TAP top app download banner
theAsianparent
theAsianparent
EnglishFilipino
Product Guide
  • Money Tips
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
  • Anak
  • Pagpapalaki ng anak
  • Kalusugan
  • Edukasyon
  • Lifestyle
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Community
Login
  • EnglishFilipino
    • Articles
  • Money TipsMoney Tips
  • Building a BakuNationBuilding a BakuNation
  • Para Sa MagulangPara Sa Magulang
  • AnakAnak
  • Pagpapalaki ng anakPagpapalaki ng anak
  • KalusuganKalusugan
  • EdukasyonEdukasyon
  • LifestyleLifestyle
  • VIP CommunityVIP Community
  • Pandemya ng COVID-19Pandemya ng COVID-19
  • Press ReleasesPress Releases
  • TAP PicksTAP Picks
  • ShoppingShopping
  • CommunityCommunity
    • Community
  • Poll
  • Photos
  • Food
  • Recipes
  • Topics
  • Magbasa Ng Articles
    • Tracker
  • Pregnancy Tracker
  • Baby Tracker
    • Rewards
  • RewardsRewards
  • Contests
  • VIP ParentsVIP Parents
    • More
  • Feedback

Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML

I-download ang aming free app

google play store
app store

Derek Ramsay at Ellen Adarna, isinama si Elias sa kanilang honeymoon trip sa Africa

5 min read
Derek Ramsay at Ellen Adarna, isinama si Elias sa kanilang honeymoon trip sa Africa

Derek Ramsay at Ellen Adarna isinama si Elias sa kanilang honeymoon trip sa Africa. Alamin ang buong kwento dito.

Derek Ramsay at Ellen Adarna, ibinahagi ang kanilang honeymoon trip sa Africa kasama ang anak na si Elias Modesto Cruz.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Derek Ramsay at Ellen Adarna honeymoon trip kasama si Elias
  • Relasyon ni Derek Ramsay sa kaniyang stepson na si Elias
  • Easy ways para mas maging romantic ang inyong honeymoon

Derek Ramsay at Ellen Adarna honeymoon trip kasama si Elias

Ibinahagi ng mag-asawang Derek Ramsay at Ellen Adarna ang kanilang honeymoon trip sa Serengeti, Tanzania sa Africa.

Isa na rin ang Serengeti, Tanzania sa mga lugar na dinarayo ng mga turista sa Africa. Itinuturing na rin itong isa sa mga magagandang lugar upang pagdausan ng kakaibang honeymoon experience para sa mga newlywed couples.

Bago pa man ang trip na ito, nagkaroon na ng idea ang mga tao sa kakaibang honeymoon destination na nais puntahan nina Derek at Ellen.

Pagbabahagi ni Derek Ramsay,

“I would love to go to Africa for our honeymoon and we’re taking Elias with us.”

Noon pa lamang ay lagi ng kasama si Elias sa mga plano ng mag-asawa. Ayon kanila, nais nilang maging masubaybayan at maging bahagi ng paglaki ni Elias. Kaya naman hindi nila ito maiwan at nais nilang isama saanman sila magpunta.

derek ramsay at ellen adarna

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Samantala sa pamamagitan ng kanilang Instagram posts ibinahagi ng dalawa ang ilang videos kuha mula sa kanilang trip sa Serengeti, Tanzania.

Nagbahagi ng quick tour ang aktor na si Derek kung saan ipinapakita ang itsura ng lugar at silid na kanilang tutuluyan doon.

“Wow! This is our home for the next few days,” sambit ni Derek. 

Kapansin-pansin rin ang closeness ni Derek at ni Elias. Makikita ito mula sa kanilang mga uploaded pictures hanggang sa mga video na kanilang ibinabahagi sa kanilang Instagram stories.

Bibo at hindi rin masyadong mahiyain si Elias. Natutuwang ipinakita ni Ellen kung paano makipag-usap at makisama ang kaniyang 3-year-old son sa mga tao sa lugar. Makikita rin na tuwang-tuwa ang mga ito dahil marunong itong makipag-socialize sa mga tao na kanilang nakakasama.

“My boy has amazing social skills. Non-stop chikka,” proud na pagbabahagi ng ina ni Elias na si Ellen Adarna.

derek ramsay at ellen adarna

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Relasyon ni Derek Ramsay sa kaniyang stepson na si Elias

Hindi maitatanggi dahil kapansin-pansin na rin sa aktor na si Derek Ramsay kung gaano siya napamahal sa 3-year-old son ni Ellen na si Elias.

Sapagkat bukod pa raw sa samahan nila ng kaniyang 18-year old na si Austin, na-bless din siya ng magandang samahan na namuo sa pagitan nila ni Elias.

Hindi lamang ‘yan! Labis na lamang din ang galak at tuwa sa puso ni Derek dahil pati na ang kaniyang panganay na anak ay gumagawa ng paraan upang mapalapit din kay Elias.

