Dennis Padilla nakatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto sa kanyang birthday

Masayang-masaya si Dennis Padilla nang makatanggap ng mensahe mula sa anak na si Julia Barretto sa kaniyang birthday noong Pebrero 9.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Talagang happy ang naging birthday ng aktor na si Dennis Padilla matapos makatanggap ng mensahe mula sa anak na si Julia Barretto.

Dennis Padilla, Julia Barretto bati na nga ba?

Nagdiwang si Dennis Padilla ng kaniyang 62nd birthday noong February 9, 2024. At ito nga raw ay talagang happy dahil nakatanggap siya ng isang napakahalagang regalo. Ang pagbati mula sa kaniyang anak na si Julia Barretto.

Sa ginanap na dinner matapos ang Senate session para sa Senate Bill 2505 o ang Eddie Garcia Bill, ay naikwento ni Dennis Padilla sa mga kasamang artista na sumuporta sa Senate Bill ang maganda niyang balita.

Larawan mula sa Instagram ni Dennis Padilla

Ayon sa report ng Pep.ph, mayroong video na kuha si Senator Robin Padilla kung saan ay makikitang masayang-masaya si Dennis Padilla matapos makatanggap ng mensahe mula kay Julia Barretto.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Senyales umano ito sa posibleng panunumbalik ng magandang relasyon nilang mag-ama.

Ani Dennis Padilla, “Julia, thank you at nag-text ka sa akin nung birthday ko.”

Hindi naman nabanggit ni Dennis ang eksaktong mensahe ng kaniyang anak. Pero kitang-kita ang ligayang dulot nito sa ama.

Larawan mula sa Instagram ni Dennis Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang araw bago ang kaarawan ng aktor ay nag-post ito sa kaniyang social media ng mga picture ng kaniyang mga anak na sina Julia at Claudia. Nilapatan niya rin ito ng mensahe ng pangungulila sa mga anak.

Aniya sa kaniyang caption, “Miss You Anak…God bless your more.” Mayroon ding background music ang nasabing post sa saliw ng awiting “Love Is All That Matters.”

Matatandaang matagal nang di nag-uusap sina Dennis Padilla at ang kaniyang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Leon, at Claudia.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ilang beses na ring nag-post sa social media ang aktor tungkol sa kagustuhang muling makipag-ugnayan sa kaniyang mga anak.

Larawan mula sa Instagram ni Dennis Padilla

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Umaasa umano si Dennis sa mas marami pang chance upang maging maayos ang kaniyang relasyon sa kaniyang mga anak.

Noong 2007 naghiwalay ang mag-asawang Dennis at Marjorie. At ayon kay Dennis, siya lang ang dapat na sisihin sa naganap na hiwalayan.

Sa ngayon ay may bago nang pamilya si Dennis sa piling ng kaniyang Filipino-Australian partner na si Linda Gorton. Mayroon din silang dalawang anak na sina Gavin at Maddie.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sinulat ni

Jobelle Macayan