Ayon sa mga researcher, posible umanong makuha ng mga bata ang depression na nararamdaman ng kanilang tatay.
Mga mababasa sa artikulong ito:
- Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak
- Ano ang paternal depression
Depression ng tatay, pwedeng makuha ng anak
Maraming pag-aaral na rin ang nagsasabing ang mga mental health problems ay maaaring mamana ng anak mula sa mga magulang o related na pamilya. Kaya nga patuloy ang pagtaas ng bilang din ng kabataang may ganitong kinahaharap na problema.
Common na nakukuha na diyan ay ang depression.
What is depression?
Sa pagbibigay ng kahulugan ng American Psychiatry Association, ang depression daw ay ang pagkaramdam ng labis na paglungkot dahilan upang mawalan ng interes sa mga bagay na minsan nang kinahiligan.
“Depression (major depressive disorder) is a common and serious medical illness that negatively affects how you feel, the way you think and how you act. Fortunately, it is also treatable.”
“Depression causes feelings of sadness and/or a loss of interest in activities you once enjoyed. It can lead to a variety of emotional and physical problems and can decrease your ability to function at work and at home.”
Mahalagang ipunto rito na kaiba ang depression sa sadness. Halimbawa na lang ay namatayan, normal ang reaksyon ng pagkalungkot ngunit iba ang nararanasan ng isang taong may depression. Ilan sa maaaring maramdaman nila ay:
- Pagkawala ng interes sa lahat ng bagay na halos tumatagal nang ilang araw
- Pakiramdam na wala silang pakinabang sa maraming gawain
- Pagkagalit sa sarili
- Pag-iisip na hindi na nila deserve na mabuhay pa sa mundo
- Pagkakaroon ng suicidal thoughts
Iba’t ibang risk factors kung bakit nagkakaroon ng depression
Biochemistry
Ang pagkakaiba ng chemicals sa brain ay maaaring maging dahilan upang magkaroon ng sintomas ng depression. Nagiging present kasi ang chemical imbalance kaya paiba-iba ang nagiging mood ng isang tao.
Personality
Madaling nagkakaroon ng ganitong kalagayan ang mga taong pessimistic o negatibong mag-isip. Sila rin kasi iyong magyroong mababang self-esteem at mabilis na nao-overwhelm dahil sa stress at negative circumstances.
Genetics
Malaking factor ang pagkakaroon ng depression sa isa sa mga pamilya. Naipapasa umano ito mula sa genetic composition ng isang tao.
Environmental factors
Ang pagkakaroon ng exposure sa toxic na pamilya o kapaligiran ang nagiging dahilan din kung bakit nakukuha ito.
Ano ang paternal depression
Malaki raw ang factor ng paternal depression dito.
Sa bagong pananaliksik sa Penn State at Michigan State, nakita na ng experts na hindi na lang pala ito nakukuha genetically. Kahit daw hindi magkadugo ang tatay at anak (o adoptive family man ‘yan) ay maaari nang mapasa ang depression sa bata.
Ito ay nakita nila nang pag-aralan nila ang 720 na magulang at anak kung saan kalahati dito ay mga stepparent. Sinukat nila ang mga sintomas ng depression at parent-child conflict sa pamamagitan ng pagsagot sa mga questionnaire at series of models.
“A lot of research focuses on depression within biologically related families. Now more information is becoming available for adoptive families and blended families.”
Ayon ito kay Jenae Neiderhiser, isa sa researcher ng pag-aaral.
Matapos ang kanilang serye ng pag-eexamine sa participants, tsaka nila nalamang kahit pa hindi magkadugo ang magtatay ay maaari pa rin makuha ng anak ang depression.
Salaysay ni Alex Burt, isa sa nag-collaborate sa pag-aaral, malinaw raw na environmental transmission ang dahilan nito,
“We continued to see these associations in a subset of ‘blended’ families in which the father was biologically related to one participating child but not to the other, which was an important confirmation of our results.”
“We also found that much of this effect appeared to be a function of parent-child conflict. These kinds of findings add to the evidence that parent-child conflict plays a role as an environmental predictor of adolescent behaviors.”
Sinabi rin nila na mas malaki pa rin daw naman ang chance na mamana ang depression genetically. Sa kabilang banda, gusto lang din nila ipunto na ang environment na kinalalakhan ng bata ay may malaking parte kung paano nahuhubog ang kanilang mental health.
Treatment ng depression
Bagaman, seryoso at kritikal na usapin ang depression mayroon namang pag-asang magamot ang kalagayang ito. Narito ang mga sumusunod na maaaring subukan:
- Pagsubok sa medikasyon at pag-inom ng mga anti-depressant na gamot.
- Para sa mild depression, maaaring i-try naman ang psychotherapy o talk therapy.
- Pagkakaroon ng healthy lifestyle tulad ng regular exercise, pag-iwas sa mga bisyo, at pagkakaroon ng healthy diet.