Kahit pa gaano mo pinagkakatiwalaan ang iyong asawa, hindi pa rin maiiwasan na minsan ay may maramdaman kang pagdududa sa kanya dahil sa posibleng deception. Kung naku-curious ka kung nagsasabi nga ba ng totoo si misis o mister, narito ang ilang paraan para malaman.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Ano ang deception?
- 3 ways para malaman kung may deception sa inyong mag-asawa
Ano ang deception?
Sinabi na ba ng asawa mong itinapon niya na ang basura pero pagtingin mo ay nandun pa? Pumasok sa trabaho pero nakipagkita lang sa mga kaibigan niya? O kaya ay sinabing may kaltas sa sahod pero ang totoo ay binili lang ng gamit na nakita sa mall? Marahil sa tagal ninyong pagsasama ay nagawa na ang ilan sa pagsisinungaling na ito.
Kung malaman mo man ang katotohanan, madali kang makaka-recover dahil minor lamang ang pangyayaring ito.
Pero paano kung may mga bagay nang nagsisinungaling siya na maaaring sa matagal na panahon na niyang ginagawa?
Ang ‘honesty’ o katapatan sa relasyon ay isang crucial na component para sa healthy na pagsasama. Karamihan sa magkasintahan ay madalas namemaintain naman ang honesty na ito.
May mga pagkakataon nga lang na hindi talaga naiiwasang may isang hindi nagsasabi ng katotohanan. Dito papasok ang usapin ng ‘deception’ sa mga mag-asawa na ayon sa mga eksperto, ito raw ay:
“Deception refers to the act—big or small, cruel or kind—of encouraging people to believe information that is not true. Lying is a common form of deception—stating something known to be untrue with the intent to deceive.”
May tinatawag na casual o occasional liar kung saan nagagawa nilang magsinungaling para sa mabababaw na dahilan. Mayroon ding tinatawag na ‘long-term deceiver’ o ang mga taong handang magsinungaling kahit pa alam nilang may matagalang epekto ito.
Nagsisimula ang pagsisinungaling ng tao sa phase ng buhay sa adolescence part kung saan mayroong importansya na ang social relationships.
Ginagawa ang pagsisinungaling sa iba’t ibang paraan. Ang ilan diyan ay pagbabawas ng impormasyon, pagtanggi sa katotohanan, pagsang-ayon sa usapin kahit taliwas sa paniniwala o kaya naman exaggeration sa mga kuwento.
Ang pagsisinungaling daw ay parang mga hiling na nais matupad. Ayon sa mga pag-aaral mayroong 3 rason kung bakit nagsisinungaling ang tao.
Una ay para makuha ang kanilang mga gusto. Pangalawa para maprotektahan ang pansariling interes, at huli ay upang makapanakit ng iba.
BASAHIN:
REAL STORIES: “I caught my husband cheating on me — with our maid!”
3 ways para malaman kung may deception sa inyong mag-asawa
Kung nasa kalagayan ka na hindi na mapakali kung nagsisinungaling nga ba si misis o si mister, mayroong sagot ang mga eksperto diyan.
May iba’t ibang paraan na nakita ang mga mananaliksik upang malaman kung ang isang tao ba ay nagsasabi ng totoo o hindi. Narito ang ilan sa kanila:
1. Body language
Ayon sa mga eksperto, natural na nakikita raw ang pagsisinungaling sa major at minor na pagbabago sa kanilang body language o facial expression. Tumutukoy ang body language sa mga non-verbal signals na ginagamit sa komunikasyon.
Napag-alaman na may koneksyon ang body at face upang magbigay ng clues kung honest ba ang isang tao kung alam mo kung ano ang dapat tignan. Ang ilan sa signs of tension na nakaugnay sa pagsisinungaling ay:
- Pagtakip sa leeg gamit ang kamay
- Pagbuhat sa inside edge ng paa
- Pagko-compress ng labi
2. Eye contact
Kadalasang sinasabi ang katagang, “tignan mo akong diretso sa mata!” sa tuwing gusto nating magsabi ng totoo ang kausap natin. Ang karaniwang paniniwala kasi na kung hindi makatingin ay ibig sabihin nagsisinungaling.
Binangga ito ng siyensa sa pamamagitan ng pagsasabing ang mga taong nagsisinungaling daw ay mas tumititig o nagkakaroon ng eye contact sa taong kausap nito.
3. The Mimicry Deception Theory
Isa sa approach na maaaring alamin upang malaman kung ‘chronic deceiver’ ang isang partner sa mag-asawa ay ang Mimicry Deception Theory (MDT). Mayroong apat na components o dimension upang ma-track sila sa pamamagitan ng teoryang ito:
- Community integration – Marunong kumuha ng tamang tiyempo ang mga deceiver. Sinisigurado nilang mai-establish nila ang mga tao sa paligid sa eksaktong panahon. Sa ganitong paraan nila nakukuha ang loob ng nasa paligi upang mapaniwalang sincere talaga ang kanilang mga sinasabi.
- Complexity of deception – Sisiguraduhin niyang ‘highly elaborate’ ang kanyang pagsisinungaling para mapanatali niya ito sa matagal na panahon.
- Resource extraction – Dahil nga tatakbo sa mahabang panahon ang pagsisinungaling niya gagawin niyang ang paraan ng prolonged strategy kung saan paunti-unti ang kukunin niyang ganansya.
- Detectability – Matindi ang magiging pag-iingat nila upang hindi sila mahuli sa pagsisinungaling. Gagawin nila ang lahat para maitago ang dishonesty na makita ng ibang tao.