Dapat bang gumamit ng deodorant para sa buntis?
Painit ng painit ngayon sa bansa, nararanasan na naman natin ang extended summer na pakiramdam kahit panahon na ng tag-ulan. Mas maraming araw ang mainit kaysa maulan at malamig na panahon.
Dahil rito, mas lamang ang amoy-pawis days nating mga nanay. Lalo na kung ikaw ay nagbubuntis. Mas dobleng init ang nararamdaman dahil sa hormonal changes at pataas ng timbang.
Tanong ng nakararaming buntis, dapat bang gumamit ng gumamit ng deodorant para sa buntis?
Ang sagot ay isang malaking YES! Pwedeng pwedeng gumamit ng deodorant ang mga nagbubuntis basta siguraduhin lang na safe ito sa kanilang ni baby habang siya ay nagdadalang tao.
Papaano ba mababawasan ang init na nararamdaman ng katawan habang nagbubuntis?
Katulad nga ng nabanggit ko kanina, ang init na nararamdam ng isang nagbubuntis ay may kinalaman sa hormonal changes at biglaang pagtaas ng timbang, ito ay natural lamang at bahagi ng pagbabago sa katawan kapag buntis.
Ngunit ang karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng sobrang pagpapawis lalo na sa kanilang kili-kili at ilang bahagi ng katawan.
Mas nakakairita ito lalo na kung may hindi kaaya-ayang amoy minsan. Narito ang ilang tips para mabawasan ang init ng pakiramdam habang nagbubuntis.
1. Maligo palagi
Larawan mula sa iStock
Kung kinakailangan at talagang mainit ang panahon, maligo ng at least tatlong beses sa loob ng isang araw. Gumamit ng non-greasy lotion o skin moisturizer para maging healthy pa rin ang skin.
2. Magsuot ng maluluwang na damit na gawa sa cotton
Ang pagsusuot ng maluluwang na damit ay makakatulong ng malaki para mabawasan ang init sa katawan dahil mas nakakapasok ang hangin sa katawan.
3. Uminom ng sapat na tubig
Ang sapat na tubig sa katawan ay makakatulong para maging hydrated at mapalitan ang nilalabas na tubig sa katawan. Iwasan ang pag-inom ng matatamis tulad ng softdrinks at ilang inuming may artificial na flavoring.
Mas mabuting uminom ng fruit juices o shake na gawa mismo sa tunay na prutas. Maaaring gumamit ng honey o plant-based sweetener para maiwasan ang pagtaas ng sugar habang nagbubuntis.
Magdala rin ng tumbler o water bottle kung saan man ang pupuntahan.
4. Tamang pagpili ng kakainin
Alam naman nating lahat na ang pagkain ng masusutansya ay mahalaga kapag nagbubuntis. Ang pagkain ng may alcohol, caffeine, at spicy food ay malaking epekto sa katawan at pagpapawis.
Iwasan ang pagkain nito hindi lamang para maiwasan ang body odor, maging para na rin sa kalusugan ni baby.
5. Siguraduhing malinis at well ventilated ang kwarto at buong bahay
Ang malinis ang kapaligiran habang nagbubuntis ay maganda para sa kalusugan at mental health. Siguraduhing malinis ang bahay lalo na ang kuwarto kung saan palagi natutulog.
Nakakatulong ang paggamit ng air conditioner kung may budget. Kung nagtitipid naman, maaaring buksan ang bintana lalo na sa tanghali at hapon habang namamahinga. Magpalagay lamang ng screen kung malamok sa paligid.
