Best Deodorant Na Safe Para Sa Buntis: Brands Na Maaaring Gamitin Para Manatiling Fresh All Day!

Kung naghahanap ka ng siguradong safe at hindi makakasama kay baby na deodorant para sa buntis, Basahin at alamin ang mga produktong ito.

Mayroon nga bang safe deodorant para sa buntis?

Painit nang painit ngayon sa bansa. Nararanasan na naman natin ang extended summer na pakiramdam kahit panahon na ng tag-ulan. Mas maraming araw ang mainit kaysa maulan at malamig na panahon.

Dahil dito, mas lamang ang amoy pawis days ng mga moms-to-be. Mas dobleng init ang nararamdaman dahil sa hormonal changes at pagtaas ng timbang.

Tanong ng nakararaming buntis, safe bang gumamit ng deodorant? Ang sagot ay isang malaking YES! Pwedeng pwedeng gumamit ng deodorant ang mga nagbubuntis ngunit may mga kailangan isaalang-alang sa pagpili ng brand na gagamitin.

Patuloy na magbasa upang malaman ang aming mga recommended brands ng deodorant para sa buntis. Plus, kumuha ng tips kung paano maiibsan ang init na nararamdaman at kung paano pumili ng safe deodorant for you!

Paano mababawasan ang init na nararamdaman ng katawan habang nagbubuntis?

Katulad nga ng nabanggit ko kanina, ang init na nararamdam ng isang nagbubuntis ay may kinalaman sa hormonal changes at biglaang pagtaas ng timbang, ito ay natural lamang at bahagi ng pagbabago sa katawan kapag buntis.

Ngunit ang karamihan sa mga buntis ay nagkakaroon ng sobrang pagpapawis lalo na sa kanilang kili-kili at ilang bahagi ng katawan.

Mas nakakairita ito lalo na kung may hindi kaaya-ayang amoy minsan. Narito ang ilang tips para mabawasan ang init ng pakiramdam habang nagbubuntis.

1. Maligo palagi

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin

Kung kinakailangan at talagang mainit ang panahon, maligo ng at least tatlong beses sa loob ng isang araw. Gumamit ng non-greasy lotion o skin moisturizer para maging healthy pa rin ang skin.

2. Magsuot ng maluluwang na damit na gawa sa cotton

Ang pagsusuot ng maluluwang na damit ay makakatulong ng malaki para mabawasan ang init sa katawan dahil mas nakakapasok ang hangin sa katawan.

3. Uminom ng sapat na tubig

Ang sapat na tubig sa katawan ay makakatulong para maging hydrated at mapalitan ang nilalabas na tubig sa katawan. Iwasan ang pag-inom ng matatamis tulad ng softdrinks at ilang inuming may artificial na flavoring.

Mas mabuting uminom ng fruit juices o shake na gawa mismo sa tunay na prutas. Maaaring gumamit ng honey o plant-based sweetener para maiwasan ang pagtaas ng sugar habang nagbubuntis.

Magdala rin ng tumbler o water bottle kung saan man ang pupuntahan.

4. Tamang pagpili ng kakainin

Alam naman nating lahat na ang pagkain ng masusutansya ay mahalaga kapag nagbubuntis. Ang pagkain ng may alcohol, caffeine, at spicy food ay malaking epekto sa katawan at pagpapawis.

Iwasan ang pagkain nito hindi lamang para maiwasan ang body odor, maging para na rin sa kalusugan ni baby.

5. Siguraduhing malinis at well ventilated ang kwarto at buong bahay

Ang malinis ang kapaligiran habang nagbubuntis ay maganda para sa kalusugan at mental health. Siguraduhing malinis ang bahay lalo na ang kuwarto kung saan palagi natutulog.

Nakakatulong ang paggamit ng air conditioner kung may budget. Kung nagtitipid naman, maaaring buksan ang bintana lalo na sa tanghali at hapon habang namamahinga. Magpalagay lamang ng screen kung malamok sa paligid.

6. Gumamit ng deodorant para sa buntis

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin

Ang paggamit ng deodorant ay malaking tulong sa mga buntis na pawisin. Piliin lamang ang mga deodorant na may safe at natural na ingredients.

Kung ikaw ay may sensitive skin, mas mabuting magpakonsulta sa isang dermatologist kung anong deodorant para sa buntis ang maaari  mong gamitin.

Mga alternatibong deodorant para sa buntis na maaaring gawin

May mga nagbubuntis ang pinipili na gumamit ng ilang paraan para maiwasan ang body odor. Ang iba ay natatakot na ang paggamit nila ng deodorant ay maaaring  makaapekto sa kanilang baby. Ito ang ilang alternatibo nilang ginagawa.

  • Gumagamit ng wipes na may natural na ingredients kapag pinupunasan ang pawis at maiwasan ang body odor.
  • Naglalagay ng powder (talc-free), cornstarch, o baking powder sa halip na deodorant upang masisip ang pawis sa kili-kili.
  • Nagsusuot ng manilis at light material na mga damit lalo na lung nasa bahay lamang. Ang pagtanggal ng bra ay isa rin sa paraan na nakakatulong para maibsan ang init sa katawan.
  • Ngalalagay ng aloe vera sa kili kili bilang moisturizer.

