Napansin mo ba na medyo late o delayed ang pagsasalita ng iyong baby kumpara sa ibang bata? Narito ang ilang mga impormasyon na makakatulong sa ‘yo upang higit na maintindihan ang speech development ng iyong anak.
Mabasa sa artikulong ito:
- Paano masasabi kung late talker ang iyong anak?
- Bakit mas late ang pagsasalita ng baby boy kaysa baby girl?
- Communication Milestones
- Mga dahilan kung bakit nagiging late-talker ang isang bata
Ang speech o language development sa mga bata ay iba-iba ng takbo
Ang marinig mo ang iyong anak na magsalita sa unang pagkakataon ay isa sa mga itinuturing na magical moment ng pagiging magulang. Isa rin ito sa mga milestone ng iyong anak sa kaniyang paglaki.
Subalit, paano nga ba kung napapansin mo na deretso at malinaw na ang pananalita ng ibang bata bukod sa iyong anak? Isa ka rin ba sa magulang na bahagyang naiinip at nagtatanong kung kailan magsasalita si baby?
May ilang mga magulang na natatakot, napapa-isip, at kung minsan naman ay nagpa-panic dahil hindi makasabay si baby sa speech development ng ibang bata. May ilang napu-frustrate at ang karamihan naman ay nag-aalala.
Samantala, may iba rin namang mga magulang ang minamabuti na tumawag at kumonsulta agad sa isang doktor o pediatrician upang magtanong tungkol sa bagay na ito. Minsa’y naikukumpara na rin natin sila sa mga mas nakakatanda nilang kapatid o iba pang bata.
Ngunit mommies and daddies, huwag agad mag-panic o mag-worry kung late na nagsalita ang iyong anak. Dahil ang bawat bata ay may iba’t ibang pace at rate kung kailan sila magsisimulang magsalita.
Paano masasabi kung late talker ang iyong anak?
Ayon sa pag-aaral ng The Hanen Centre, maituturing na late talker ang iyong anak kung siya 18 hanggang 13 months old at may mabuting pagkaka-intindi sa mga bagay at salita, ngunit hirap itong bumigkas ng salita.
Maituturing ding isa sa mga senyales nito ay kapag ang bata ay nag-e-excel sa ibang area katulad ng pandinig, vision, paggalaw, at cognitive skills. Subalit, limitado lamang ang mga salitang kaniyang nasasabi kumpara sa mga ka-edad niyang bata.
Ang ibang bata, mabilis na nakakahabol sa development ng iba, at mayroon din namang hindi sapat ang kakayahan.
Dahil roon, importanteng tandaan na i-monitor ang communication milestones ng iyong anak. Ito ay makakatulong upang mas magkaroon ka ng matalinong desisyon ukol sa bagay na ito.
Delayed ba magsalita ang mga baby boys?: Bakit mas late ang pagsasalita ng baby boy kaysa baby girl?
Isa ka ba sa mga magulang na nagtatanong kung delayed ba magsalita ang mga baby boys dahil iyon din ang napapansin mo sa iyong anak? Narito ang ilang mga paliwanag mula sa eksperto.
Ayon kay Andrew J.O. White house, PhD, isang propesor mula Telethon Institute for Child Health research, karamihan sa mga late-talker ay mga batang lalaki.
Ang delayed speech ay nangyayari sa halos 12% ng mga bata at karamihan sa mga ito ay lalaki. Ayon din sa kaniya, nananatiling misteryoso ang posibleng dahilan kung bakit ito nangyayari.
Samantala, sa isang interview ni Andrew kasama ang WebMD, itinuturing nilang salik ang biological finding at risk factor kung bakit nagkakaroon ng delay sa pagsasalita ng batang lalaki.
Dagdag pa niya, may kinalaman ang mataas na level ng testosterone, partikular na sa mga lalaki kung bakit nagkakaroon ng language delay.
Bagama’t maraming pagkakataon na mas late magsalita ang lalaki kaysa babae, hindi naman ganoon kalaki ang agwat ng tagal. Kadalasan, inaabot lamang ng buwan ang pagitan at ang batang lalaki ay magkakaroon na din ng kakayahang magsalita.
Samantala, kung ikaw ay nagsisimula nang mag-alala dahil ilang buwan na rin ang lulmilipas at wala pa ring development sa pagsasalita ang iyong anak, maaari kang kumonsulta sa doktor. May ilang mga speech at language therapy ang maaari mong i-consider para sa iyong anak.
BASAHIN:
REAL STORIES: “;My 4-year-old son has speech delay—but he can read!”
Concerned about your child’s speech abilities? Here are speech therapy centers you can check out
Communication Milestones
Nasa 15% hanggang 25% ng mga bata ang mayroong communication disorder.
Itinuturing at tinatawag namang “late-talking children” ang mga bata kung sampung salita o mas kaunti pa ang kaniyang nabibigkas sa edad na 18 hanggang 20 na buwang gulang.
Gayon din ang tawag kung ang iyong anak ay nasa 21 hanggang 30 buwan na ang edad ngunit hindi pa lumalampas sa 50 salita ang kaniyang nasasabi.
Ayon sa mga eksperto, kapag ang bata ay tumungtong na sa isang taong gulang, dapat ay nakakapagsalita na siya ng mga simpleng salita.
Halimbawa na lamang ay ang pagsasabi ng “mama” at “dada”. Bukod pa rito, sila din ay dapat nakakaintindi na ng simpleng request, gaya ng pagpapaabot ng mga laruan.
Ayon sa American Academy of Pediatrics, narito ang listahan ng communication milestones ng mga bata sa loob ng limang taon:
2 years old.
Bago pa man tumungtong ng tatlong taon, ay iyong anak ay dapat nakakapagsalita na ng dalawa hanggang talong salita. Sa edad ring ito, ang bata ay nakaka-intindi na ng mga simpleng instruction at nauulit na ang ibang salitang naririnig.
3 years old.
Bago mag-apat na taong gulang ang iyong anak, siya ay dapat nakakasunod na sa mga instruction. Dapat rin ay na natutukoy na niya ang mga common na bagay o litrato, at naiintindihan na rin ang mga sinasabi sa kaniya.
Bukot pa rito, sila ay dapat nakakapagsalita na ng maikling pangungusap na naiintindihan ng kaniyang pamilya.
4 years old.
Bago mag-limang taong gulang, ang iyong anak ay dapat marunong nang magtanong. Halimbawa na lamang ay mga tanong na “paano”.
5 years old.
Kapag ay iyong anak ay limang taong gulang na, siya ay dapat nakakagamit na ng lima o higit pang salita sa isang pangungusap. Bukod rito, siya ay dapat sanay na ring magkuwento gamit ang sariling salita.
Mga dahilan kung bakit nagiging late-talker ang isang bata
Ang developmental at physical delay katulad ng cerebral palsy, Down Syndrome, autism, o childhood apraxia ay ilang mga salik sa pagkakaroon ng communication disorder.
May ilang mga salik rin na nagiging dahilan kung bakit nade-delay ang pagsasalita ng isang bata. Ayon sa pag-aaral, ang mga batang late-talker ay:
- Mayroong family history ng early language delay
- Lalaki, at ipinanganak ng mas mababa sa 85% ng kanilang optimal birth weight o mas maaga sa 37 linggo.
Napag-alaman din sa mga pag-aaral na humigit kumulang 13 porsyento ng mga batang nasa dalawang taong gulang ay late-talkers.
Kung ikaw ay labis na nagaalala o nababahala, maaari kang komunsulta sa iyong kilalang pediatrician o sa isang speech-language pathologist.