6. Gumamit ng deodorant para sa buntis
Ang paggamit ng deodorant ay malaking tulong sa mga buntis na pawisin. Piliin lamang ang mga deodorant na may safe at natural na ingredients.
Kung ikaw ay may sensitive skin, mas mabuting magpakonsulta sa isang dermatologist kung anong deodorant para sa buntis ang maaari mong gamitin.
Mga alternatibong deodorant para sa buntis na maaaring gawin
May mga nagbubuntis ang pinipili na gumamit ng ilang paraan para maiwasan ang body odor. Ang iba ay natatakot na ang paggamit nila ng deodorant ay maaaring makaapekto sa kanilang baby. Ito ang ilang alternatibo nilang ginagawa.
- Gumagamit ng wipes na may natural na ingredients kapag pinupunasan ang pawis at maiwasan ang body odor.
- Naglalagay ng powder (talc-free), cornstarch, o baking powder sa halip na deodorant upang masisip ang pawis sa kili-kili.
- Nagsusuot ng manilis at light material na mga damit lalo na lung nasa bahay lamang. Ang pagtanggal ng bra ay isa rin sa paraan na nakakatulong para maibsan ang init sa katawan.
- Ngalalagay ng aloe vera sa kili kili bilang moisturizer.
Tamang pagpili ng deodorant habang nagbubuntis
Larawan mula sa iStock
Kung nais naman bumili ng deodorant para sa buntis, narito ang ilan sa dapat tandaan.
1. Pumili ng tamang deodorant at iwasan ag antiperspirant
Ang antiperspirant ay may mga ingredients na maaaring makasama sa inyong baby, kaya naman mas pinipili ng karamihan na gumamit na lamang ng deodorant.
Bukod pa rito, ang antiperspirant ay pumipigil na makalabas ang pawis sa kili-kili na nakakasama sa katawan. Ang pawis ay ay dapat na nakakalabas sa katawan upang maalis ang toxic na dala nito.
2. Iwasan ang deodorant na may paraben
Ang paraben ay masama sa katawan lalo kapag nagbubuntis. Ginagaya ng paraben ang estrogen sa katawan ng buntis at pumipigil sa maayos na function ng hormones sa katawan. Basahin ang mga ingredients ng deodorant na bibilhin upang makasiguro.
3. Piliin kung stick, roll-on, o spray
Mahalaga ito upang malamang kung anung mas prefer mo. May ilang buntis ang mas nagugutuhan na gumamit ng stick dahil mas mabilis itong matuyo kumpara sa roll-on. May ilan naman na may gusto ang spray para hindi nagkakaroon ng stain sa kanilang damit.
Kung gagamit ng spray, siguraduhin nakalayo ang mukha habang nilalagay para hindi ito ma-inhale ng katawan.
BASAHIN:
LIST: Top 7 lotion para sa buntis upang maiwasan ang skin dehydration at sun damage
5 na gatas para sa buntis na mainam para sa iyo
Top 7 lipstick brands that are safe for pregnancy
11 deodorant na safe gamitin ng buntis
Ang paggamit ng deodorant ay hindi masama sa nagbubuntis basta siguraduhin na safe ang mga ingredients nito. Maging mapanuri lalo na kung nagbubuntis, basahin ang ingredients nito at maaari ring sumangguni sa inyong OB kung ito ba ay safe o suitable sa inyo.
Deodorant na Safe Gamitin ng Buntis

