15 signs na delayed ang development ng isang bata

lead image

…at bakit hindi dapat mabahala sa mga ito

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tanong ni Mommy, “Delayed ba ang anak ko?” Narito ang mga dapat mong malamang tungkol sa development delays sa mga bata.

Habang lumalaki ang iyong anak, napapansin mo na dumarami ang mga bagay na kaniyang nagagawa. Mula sa isang maliit na sanggol, naaantabayanan mo ang kaniyang paglaki. Natututo na siyang tumayo, lumakad at magsalita.

Subalit paano kung mapansin mong tila “nahuhuli” ang iyong anak kumpara sa ibang batang ka-edad niya? Dapat ka bang mag-alala?

Kumonsulta kami kay Dr. Michiko Caruncho, isang developmental pediatrician Mula sa Makati Medical Center para malaman kung ano ang mga senyales na mayroong developmental delay ang isang bata.

Delayed ba ang anak ko? 6 na bagay na dapat mong malaman tungkol sa developmental delay at kung bakit late magsalita ang bata

1. Ano ang Developmental Delay?

Habang lumalaki ang bata, natutunan nilang gamitin ang kanilang katawan at isipan. Bukod sa kanilang pisikal na paglaki gaya ng pagbigat ng timbang at pagtaas. Mayroong mga bagay na inaasahang magagawa na ng bata pagdating sa isang edad. Tinatawag itong developmental milestones.

Ito ang nagsisilbing gabay sa mga magulang para malaman kung ang kanilang anak ay “on-track” sa kanilang paglaki. Pero dapat ding tandaan na bawat bata ay ay lumalaki at nagde-develop ayon sa sarili niyang pace o oras.

Pahayag ni  Dr. Caruncho.

“Ang child development is not really a specific age or specific month. Range talaga, may mga batang slow, may mga batang fast. Kunwari sa sitting, may mga mabagal may mga mabibilis.” 

Habang magkakaiba ang bilis ng development ng bawat isa, mapapansin kung ang bata ay nahuhuli at hindi pa naaabot ang milestones para sa kaniyang edad. Kapag ganito ang kaso, sinasabing siya ay may developmental delay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nada-diagnose ang developmental delay kapag ang isang bata ay hindi pa natututunan o naaabot ang inaasahang kakayahan sa developmental milestone sa nakatakdang edad. May mga minor o ‘di naman dapat ipag-alala, at may mga mahalaga at dapat na pagtuunan ng pansin.

Maraming developmental delays ang hindi naman seryoso at sa paglipas ng panahon ay sadyang nakakahabol din ang bata at natututunan din niya ang dapat na matutunan.

Ayon kay Dr. Caruncho, para malaman kung may developmental delay ang isang bata, dapat siyang obserbahan para makumpirma kung mayroon delayed ba talaga siya, at kung ano ang posibleng sanhi nito.

Paliwanag niya,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Hindi lang one area ng development, dapat full . You have to make sure the delay is significant. Tignan mo kung may risks factors ba. Premature ba, ganoon. May mga posibleng neurologic problems.

Kailangan i-evaluate. May seizure ba? Kailangan ma-root out muna lahat ng mga posibleng reasons or cause bakit mabagal.”

Bakit hindi pa nakakapagsalita ang bata? | Image from Freepik

2. May 5 areas of development kung saan maaaring mahuli ang isang bata

Gaya ng sinabi ng doktora, ang developmental milestones ay nahahati sa iba-ibang kategorya o areas of development.

Ito ang kakayahang mag-isip, matuto at magbigay ng solusyon sa isang problema. Sa mga babies, curiosity o pagkamausisa ang tawag dito.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pinagmamasdan ng bata ang paligid niya at inaalam kung ano ito, gamit ang mata, kamay, pandinig at maski panlasa. Sa mga toddlers, kasama na ang pagbibilang, pag-alam ng mga kulay at pagkatuto ng mga bagong salita.

Ito ang kakayahang makitungo sa mga tao, kasama na ang paraan ng paghayag at pagkontrol ng nararamdaman. Ito ang pag-ngiti at paggamit ng mga tunog (bababa, dadada) ng mga sanggol para sa komunikasyon.

Sa mga toddlers at preschoolers, ito ay ang paggamit ng mga salita para masabi ang gusto, ayaw at masabi ang iniisip.

Ito ang kakayahang gumamit at makaintindi ng mga salita. Sa babies, ito ang paggamit pa rin ng iba’t ibang tunog o tinatawag na babbling kapag nakikipaglaro o nakikipag-usap sa mga matatanda.

Sa mga mas malalaking bata, ito ang pakikipag-usap gamit ang mga salita at pangungusap.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ito ang paggamit ng small muscles (fine motor) ng mga kamay at daliri, at large muscles (gross motor) ng buong katawan. Gamit ng mga sanggol ang fine motor skills para hawakan ang mga bagay o laruan sa paligid. Sa mga toddlers at preschoolers, ito ang paggamit ng mga kubyertos at paghawak ng lapis o gunting.

Gamit naman ng mga babies ang gross motor skills para umupo, umikot, at magsimulang maglakad. Ito naman ang gamit ng mga mas malalaki na sa pagtalon, pagtakbo, paglambitin, pag-tumbling, at pag-akyat ng hagdan at iba pang equipment sa playground.

Kasama na rin sa kakayahang inaasahan any ang mga life skills na tinatawag, tulad ng pagkain, pagbibihis, paliligo, at mga katulad nito.

Maaaring magkaroon ang bata ng delay sa isa o higit pa sa mga areas of development na ito. May tinatawag na global developmental delay. Kung saan ang mga bata ay may delay sa dalawa at higit pang areas.

Delayed ba ang anak ko? Dapat ba akong mag-alala? | Image from Unsplash

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

3. Delayed ba ang iyong anak? Baka premature lang siya.

Kung ang iyong anak ay isang premature baby, asahan na mas huli ang kaniyang development kaysa sa ibang bata na ka-edad niya. Sa katunayan, ginagamit ang adjusted o corrected age ng bata sa pagsukat ng kaniyang developmental milestones.

“For premature baby ang ginagamit natin ‘yong adjusted or corrected age ang ginagamit natin. Generally, hanggang 2  years old. We expect na mga premature babies na mag-catch up na sa mga regular babies.” ani Dr. Caruncho.

4. Mga warning signs para malaman kung may delay ang development ng bata

Bakit late magsalita ang bata?

Kasalungat ng developmental milestones, maaari mong ring obserbahan ang iyong anak kung nagpapakita siya ng mga warning signs o senyales ng developmental delay.

Halimbawa, ang delay sa speech at language ay makikita kapag:

  1. Sa edad 3 – 4 buwan, hindi nakakarinig ng mga tunog o “pagdadaldal” (babbling at cooing) kapag nilalaro ang sanggol.
  2. Hindi ginagaya ang mga sinasabi o ginagawang ingay ng mga matatanda kapag kinakausap ito, sa edad na 4 na buwan pataas.
  3. Hindi napapansin at walang reaksiyon sa mga ingay sa paligid sa edad na 7 buwan Hindi nagsasalita o nagsasabi ng anumang salita sa edad na 1 taon.
  4. At hindi nakakapagsabi o nakakapbigkas ng hindi bababa sa 15 salita words, at hindi nakikipag-usap sa edad na 2 taon.

Dagdag pa ni Dr. Caruncho,

“Children develop sentences around three years old. Short phrases around 2 years old. ‘Pag hindi pa nakaka form, sa ganyan age. You can be concerned na hindi nila narereach ang milestone para sa language.”

Kung may speech delay, kumonsulta sa pediatrician ng anak para masuri ang bata at tingnan kung kailangang kumonsulta sa isang speech pathologist.

Pagdating naman sa motor skills, narito ang ilang warning signs na dapat bantayan:

  1. Hindi nakakahawak ng mga bagay sa edad na 3 hanggang 4 na buwan.
  2. Hindi umiikot para dumapa sa edad 5 buwan.
  3. Hirap makaupo nang mag-isa sa edad na 6 na buwan.
  4. Hindi nakakaabot ng mga bagay sa edad na 7 buwan.
  5. Hindi gumagapang o nakakatayo nang may gabay sa edad na 1 taon.
  6. Nakatingkayad kapag naglalakad sa edad na 2 taon.
  7. Hindi nakakalakad o nakakatulak ng laruan may gulong sa edad na 18 buwan.

Karaniwang sanhi ng delay sa fine at gross motor development ay premature birth, cerebral palsy, epilepsy, problema sa paningin, at ilang cognitive delays.

Mapapansin ang hindi paggapang at paglalakad ng bata, hindi tama o hindi kayang humawak ng mga kubyertos o panulat.

Kumunsulta agad sa doktor ang anumang delay na napapansin. Physical therapy at occupational therapy ang tugon sa mga delay na ito.

Ang cognitive o pag-iisip naman ay kadalasang tinatawag na intellectual disability. Maaaring may learning disability (tulad ng ADHD), lead poisoning, o autism spectrum disorder (ASD). Early intervention at treatment ang kailangan para matugunan ang pangangailangan ng bata.

Bakit hindi pa nakakapagsalita ang bata? | Image from Freepik

Narito ang ilang senyales na may delay sa cognitive development ang bata:

  1. Hindi sumusunod ang paningin sa mga gumagalaw na bagay sa edad na 3 buwan.
  2. Kapag hindi sumusonod sa mga gumagalaw na bagay malapit man o malayo, sa edad na 6 na buwan.
  3. Hindi tumuturo sa mga bagay sa edad na 1 taon.
  4. Kapag hindi nakakasunod sa simpleng instructions, hindi nakakagaya ng galaw o salita, at hindi natutunan ang tamang paggamit ng mga ordinaryong bagay tulad ng kutsara, suklay, o laruang mekanikal, sa edad na 2 taon.

Sa aspektong social o emotional, ang delay sa social at emotional ay nakakahadlang sa pakikitungo at paikisalamuha ng bata sa ibang tao.

5. Nakakaapekto ang screen time sa development delay ng bata.

Mahilig bang manood ng TV o gumamit ng gadgets ang iyong anak?

May mga pag-aaral na nagpapakitang nakakaapekto ang screen time sa development ng isang bata. Lalo na sa kaniyang pagsasalita. Narito ang pahayag ni Dr. Caruncho tungkol dito:

“Ngayon nakikita natin ang mga negative effects ng screen time sa bata. Oras oras ang exposure sa gadgets ng (mga batang) nagiging delayed.

May isang study, na 6 times delayed ‘yong mga bata na maraming screen time compared sa ibang regular na bata.” 

Payo ng doktora, bawasan ang screentime ng iyong anak, at sa mga batang 2-taong gulang pababa, iwasan muna ito.

“Less than 2 years old talaga, walang ipad, walang cellphone, walang tv, wala. Nawawala ‘yong (opportunity) to hear, to speak, to interact with mom and dad. Kahit educational pa ‘yan.

For example, nanonood siya ng palabas kaysa kausap ni mommy. Iba. Nakikita mo tone, facial expressions. Walang back and forth na interaction sa panonood ng TV.”

6. Ang developmental delay ay hindi permanente, kung pagtutuunan ito ng pansin ng mga magulang.

Kung sa palagay mo ay nahuhuli o hindi naaabot ng iyong anak ang kaniyang milestones, obserbahan pa siya ng mas mabuti.  Kung sa pakiwari ay may kulang o problema sa development ng anak, kumonsulta agad sa pediatrician at humingi ng rekomendasyon para sa mga espesyalista. Humingi ng developmental screening hangga’t maaga.

Pahayag ni Dr. Caruncho,

“Everytime naman kasi you need to go to the pediatrician, hindi lang sila magbibigay ng bakuna sa ‘yo. They (also)check the baby’s development. Anytime you have a concern, ask your pediatrician.” 

Habang maaga, mas malaki ang tulong na maibibigay sa bata. Sa anumang developmental delay, early intervention ang nararapat.

Kapag may diagnosis na, maraming early intervention at treatment, suppport at pati na online resources na makakatulong sa mga magulang para matugunan ang kailangan ng mga anak na may delay.

 

Karagdagang ulat mula kay Marhiel Garrote

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.