Deodorant brands na safe gamitin ng buntis

Ang paggamit ng deodorant ay hindi masama sa nagbubuntis basta siguraduhin na safe ang mga ingredients nito. Maging mapanuri lalo na kung nagbubuntis, basahin ang ingredients nito at maaari ring sumangguni sa inyong OB kung ito ba ay safe o suitable sa inyo.

Deodorant para sa buntis
Mama’s Choice : Dry Serum Deodorant
Bumili sa Shopee
Human Heart Nature Beauty +PLUS Deodorant Stick
Best natural deo stick
Bumili sa Shopee
DEONAT Aloe Mineral Deodorant Stick
Best tawas stick
Bumili sa Shopee
Tom's of Maine Deodorant
Best deo stick
BUMILI SA SHOPEE
Nuud Natural Deodorant Starter Pack
Best long-lasting
Bumili sa Shopee
Native Deodorant Natural
Best lightly scented
Bumili sa Shopee

Mama’s Choice Dry Serum Deodorant

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Mama’s Choice

Ang Mama’s Choice Dry Serum Deodorant ay ang best choice para sa pregnant or breastfeeding mamas!

May laman na aluminum ang mga normal na deodorants, na hindi safe para sa iyo. Pero hindi mo kailangan mag-alala sa deodorant na ito dahil ito ay aluminum-free! Ito rin ay nakakapag brighten, nourish, at nakakatulong sa pag control ng pawis. Napakagaan ng texture at hindi malagkit ang serum cream na ito.

Bukod pa roon, ito ay hypoallergenic kaya makakasigurado kang di maiirita ang iyong balat. Mabilis din itong matuyo at di pa nag-iiwan ng stain sa damit.

Features we love:

  • Safe for pregnant and lactating moms
  • Aluminum-free
  • Lightweight at quick-drying

Ingredients:

Ang CareMag (Dead Sea Mineral) ay isang natural antiperspirant na nakakatulong sa pag reduce ng excessive sweating. May laman din itong niacinamide, na nakakapag brighten ng dark underarms. Panghuli, ang lemon extract ay rich in vitamins para sa pag nourish ng skin.

 

Human Heart Nature Beauty +PLUS Deodorant Stick

Best natural deo

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Human Nature

Ang Human Heart Nature Beauty +PLUS Deodorant Stick ay gawa sa 100% natural ingredients kaya naman suitable ito sa mga buntis maging sa may sensitive na skin. Mayroon itong sunflower oil na nakakatulong sa discoloration na karaniwang nararanasan ng isang pregnant mom.

At dahil nga ito ay deodorant stick, less hassle ito i-apply sa balat dahil di mo na kailangan pang patuyuin ito. Napakasmooth gamitin at tiyak na mag-iiwan ito ng makinis at maputing resulta sa kili-kili.

Features we love:

  • Gawa sa natural ingredients
  • May smooth texture
  • Nagpapakinis at puti ng kilikili

Ingredients:

Naglalaman ito ng Sunflower oil para sa pagpapaputi ng kili-kili. Mayroon din itong Tea Tree Oil at Sage Oil na may anti-bacterial properties para mapigilan ang body odor sa kili-kili.

 

DEONAT Aloe Mineral Deodorant Stick

Best tawas stick

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Deonat

Kung nakasanayan mong tawas ang ginagamit bilang deodorant, para sa iyo ang produktong ito! Ang deonat ay gawa sa organic tawas o Ammonium Alum na effective sa pagprevent ng bacterial growth na nagiging sanhi ng body odor.

Karagdagan, may halo itong aloe leaf extract na nakakapagbigay ng soothing effect at nakakatulong sa pagpapaputi ng kilikili. Kapag ginamit mo ito, siguradong walang irritation kang mararamdaman.

Hindi rin ito nag-iiwan ng marka o mantsa sa damit kapag ginamit. Nagbibigay rin ito ng moisture sa kili-kili para pampakinis ng balat.

Features we love:

  • Gawa sa organic tawas
  • Hindi nakakairita ng balat
  • Di nag-iiwan ng stain sa damit

Ingredients:

Mayroon itong Water, Ammonium Alum (organically-made), at  Aloe Leaf Extract.

Tom’s of Maine Deodorant

Best deo stick

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Tom’s

Hassle-free nga naman gumamit ng deo stick lalo na kung ikaw ang pumapasok sa trabaho o di kaya ay nagmamadali. Hindi mo na kailangan pang patuyuin ang deodorant sa iyong underarm upang maiwasan ang stain. Kaya naman kung naghahanap ng deo stick na safe gamitin habang nagbubuntis, check out Tom’s of Maine Deodorant.

