Derek Ramsay may payo sa mga nagbabalak ng mag-asawa. Aktor ibinahagi rin kung paano niya tinuturing bilang anak si Elias na anak ng misis niyang si Ellen Adarna.
Mababasa dito ang sumusunod:
- Payo ni Derek Ramsay sa mga gusto ng mag-asawa.
- Paano tinatrato ni Derek si Elias bilang anak niya.
Payo ni Derek Ramsay sa mga gusto ng mag-asawa
Isa nga sa kinaiinggitan at hinahangaang pagsasama ngayon ng mga mag-asawang artista ay sina Derek Ramsay at Ellen Adarna. Makikita sa mga social media post ng dalawa kung paano nila nai-enjoy ang relasyon nila. Sa isang panayam ay ibinahagi ni Derek ang sikreto kung paano nila ito nagagawa. Ito rin ang payo niya sa mga nagbabalak ring pasukin ang buhay may asawa.
Ayon kay Derek, bago pumasok sa buhay may asawa o bumuo ng pamilya dapat ay talagang ready ka na. Hindi lang basta financially, dapat prepared ka rin mentally.
“No matter what the situation is, you have to marry when you’re stable, mentally, financially, etc. I married when I was 44. But if you have no direction even when you’re in your 40s, you shouldn’t jump into something big as having a family or marriage.”
Ito ang sabi pa ni Derek.
Paano tinatrato ni Derek si Elias bilang anak niya
Pagdating naman daw sa pagkakaroon ni Ellen ng anak sa una ay tinanggap niya ito ng buong-buo.
“The best way to put it is if you’re ready to accept a single mom or dad… or if you’re not willing to accept 150 percent, then don’t hurt them by getting into a relationship with them. Tanggap mo dapat yun from Day 1.”
Ito ang sabi ng aktor.
Dagdag pa nga niya ay itinuturing niyang parang tunay niya ng anak si Elias. Bagamat paglilinaw niya hindi niya naman daw inaagaw ang role ni John Lloyd Cruz sa buhay nito. Sadyang mahal niya lang din ito tulad ng pagmamahal niya sa misis at ina nitong si Ellen Adarna.
“I love him so much, he’s like my own son. He’s my bundle of joy and I know I married the right woman.”
Ito ang sabi pa ni Derek.