magiging sporty dahil sakitin siya noong bata.
Tinanong naman ni Karen kung ano ang drive ni Deanna para magtagumpay.
“My drive talaga was that, I wanted to be able to grow na hindi ako nag-depend kahit sinoman, even if it’s my parents.”
Lahad ni Deanna Wong.
BASAHIN:
Sharon Cuneta sa pag-come out ni Miel bilang queer: “She will always have my support and love.”
Danica Sotto reveals love language of her husband, Marc Pingris: “He loves being hugged, kissed.”
Kuwento pa niya, nasa iisang bahay sila nakatirang lahat kung saan nandoon ang kaniyang mommy at daddy. Kung saan, may mga pagkakataon na ito na ang mga nagsasabi ng kanilang gagawin, paglilinaw rin niya ay hindi naman ito in a bad way.
“Sinabi ko to when I was a child, when i grow up i really wanted to earn money by myself. And with that kasi, matulungan ko sila.”
Pagpapatuloy pa ni Deanna, hindi niya alam kung kailan niya na-discover ang kakayahan sa volleyball dahil sporty talaga siya at ang pinakapaborito niya ay basketball dahil na rin sa kaniyang daddy. Kuwento pa niya, kada linggo pagkatapos ng misa ay nanonood sila ng laro at nagustuhan niya rin ito dahil ito raw ay cool.
Nang sabihin din ni Karen na dahil sa idol ni Deanna ang kaniyang daddy kaya siya na-expose at naroon ay sinang-ayunan ito ni Deanna.
Tinanong din ni Karen si Deanna kung ano ang pinakamahirap niyang pagsubok na hinarap. Ang pagiging malayo sa kaniyang pamilya ang pinakaunang sagot ni Deanna.
Pagbabahagi pa ni Deanna, kung hindi dahil sa kaniyang father ay wala siya sa kung nasaan siya ngayon. Ika niya, ang daddy niya ang nagpupush sa kaniya sa tuwing gusto na niyang mag-quit.
“He really was a big or is a big factor to where I am right now. Kasi kung hindi dahil sa kaniya, ‘yong mga motivations, criticisms niya. ‘yong mga misunderstandings namin kasi ano kami eh, parang minsan nag-aaway kasi ‘di nga kami nag-agree to a certain thing. So kung hindi dahil lahat doon, parang wala rin ako dito.”
Ayon pa sa volleybelle, maituturing niya ang kaniyang sarili bilang Daddy’s girl. Fahil sa pareho nilang pagmamahal sa sports ay may connection sila ng kaniyang ama.
Kuwento pa niya, ang namimiss niya ay ang kulit at panonood ng ama sa mga live games. Nang tanungin ni Karen kung ano ang pinaka-love ni Deanna sa kaniyang dad ay ang pagiging supportive nito.
“Supportive niya talaga. He’s really a supportive dad.”
Masaya rin si Deanna dahil masaya ang kaniyang mga parents. Sa ngayon ay nakatutulong na siya sa kaniyang pamilya bilang isang pro-volleyball player.
“Masaya, kasi i see my parent’s also happy. So parang it’s also, we’ve giving back for what they done to us.”