Ang Mama’s Choice Dry Serum Deodorant ay ang best choice para sa pregnant or breastfeeding mamas!
Bakit mo ito magugustuhan?
May laman na aluminum ang mga normal na deodorants, na hindi safe para sa iyo. Pero hindi mo kailangan mag-alala sa deodorant na ito dahil ito ay aluminum-free! Ito rin ay nakakapag brighten, nourish, at nakakatulong sa pag control ng pawis.
Ingredients:
Ang CareMag (Dead Sea Mineral) ay isang natural antiperspirant na nakakatulong sa pag reduce ng excessive sweating. May laman din itong niacinamide, na nakakapag brighten ng dark underarms. Panghuli, ang lemon extract ay rich in vitamins para sa pag nourish ng skin.
Human Heart Nature Beauty +PLUS Deodorant Stick

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Human Heart Nature Beauty +PLUS Deodorant Stick ay gawa sa 100% natural ingredients kaya naman suitable ito sa mga buntis maging sa may sensitive na skin. Mayroon itong sunflower oil para sa makinis at maputing resulta ng kili-kili.
Ingredients:
Naglalaman ito ng Sunflower oil para sa pagpapaputi ng kili-kili. Ito rin ang nagbibigay ng kinis para maiwasan ang chicken skin sa balat.
At nagbibigay ng soothing effect pagkagtapos mag-shave. Mayroon din itong Tea Tree Oil at Sage Oil na may anti-bacterial properties para mapigilan ang body odor sa kili-kili.
Human Heart Nature Deodorant Roll-On

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Human Heart Nature Deodorant Roll-On ay gawa sa safe at natural na mga sangkap na hihiyang sa kahit anung skin type.
Nakaka-fresh din ito ng pakiramdam sa bawat paggamit. Mayroong 12 na benefits ang makukuha sa paggamit nito. Ito ay ang mga sumusunod:
- Ito ay gawa sa natural na mga sangkap para maiwasan ang body odor
- Walang lagkit pagkatapos gamitin
- Nakakaputi ng kili-kili
- Nakakapagpakinis ng balat sa kili-kili
- Madaling banlawan, hindi makapit ang residue sa balat
- Walang flake na namumuo pagkatapos gamitin
- Hindi nakakamantsa sa damit
- Ito ay walang harsh na alcohol na nakakapagpaitim ng kili-kili
- Walang aluminum salt
- Hindi rin ito naglalaman ng phthalates/synthetic na pabango na nakalagay
- Hindi naglalaman ng triclosan
- At walang parabens na nakakasama sa nagbubuntis at sa baby
Available ito sa dalawang scent na Powder Fresh at Happy Pink.
Ingredients:
Ang main ingredients nito ay Sunflower Oil na nakakaputi ng kili-kili at nagpapakinis ng balat.
DEONAT Aloe Mineral Deodorant Stick

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang deodorant na na ito ay gawa sa Aloe Mineral na gawa naman sa natural salt na nilagyan ng aloe leaf exract . Kapag ginamit mo ito, siguradong walang irritation kang mararamdaman.
Hindi rin ito nag-iiwan ng marka [o mantsa sa damit kapag ginamit. Nagbibigay rin ito ng moisture sa kili-kili para pampakinis ng balat.
Ingredients:
Mayroon itong Water, Ammonium Alum (organically-made), at Aloe Leaf Extract.
NIVEA Deodorant Naturally Good Bio Aloe Vera Roll-On

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang NIVEA Deodorant Naturally Good Bio Aloe Vera Roll-On ay mayroong aloe vera at gawa sa 95% na natural na mga sangkap. Gawa rin ito sa 100% vegan formula kaya naman siguradong safe itong deodorant para sa buntis. Wala rin itong aluminum (ACH) na makaksama sa kalusugan.
Ingredients:
Gawa ito sa Water o Aqua, Alcohol Denat., Glycerin, Parfum, Aloe Barbadensis Leaf Juice Powder, Hydroxyethylcellulose, at Polyglyceryl-2 Caprate.
NIVEA Deodorant Naturally Good Bio Aloe Vera Spray

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang NIVEA Naturally Good Bio Aloe Vera Spray ay kaparehas ng produktong nabanggit sa itaas. Ito ay gawa naman sa Spray para sa mga may ayaw ng roll-on dahil sa tagal ng pagpapatuyo nito sa balat.
Ginawa ito upang magbigay ng freshness at mapigilan ang pagkakaroon ng body odor. 95% rin ng mga sangkap nito ay gawa sa natural ingredients tulad ng Aloe Vera at Glycerin. Wala rin ito aluminum, alcohol at parabens na makakasama sa nagbubuntis.
Ingredients:
Naglalaman ito ng Water o Aqua, Alcohol Denat., Glycerin, Parfum, Aloe Barbadensis Leaf Juice Powder, Hydroxyethylcellulose, at Polyglyceryl-2 Caprate.
Crystal Natural Mineral Deodorant

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang deodorant na ito ay isa sa best seller kung deodorant ang pag-uusapan. Kilala ito sa buong mundo dahil sa gawa ito sa natural mineral salt.
Pinipigilan nito ang pagkakaroon ng body odor sa loob ng 24 hours. Ito rin ay hypoallergenic na deodorant para sa buntis. Ito ay safe, healthy, at effective gamitin. Wala rin itong Aluminum Chloride, Parabens, Phthalates, at Artificial Fragrance.
Ginagamit rin ito ng iba hindi lamang sa kili-kili, maging sa ilang bahagi ng katawan na pawisin at madalasan magkaroon ng body odor. Ang isang deodorant stick ay magagamit ng halos isang taon.
Ingredients:
Gawa ito ito natural mineral salts.
Love Thy Self Jeju Berry White Deodorant Spray

Bakit mo ito magugustuhan?
Ito ang deodorant para sa buntis na nagbibigay ng maputing resulta kapag ginamit. Ang Jeju Berry White Underarm Whitening Deo Spray ay mayroong whitening ingredients na safe at effective gamitin laban sa hyperpigmentation (pangingitim) sa kili-kili.
Mayroong itong potassium aluminum na gawa sa natural na sangkap at hindi naabsorb ng balat kapag ginamit. Ito rin ay frangrance-free para maiwasang ang skin irritation.
Ingredients:
Mayroon itong Organic Bearberry Extract, Orange Peel Extract, at Niacinamide na natural na sangkap sa pagpapaputi at pagpigil sa body odor.
Nuud Natural Deodorant Starter Pack

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Nuud Natural Deodorant ay anti-odorant. Pinipigilan nito ang body odor na gawa ng bacteria at germs na nakukuha sa sobrang pawis na napabayaan. Epektibo itong sa pagtanggal ng bacteria sa tulong ng micro silver. Ito rin ay no aluminum, no fragrances, no vague chemicals, at no alcohol.
Ingredients:
Mayroon itong 12 na natural na mga sangkap kaya naman safe itong deodorant para sa buntis.
- Micro silver
- Coconut Oil
- Castor Oil
- Almond Oil
- Zinc oxide
- Mineral clay
- Vegetable emulsifier
- Castor oil extract
- Vegetable mix-enhancer
- Carnauba wax
Native Deodorant Natural

Bakit mo ito magugustuhan?
Kung gusto mo ng deodorant na safe at gawang natural, gumamit ng Native Deodorant Natural. Wala itong aluminum, parabens, phthalates, at talc na kakasama sa katawan at kay baby.
Epektibo rin itong pampaputi ng kilikili at nilalabanan ang body odor. Dahil wala itong aluminum, hindi ito nag-iiwan ng mantsa sa damit kapag ginamit.
Ingredients:
Mayroon itong Caprylic/capric triglyceride, tapioca starch, ozokerite, sodium bicarbonate (baking soda), magnesium hydroxide, coconut oil, cyclodextrin, shea butter, dextrose, at L. Acidophilus (probiotic).
Arm & Hammer Natural Deodorant

Bakit mo ito magugustuhan?
Ang Arm & Hammer Natural deodorant ay gawa naman sa sangkap na siguradong hihiyang kahit anung skin type ng nagbubuntis. Ito ay gawa sa natural deodorizers na mga sangkap. Wala rin itong aluminum at parabens kaya naman safe gamitin.
Ingredients:
Mayroon itong Dipropylene Glycol, Water, Propylene Glycol, Sodium Stearate, Sodium Bicarbonate (Baking Soda), Coriandrum Sativum (Coriander) Fruit Oil, Rosmarinus Officinalis (Rosemary) Leaf Oil, Lavandula Hybrida (Lavandin) Oil, Fragrance, Ethylhexylglycerin, Octenidine HCL, Tetrasodium EDTA, at Allantoin.
Kung gagamit ng anumang produkto sa iyong katawan na hindi ka nakakasigurado na safe para sa inyo, mas makakabuting sumanggunin sa inyong Ob o isang Dermatologist. Kung sa unang gamit ay may kakaibang nararamandaman katulad ng hapdi, irritation, pangangati, at pagkasunog ng kili-kili, itigil kaagad ang paggamit.