LOOK: Derek Ramsay nakasama ang anak sa kaniyang birthday

LOOK: Derek Ramsay nakasama ang anak sa kaniyang birthday

Ika-6 ng Disyembre, Biyernes, naghanda ng surpresa si Andrea Torres para sa kaarawaan ng kaniyang nobyo na si Derek Ramsay, kung saan present lahat ng mahal at importante sa buhay ni Derek kasama na rito ang anak niyang si Austin.

Disyembre 7 pa talaga ang ika-40 taong gulang na kaarawan ni Derek, ngunit pinili ni Andrea na ihanda ang kaniyang surpresa ng mas maaga.

Sa Romulo Café nga ginanap ang birthday surprise ng aktor na si Derek.

Relasyon sa anak na si Austin

Present nga sa birthday surprise para kay Derek Ramsay ang anak nitong si Austin sa dating asawa na si Mary Christine Jolly.

Kung aalalahanin hindi nga naging madali ang proseso upang magkaroon ng closeness at bond ang mag-ama sapagkat naka-based si Jolly sa Dubai kung saan kasama nito ang anak nila ni Derek na si Austin.

Ngunit nagkaroon nga ng chance na maka-bond ni Derek si Austin noong nagpunta ito ng Dubai at natuwa rin nga ito dahil tinawag siyang "dad" ni Austin.

Ani nga ni Derek, "It's not the perfect situation, it's not the situation that I want," ngunit nagpapasalamat nga ito sa oportunidad na "fix things" di-umano ang relasyon niya sa anak.

Itinuturing ni Derek na "best days of his life" lalo na kapag kasama nga nito ang anak niyang si Austin.

Katulad nga sa post nito sa kaniyang Instagram account noong ika-16 ng Oktubre, aniya, "One of the best days of my life!!!! We may have our misunderstandings but always remember i love you and want whats best for you @austinn_ramsay."

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Surprise birthday party para kay Derek Ramsay

Malaki nga ang pasasalamat ni Derek Ramsay sa nobyang si Andrea Torres sa inihanda nitong surpresa sa kaniyang kaarawan sapagkat napagsama-sama nga ni Andrea ang mga mahal at ilang malalapit nitong kaibigan.

Aniya nga sa kaniyang Instagram post, "About last night! I NEVER get surprised, but @andreaetorres changed the game, I love you babe!! Appreciate everyone who came out to celebrate my __ birthday with me, love u guys!"

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by Derek Ramsay (@ramsayderek07) on

Sa Instagram video rin ng isang kaibigan at talent manager ni Derek na si Jojie Dingcong, makikita ang reaksiyon ng celebrity dad nang marinig ang pagbati mula sa pamilya at ilang malalapit na kaibigan.

“Kaya pala walang tao sa bahay,” sambit ni Derek, na dumating sa Romulo Café kasama ang kanyang nobya na si Andrea at anak na si Austin.

 

 
 
 
 
 
View this post on Instagram
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

 

A post shared by ?Jojie D? (@thejojieworld) on

Silipin ang ilan pang litrato at mga present sa naging surprise birthday para kay Derek.


Source: Nice Print Photography, Derek Ramsay

Basahin: LOOK: Derek Ramsay reunites with son Austin after a year apart

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

app info
get app banner