Dahil sa magandang relasyon sa pagitan ni Derek at kaniyang stepson na si Elias, mas lalo pang sumasaya ang kaniyang married life kasama ng aktres na si Ellen Adarna.

Pareho silang dalawa na higit sa kanilang career, family pa rin ang kanilang top and number 1 prioriity sa kanilang buhay. Namamangha pa nga raw si Derek sa kaniyang wife na si Ellen dahil sa pagiging devoted nito bilang asawa at ina kay Elias.

derek ramsay at ellen adarna

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

BASAHIN:

Ellen Adarna sa pagkakaroon nila ng baby ni Derek: “When we’re both ready.. it will happen.”

How to make sure the ‘honeymoon phase’ never fades

5 Reasons why the Philippines is one of the world’s best Honeymoon destinations

Easy ways para mas maging romantic ang inyong honeymoon

Pagtapos ng masaya at very meaningful na wedding, honeymoon naman ang next! Ito ang panahon kung kailan nagkakaroon ng oras at pagkakataon ang newlywed couple na makapag-relax at magkaroon ng quality time nang magkasama.

Uso na ngayon ang pagpunta sa iba’t ibang exotic at adventurous na lugar upang mag-honeymoon. Subalit, ibang usapan pa rin ang magplano at gawing extra romantic ang inyong honeymoon.

Partner Stories
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Back-to-School Wins: Smart Budgeting with GCash + a Chance to Score a Year’s Worth of Supplies
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Moringa-O2: The Skin Multivitamin Every Filipino Family Needs
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2
Get Soothing Skin Relief for the Whole Family with Moringa-O2

Narito ang ilang mga tips at easy ways upang magkaroon ng romantic honeymoon kasama ang iyong asawa:

1. Magkaroon ng private picnic

Magkaroon ng picnic na para lamang sa inyongg dalawa sa isang magandang lugar. Maaaring sa beach, tabi ng bundok, o kahit saang park. Siguraduhing dala-dala ninyo ang mga pagkain na paborito ninyong kainin nang magkasama.

Maaari din kayong magdala ng wine o champagne, at mag-toast bilang simbolo ng inyong celebration sa pagiging married couple.

2. Gumugol ng isang buong araw na nasa bed lamang

Magkaroon ng isang buong araw kung saan kayong dalawa ng iyong husband or wife ay matutulog o mananatili lamang sa bed maghapon. Karaniwan sa mga excited sa honeymoon ay nagpaplano ng maraming activity.

Kaya naman malaki ang posibilidad na sila ay mapagod at mawalan na ng mood para sa romance. Maaari kayong magplano ng kahit isang buong araw sa inyong trip na mag-relax lamang, walang ginagawa at dinarama ang yakap at presensya ng isa’t isa.

3. I-set ang mood sa pagdadagdag ng custom touches

Ang paglalagay ng candles sa inyong kwarto o banyo isa sa mga mainam na paraan upang mag-set ng mood sa inyong honeymoon. Bukod rito, maaari din kayong maglagay ng rose petals, lingerie, champagnes, cholotae, at music.

4. Panoorin ang pagsikat ng araw o sunrise

Isa ito sa mga simple ngunit memorable at romantic experience para sa couple, ang gumising ng maaga at sabay na panuorin ang pagsikat ng araw sa isang magandang lugar. Maaari kayong maghawak kamay, kiss, at alalahanin ang mga sweet at masasayang experience ninyo bilang mag-asawa.

 

Instagram, PEP, Traveler’s joy

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Kamille Uriella Batuyong

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Lifestyle
  • /
  • Derek Ramsay at Ellen Adarna, isinama si Elias sa kanilang honeymoon trip sa Africa
Share:
  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

  • How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids
    Partner Stories

    How Quezon City, Novo Nordisk Helped Parents Raise Healthier Kids

  • Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

    Family Travel is 'Hard', But Mommy Kaleena Makes It Look Easy (Here’s How)

  • How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

    How Baking Turned Marie Grace Parazo Into a Global Mentor

Feed

Feed

Makatanggap ng tailored articles about parenting, lifestyle, expert opinions right at your fingertips

Poll

Poll

Sumali sa mga interesting polls at tingnan kung ano ang iniisip ng ibang mga magulang!

Photos

Photos

I-share ang mga photo ng 'yong loved ones in a safe, secure manner.

Topics

Topics

Sumali sa communities para maka-bonding ang mga kapwa moms and dads.

Tracker

Tracker

I-track ang 'yong pregnancy at pati na rin ang development ni baby sa araw-araw!

theAsianparent

I-download ang aming free app

Google PlayApp Store

Moms around the world

Singapore flag
Singapore
Thailand flag
Thailand
Indonesia flag
Indonesia
Philippines flag
Philippines
Malaysia flag
Malaysia
Vietnam flag
Vietnam

Partner Brands

Rumah123VIP ParentsMama's ChoiceTAP Awards

© Copyright theAsianparent 2026 . All rights reserved

  • About Us
  • Privacy Policy
  • Terms of Use
  • Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko