Dahil nga it’s the time of the year na puno ng festivity ang paligid dahil sa papalapit na Pasko at Bagong Taon, maraming iba’t ibang December events ang maaaring puntahan ng pamilya. Theater play, shopping sale, art fair, Christmas party, at marami pang iba.
Narito ang ilan sa mga December events 2023 in the Philippines na puwede niyong puntahan ng family.
December events 2023 in the Philippines
December events: 2023 Grand Christmas Parade
Isama ang buong pamilya at damhin ang magic ng Pasko sa McKinley Hill’s Grand Christmas Parade. Mapapanood ang mga nagagandahang festive floats, enchanting performances, at giant balloons sa nasabing Christmas Parade. Gaganapin ito sa McKinley Hill, Florence Way Street sa Taguig City sa December 9, 2023, alas-5 ng hapon.
Christmas Eve Dinner Under the Sea
Larawan mula sa Facebook page ng The Ocean Park
Kung naghahanap ka ng pupuntahan sa Pasko na tiyak na exciting para sa mga chikiting, puwedeng subukan ang Christmas Eve Dinner Under the Sea ng Aqua Dining.
Tampok sa event na ito ng buffet ng masasarap na pagkain. Mae-enjoy niyo rin ang exclusive after-hours visit sa Oceanarium. Bukod pa rito, nariyan din ang Aqua Santa’s underwater appearance. Mayroon ding Christmas Chorale kaya tiyak na perfect ang holiday mood habang nagdidinner. At syempre, pwede mong sorpresahin ang mga chikiting ng special gift sa kids’ play area.
Maaaring magpareserve ng table sa website ng Manila Ocean Park.
December events: Enfant Christmas Baby Sale 2023
Ma-eenjoy naman ng family ang pamimili sa Enfant Christmas Baby Sale. Up to 70% sale ang mga produkto ng Enfant. Gaganapin ito sa activity center ng Ayala Malls, Trinoma, sa Quezon City. Kung gusto mong makabili ng murang gamit ni baby, punta na sa Enfant Christmas Baby Sale 2023 mula December 8 ng alas-10 ng umaga hanggang sa December 10 ng alas-10 ng gabi.
December events Philippines: Christmas Fairytales
Larawan mula sa Cultural Center of the Philippines website
Mahilig ba sa fairytales ang kids? If yes, pwede mong ipanood sa kaniya ang Christmas Fairytales ng Ballet Philippines. Tiyak na mamamangha ang buong pamilya sa sayaw at storytelling ng Ballet Philippines. Gaganapin ang pagtatanghal sa December 15-17 sa The Theatre at Solaire.
Para sa iba pang impormasyon, maaaring bumisita sa website ng Cultural Center of the Philippines.
Rhythm and Lights featuring Dilaw
Isang gabi na puno ng musika naman ang hatid ng Rhythm and Lights sa Festival Mall, Alabang. Tampok sa nasabing December event ang bandang Dilaw na patok na patok ngayon sa mga millennial at Gen Z. Kaya kung mahilig sa musika ang pamilya, isama na sila sa nasabing event.
Para sa iba pang detalye maaaring bisitahin ang Facebook page ng Festival Mall.
December events Philippines: The Nutcracker
Ang The Nutcracker ay isa sa mga Christmas favorites. Ilang henerasyon na rin ang nakanood ng pagtatanghal na ito. Sigurado rin na masisiyahan ang chikiting sa pagtatanghal ng Philippine Ballet Theater ng charming tale na ito. Tungkol ang The Nutcracker sa Holiday adventure ng isang little girl sa fantasy world ng mga fairies, princess, toy soldiers, at army ng mga mice!
Gaganapin ang pagtatanghal sa Newport Performing Arts Theater sa December 16-17, 2023. Para makabili ng ticket maaaring bumisita rito.
Larawan mula sa Cultural Center of the Philippines Facebook page
The Manila Bang Show 2023
Libreng exhibit at live performances naman mula sa mga local artists ang matutunghayan sa The Manila Bang Show 2023. Tampok sa nasabing show ang iba’t ibang local art scene.
Mayroong 30 participating exhibitor mula sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Kung nais mong i-immerse ang iyong anak sa contemporary art scene, tamang-tama na dalhin mo siya sa The Manila Bang Show at magkasama niyong enjoyin ang art fair.
Gaganapin ito sa December 7-10 sa Upper Ground Floor, Civic Drive, Festival Mall, Alabang. Maaaring magregister ng free sa kanilang website www.themanilabangshow.com
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!