Wala itong halong aluminum at artificial preservatives at fragrances kaya naman siguradong ligtas ito for you. Bukod pa roon ay gawa ito sa naturally-sourced at naturally-derived ingredients na kadalasan ay organic. Sa kabila ng pagiging natural deo nito ay nakakapagbigay ito ng 24-hour odor protection kaya naman makakaiwas ka sa BO kahit na ikaw ay pagpawisan.

Features we love:

  • Safe at pwedeng gamitin sa sensitive skin
  • Gawa sa natural ingredients
  • Natural ang fragrances na ginamit at hindi malagkit sa pakiramdam

Ingredients:

Mayroon itong organic Aloe Barbadensis Leaf Juice at Sunflower seed oil na nakakapagpalambot ng balat. Nagtataglay din ito ng iba pang natural ingredients na kayang labanan ang pagdevelop ng amoy sa kilikili.

Nuud Natural Deodorant Starter Pack

Best long-lasting

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Nuud

May mga araw bang nakakalimutan mong mag-apply ng deodorant mommy? Kung oo, nakita na namin ang brand na swak para sa iyo! Ang Nuud Natural Deodorant ay anti-odorant. Kaya nitong protektahan ka against BO hanggang 3 days. Pawisan ka man or kahit na maligo, hindi agad agad matatanggal ang proteksyon na dala ng produktong ito.

Kaya nitong pigilan ang body odor na gawa ng bacteria at germs na nakukuha sa sobrang pawis na napabayaan. Epektibo itong sa pagtanggal ng bacteria sa tulong ng micro silver. Ito rin ay no aluminum, no fragrances, no vague chemicals, at no alcohol.

Features we love:

  • Kayang tumagal hanggang 3 days
  • Pinipigilan ang body odor
  • Walang halong harsh chemicals

Ingredients:

Mayroon itong 12 na natural na mga sangkap kaya naman safe itong deodorant para sa buntis:

Micro silver, Coconut Oil, Castor Oil, Almond Oil, Zinc oxide, Mineral clay, Vegetable emulsifier, Castor oil extract, Vegetable mix-enhancer at Carnauba wax

 

Native Deodorant Natural

Best lightly scented

Deodorant Para Sa Buntis: Brands Na Safe At Effective Gamitin | Native

Kung gusto mo ng deodorant na may refreshing scent at safe at para sa iyo at sa iyong little one, gumamit ng Native Deodorant Natural. Wala itong aluminum, parabens, phthalates, at talc na makakasama sa katawan at kay baby.

Epektibo nitong nilalabanan ang body odor. Dahil wala itong aluminum, hindi ito nag-iiwan ng mantsa sa damit kapag ginamit. Bonus pa ang refreshing scent na mayroon ito na pinaghalong coconut at vanilla.

Features we love:

  • Mayroong fresh scent
  • Walang halong harmful ingredients
  • Gawa sa safe at natural components

Ingredients:

Mayroon itong Caprylic/capric triglyceride, tapioca starch, ozokerite, sodium bicarbonate (baking soda), magnesium hydroxide, coconut oil, cyclodextrin, shea butter, dextrose, at L. Acidophilus (probiotic).

Price Comparison Table

Brands Pack size Price Price per ml or g
Mama’s Choice 50 ml Php 379.00 Php 7.58
Human Nature 44 g Php 200.00 Php 4.55
Deonat 60 g Php 178.00 Php 2.97
Tom’s of Maine 64 g Php 544.00 Php 8.50
Nuud Natural Deodorant 15 ml Php 795.00 Php 53.00
Native Deodorant 75 g Php 1,297.00 Php 17.29

Tamang pagpili ng deodorant habang nagbubuntis

Kung nais naman bumili ng deodorant para sa buntis, narito ang ilan sa dapat tandaan.

1. Pumili ng tamang deodorant at iwasan ag antiperspirant

Ang antiperspirant ay may mga ingredients na maaaring makasama sa inyong baby, kaya naman mas pinipili ng karamihan na gumamit na lamang ng deodorant.

Bukod pa rito, ang antiperspirant ay pumipigil na makalabas ang pawis sa kili-kili na nakakasama sa katawan. Ang pawis ay ay dapat na nakakalabas sa katawan upang maalis ang toxic na dala nito.

2. Iwasan ang deodorant na may paraben

Ang paraben ay masama sa katawan lalo kapag nagbubuntis. Ginagaya ng paraben ang estrogen sa katawan ng buntis at pumipigil sa maayos na function ng hormones sa katawan. Basahin ang mga ingredients ng deodorant na bibilhin upang makasiguro.

3. Piliin kung stick, roll-on, o spray

Mahalaga ito upang malamang kung anung mas prefer mo. May ilang buntis ang mas nagugutuhan na gumamit ng stick dahil mas mabilis itong matuyo kumpara sa roll-on. May ilan naman na may gusto ang spray para hindi nagkakaroon ng stain sa kanilang damit.

Kung gagamit ng spray, siguraduhin nakalayo ang mukha habang nilalagay para hindi ito ma-inhale ng katawan.