Mommy, nakapag enroll na ba ang anak mo para ngayong taon? Nagbigay ng paalala ang DepEd para sa mga magulang na ngayong June 30, Tuesday ang enrollment deadline para ngayong school year 2020-2021.
DepEd Enrollment Deadline ngayong June 30, 2020
Dahil sa banta ng COVID-19 sa buong bansa, apektado pa rin ang pagpasok ng mga estudyante sa school ngayong taon. Mahigpit pa ring ipinagbabawal ang face-to-face learning o yung pisikal na pagpunta ng mga estudyante sa paaralan.
Ngunit nakaisip ng alternatibong solusyon ang Department of Education o DepEd sa pagpasok ng mga mag-aaral ngayong taon. Ito ang pagkakaroon ng Blended Learning o online learning.
Nakapaloob sa Blended learning ang pagbibigay ng printed o digital study modules na ihahatid mismo sa mga estudyante. Maaari rin naman kuhain ito ng mga magulang ng bata sa designated place na itatalaga ng paaralan. Isa pang uri ng learning ngayon ay ang online learning kasama na ang TV at radio.
Ayon sa Department of Education, magsisimula ang school year 2020-2021 ngayong August 24, 2020 at magtatapos sa April 30, 2021. Nagbigay rin sila ng 1 month enrollment para sa mga nais na magbalik klase ngayong taon kahit na may banta ng COVID-19. Ang DepEd online enrollment ay nagsimula noong June 1 at ngayong June 30, 2020 ang deadline o pagtatapos nito.
Dahil dito, nagbigay ng paalala ang Department of Education sa mga magulang na hindi pa nakakapag enroll ng kanilang mga anak dahil magtatapos na ang enrollment bukas, June 30, Martes.
As of June 27, ayon sa pahayag na ibinigay ng Department of Education tinatayang nasa 15 million pa lang ang naitalang nakapag enroll na. Malayo pa ito sa inaasahang 27 million na mga estudyante na inaasahang mag e-enroll ngayong taon.
“Pinaaalalahanan ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga nais mag-enroll sa public schools na gawin ito bago ang pagsasara ng enrollment sa Martes, Hunyo 30.”
Dagdag pa nila, maaaring ipasa ang Learner Enrollment Survey Forms o LESF via drop box o email bago mag June 30.
“As of June 27, 8 a.m., total enrollment data were at 15,182,075 nationwide, with 14,548, 915 registered in public schools. Including those in the Alternative Learning System.”
Para sa mga magulang na nais malaman ang ibang detalye pa, maaari rin namang pumunta sila sa pinakamalapit na division office o sa paaaralan mismo ng bata. Pwede ring humingi ng assistance sa kanilang local barangay kung magpapasa ng LESF.
Maraming uri na binigay ang Department of Education ngayon para sa pag-aaral ng mga estudyante kahit na hindi ito pisikal na pupunta sa paaralan. Ito ay Blended learning o yung pagbibigay ng learning module, TV o radio at internet.
Proseso ng enrollment ngayong school year 2020-2021
- Ang enrollment ng mga estudyante ngayon ay kailangang isagawa online. Bawal muna ang face-to-face o yung pisikal na pagpunta ng mag-aaral sa enrollment.
- Maaaring ipasa ang Learner Enrollment Survey Forms o LESF via email.
- Maaari namang magpasa ng LESF ang mga magulang sa school o local barangay sa 3rd week ng enrollment.
- Kapag nasa system na ang pangalan ng estudyante, ang kanilang mga guro noong nakaraang taon ay makikipag ugnayan sa mag-aaral para sa iba pang kailangang gawin.
Ang physical enrollment ay huling option na para sa mga mag-aaral.
Ayon kay DepEd Secretary Briones, ang main priority nila ay pangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga studyante.
“Una sa lahat, ang pinakamalaking konsiderasyon natin dito ay to protect the health and safety and well-being of learners. ‘Yun ang pinakaunang priority natin,”
Kanselado na rin ang mga national at school related activities. Katulad ng Palarong Pambansa, Brigada Eskwela, science fairs, festival of talents at iba pang aktibidad sa school na dinadaluhan ng maraming tao maliban kung gaganapin ito online. Ito ay para mapanatili pa rin ang social distancing na mahigpit na inuutos.
Source:
Lead image from Unsplash