TAP top app download banner
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product Guide
Sign in
  • Money Tips
    • Savings
    • Loans
    • Insurance
    • Investments
    • Government Benefits
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping

Paano Magdekorasyon ng Bahay para sa Chinese New Year (Kasama ang mga Bata)

5 min read
Paano Magdekorasyon ng Bahay para sa Chinese New Year (Kasama ang mga Bata)

Nag-iisip kung paano lalagyan ng dekorasyon ang bahay sa Chinese New Year? Tingnan ang mga tips na ito na pwedeng gawin with kids!

Ang Chinese New Year ay panahon ng kasiyahan, pamilya, at bagong simula. Ano pa nga ba ang mas magandang paraan upang salubungin ang masayang okasyon kundi ang pagdekorasyon ng inyong tahanan? Mula sa makukulay na pulang parol hanggang sa detalyadong paper cuttings, ang mga dekorasyon sa Chinese New Year ay sumisimbolo ng suwerte, kasaganaan, at kaligayahan para sa darating na taon.

Kung may mga bata sa bahay, mas magiging espesyal ang pagdekorasyon kung isasama sila sa proseso! Bukod sa paglikha ng mahahalagang alaala ng pamilya, ito rin ay masayang paraan upang turuan sila tungkol sa mga tradisyong Tsino at ang kahulugan ng mga ito.

dekorasyon sa chinese new year

Sa artikulong ito, ibabahagi namin ang mga praktikal na tip at malikhaing ideya para ma-dekorasyonan ang inyong bahay para sa Chinese New Year nang ligtas, masaya, at akma para sa mga bata.

Mga Tip para sa kid-friendly na dekorasyon sa Chinese New Year

  1. Piliin ang tamang dekorasyon at ang kanilang simbolismo

Simulan sa pagpili ng mga dekorasyong sumasalamin sa diwa ng Chinese New Year. Ang bawat dekorasyon ay may espesyal na kahulugan, kaya magandang pagkakataon ito upang ipaliwanag ang simbolismo ng mga ito sa inyong mga anak:

  • Red Lanterns o pulang parol: Isabit ito sa pintuan o sala upang sumimbolo ng magandang kapalaran at itaboy ang malas.
  • Couplets: Idikit ang mga poetic blessings na ito sa mga pinto o dingding upang magdala ng kasiyahan at kasaganaan.
  • Paper Cuttings: Gumamit ng pulang disenyo mula sa papel na may mga simbolo tulad ng hayop sa Chinese zodiac, isda (kasaganaan), o mga karakter na “Fu” (suwerte).

Kid-Friendly Tip: Hayaan ang mga bata na tumulong sa pagdidikit ng couplets o pagsasabit ng parol. Maaari rin kayong gumamit ng child-safe na gunting at turuan sila ng simpleng paper cuttings.

dekorasyon sa chinese new year

  1. Gumawa ng ligtas at makulay na dekorasyon

Bagama’t ang mga dekorasyon ay para magbigay-liwanag sa inyong tahanan, laging unahin ang kaligtasan, lalo na kung may maliliit na bata.

  • Gumamit ng mga parol na baterya ang gamit imbes na kandila upang maiwasan ang sunog.
  • Pumili ng magagaan na dekorasyon na hindi makakasakit kung mahulog.
  • Iwasan ang mga babasaging materyales tulad ng salamin o ceramic.

Kid-Friendly Tip: Bigyan ang inyong mga anak ng sariling “decorating zone.” Maaari itong maging isang sulok na puno ng plush toys, ligtas na dekorasyon, o DIY crafts.

  1. Dekorasyon para sa dining area

Ang hapag-kainan ay sentro ng pagtitipon ng pamilya tuwing Chinese New Year.

  • Gumamit ng pulang o gintong mantel para sa masayang tema.
  • Maglagay ng basket ng prutas na puno ng dalandan at pomelo na sumisimbolo ng yaman at tagumpay.
  • Gumamit ng dekoratibong chopsticks, napkin, o plato na may disenyo ng Chinese New Year.

Kid-Friendly Tip: Hayaan ang mga bata na mag-ayos ng mga prutas sa basket o maglagay ng fortune cookies sa mga plato para sa dagdag na kasiyahan.

  1. Maglagay ng halaman at bulaklak

Ang mga halaman at bulaklak ay mahalaga sa Chinese New Year dahil sumisimbolo ang mga ito ng panibagong simula at paglago.

  • Lucky Bamboo: Sumisimbolo ng lakas at suwerte.
  • Peach Blossoms: Nagpapahiwatig ng pag-ibig at pagkakaisa.
  • Mandarin Orange Trees: Sumisimbolo ng kasaganaan at kayamanan.

Kid-Friendly Tip: Hayaan ang mga bata na magdekorasyon ng paso gamit ang mga laso o magsabit ng maliliit na palamuti sa mga sanga.

  1. Lumikha ng masayang ambience

Kumpletuhin ang dekorasyon sa pamamagitan ng tamang ambiance.

  • Magpatugtog ng tradisyunal na musika ng Chinese New Year para sa masayang mood.
  • Gumamit ng scented candles o essential oils na may aroma ng mandarin, jasmine, o sandalwood.
  • Maglagay ng fairy lights para sa mainit at maaliwalas na liwanag.

Kid-Friendly Tip: Hayaan ang mga bata na tumulong sa pagsabit ng ilaw o pumili ng kanilang paboritong festive songs para sa playlist.

dekorasyon sa chinese new year

DIY crafts para sa mga bata

Ang paggawa ng dekorasyon kasama ang mga bata ay isang masaya at nakatuturang aktibidad. Narito ang ilang madaling crafts na maaaring subukan:

  • Red Envelopes Garland: Itali ang mga pulang sobre (angpao) at isabit bilang garland. Pwedeng lagyan ng mga sticker o glitters ng mga bata ang sobre.
  • Handmade Lanterns: Turuan ang mga bata kung paano magtiklop ng papel upang makabuo ng simpleng parol.
  • Lucky Pineapple Ornament: Gumawa ng pineapple crafts mula sa papel dahil pinaniniwalaang nagdadala ito ng suwerte.

Pagpapaliwanag ng kultural na kahulugan ng dekorasyon

Habang nagde-dekorasyon, ibahagi ang kasaysayan at kahulugan ng mga tradisyon. Halimbawa:

  • Ipaliwanag kung bakit ang pula ay sumisimbolo ng suwerte at kung bakit mahalaga ang paglilinis ng bahay bago magdekorasyon.
  • Ikuwento ang kaugnayan ng bawat bagay, tulad ng karakter na “Fu” o dalandan, sa mga hiling para sa bagong taon.

Ang pagdekorasyon ng inyong bahay para sa Chinese New Year ay higit pa sa simpleng paglalagay ng mga palamuti. Ito ay tungkol sa pagdiriwang ng tradisyon, pagpapalakas ng pagiging malikhain, at paglikha ng mga di-malilimutang alaala kasama ang pamilya.

Kaya’t magtipon-tipon, hayaang dumaloy ang inyong pagiging malikhain, at gawing masigla at maaliwalas ang inyong tahanan upang salubungin ang isang masagana at masayang bagong taon!

Translated with permission from theAsianParent Singapore

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Jobelle Macayan

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Paano Magdekorasyon ng Bahay para sa Chinese New Year (Kasama ang mga Bata)
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
  • Gabay ng Mga Magulang
  • Relasyon
  • Pagpapasuso at formula
  • TAP Community
  • Advertise With Us
  • Contact Us
  • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Vietnam flag Vietnam
© Copyright theAsianparent 2026. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko