Nagsalita si Leon Barretto, anak ni Dennis Padilla, tungkol sa isang deleted post na ipinost ng kaniyang ama sa social media. Ito ay matapos sabihin ng beteranong aktor na hindi umano siya binati ni Leon at iba pa nitong kapatid noong Father’s Day.
Mababasa ang mga sumusunod sa artikulong ito:
- Open letter ni Leon Barretto kay Dennis Padilla
- Sagot ni Dennis Padilla sa kaniyang anak
Open letter ni Leon Barretto kay Dennis Padilla
Sa liham na ipinost ni Leon, anak ni Dennis Padilla kay Marjorie Barretto, sinabi niya na matagal niyang pinag-isipan kung idadaan niya sa social media ang tugon sa kaniyang ama.
“I’ve been contemplating whether I should write this to you and if this is even the best way to do so. But it seems that social media is your preferred way to reach us so may be I can try it too.”
Una ay humingi ng paumanhin si Leon kay Dennis dahil hindi niya nabati ang ama noong Father’s Day. Ngunit paliwanag ng 19 years old na anak ni Dennis Padilla, laging awkward para sa kanilang magkakapatid ang naturang araw.
“It’s always been an awkward day for us cause we never seem to know where we stand with you every year.”
Aniya pa, naiinggit siya sa ibang tao na hindi kailangang magdalawang-isip sa pagbati ng ‘Happy Father’s Day’ sa kanilang mga ama.
Kwento pa ni Leon, sa nakalipas na 10 taon ay sinubukan nilang ayusin ang relasyon kay Dennis. Giit pa ng anak ng aktor, lalo umanong nalalayo ang loob nila kay Dennis dahil sa mga private matter na sinasabi nito sa mga press conference pati sa social media.
Dito naitanong ni Leon kung bakit tila gusto raw umano ni Dennis Padilla na saktan silang mga anak niya sa mata ng publiko.
Larawan mula sa Instagram account ni Leon Barretto
“Papa, why does it seem like you enjoy hurting your kids in public? Do you think it does not pain all of us to not feel protected by their own father?”
Giit pa ni Leon Barretto, tuwing susubukan umano nilang kausapin ang kanilang ama ay nasisigawan, namumura at nata-trauma raw sila.
“Your words have the power to destroy your children, papa.”
Paliwanag pa ni Leon, ang kaniyang pagsasalita ay paraan para maprotektahan ang kaniyang mga kapatid. Matatandaan na sinabi rin ni Dennis na maging sina Claudia at Julia Barretto ay hindi siya binati noong Father’s Day.
“For years I watched my sisters get torn into pieces because of your false narratives and not once did they ever explain their side nor speak negatively about you in public.”
“It’s exhausting, papa. As the only man in the family, this is me stepping up to protect my sisters.”
Nakiusap din si Leon na gusto na niya ng peace. Aniya, sana ay itigil na ng kaniyang ama ang pamamahiya sa kanilang magkakapatid sa publiko.
Umaasa din si Leon na dumating ang araw na mabati nila ang kanilang ama tuwing Father’s Day na mula sa ‘place of gratitude and healing.’
BASAHIN:
Julia Barretto ready to get married to Gerald Anderson: “I’m not scared.”
Julia Barretto asks dad Dennis Padilla kung ano ang biggest regret niya
Lorin at Venice naiyak dahil mawawalay muli sa kanilang ama na si Yilmaz Bektas
Sagot ni Dennis sa kaniyang anak
Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Padilla
Samantala, nag-react naman si Dennis Padilla tungkol sa post ni Leon Barretto.
Sa isang Instagram post ay makikita ang larawan niya kasama si Leon noong bata pa ito. Nag-sorry rin siya sa kaniyang anak.
“I am sorry, Leon. Miss ko lang kayo.”
Tinanong din niya sa kaniyang anak kung anong tinutukoy nito tungkol sa umano’y false narrative. Ayon pa kay Dennis Padilla, 15 taon niyang sinubukan na kausapin ang kaniyang mga anak privately.
Kasunod nito ay may handwritten letter din na ibinahagi si Dennis Padilla para sa kaniyang anak. Aniya, ‘greatest honor’ na kaniyang natanggap ang pagiging ama ni Leon.
Tanggap din niya na nagkaroon siya ng mga pagkakamali. At sinabing laging nasa puso niya ang kaniyang anak.
“I have regretfully made mistakes in my life. I may not have been there for you but I always had you in my heart.”
Wika pa ni Dennis Padilla, pinagsisisihan niya ang mga moments na kasama sana niya si Leon. Pati na rin ang mga pagkakataon na tinago niya ang nararamdaman niya bilang ama.
“If I could have but one wish, I would love to spend some time with you. After all, there is not much more to life than that.”
Larawan mula sa Instagram account ni Dennis Padilla
Parte pa ng mensahe ni Dennis Padilla para sa kaniyang anak na si Leon Barretto.
Samantala, wala pa namang reaksyon sina Julia at Claudia tungkol sa post ng kanilang ama na si Dennis Padilla. Matatandaan na noong 2014 ay humiling si Julia sa korte na gawin nang ‘Barretto’ ang kaniyang opisyal na apelyido.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!