LOOK: Derek Ramsay nag-post ng cute video nila ng anak ni Ellen Adarna

“I’ve made mistakes. I’ve thought I’ve been in love. And then, it’s not this one. Because it was like, my body was reacting to these three words, just letting go of these three words. But I’m not going to let that change me. Look what’s happening now, I’m bashed left and right. People don’t take the time to think about what actually transpired."

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ginulat ng marami nina Derek Ramsay at Ellen Adarna sa pag-amin nila sa kanilang relasyon. Maraming fans at kaibigan nila ang natuwa sa magandang balita na ito. Hindi rin nagpapaawat ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang sweet moments pati na sweet moments nila kasama ang anak ni Ellen na si Elias.

Mababasa sa artikulong ito:

  • Kulitan moment ni Derek Ramsay at anak ni Ellen Adarna na si Elias
  • Pag-amin ni Derek Ramsay sa relasyon nila ni Ellen Adarna
  • Relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna

Kulitan moment ni Derek Ramsay at anak ni Ellen Adarna na si Elias

Sa isang Instagram video ibinahagi ni Derek Ramsay ang kulitan nila ni Elias. Si Elias ang anak ng kaniyang karelasyon ngayon na sa si Ellen Adarna,

Makikita sa video na nag-e-enjoy talaga ang tatlo na magkakasama,  tanong pa nga Derek kay Elias, “What is this boy doing to me? Are you giving me a facial?

Sumingit naman si Ellen at sinabing, “What are you doing to Tito Derek?”

Sagot naman ni Elias, “I’m getting a spider on Tito Derek’s face.” 

Dagdag pa riyan, nagkaroon ng sweet comments sina Derek at Ellen sa isa’t isa sa comment section ng post ni Derek sa Instagram. Nag-comment si Ellen ng,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“My boys my heart. I kennot,”

Sinagot naman ni Derek na siya naman umano ang bahala sa puso ng kasintahan na si Ellen,

“Ako na bahala sa heart mo love.”

Pag-amin ni Derek Ramsay sa relasyon nila ni Ellen Adarna

Marami nang espukalasyon ang kumakalat sa pagitan nina Ellen Adarna at Derek Ramsay nang magsimula silang magbahagi ng mga sweet photos at videos nila sa kani-kanilang Instagram account.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya naman marami nang natuwa at nagulat na rin sa pag-amin ni Derek sa relasyon nila ni Ellen. Ayon sa pagkukuwento ni Derek Ramsay sa isang interview, bago pa umano kumalat ang dinner party noong January kung saan nagsimula ang mga rumors sa pagitan nila ay nakapag-blind date na silang dalawa ni Ellen.

Marami ring natanggap na pamba-bash si Derek Ramsay patungkol panibago na naman niyang karelasyon. Subalit sa kabila nito hindi umano siya nagpaapekto. Sa isang eksklusibong panayam sa kaniya ng MEGA inamin niya na nagkamali siya. Akala niya noon ay in love talaga siya dahil sa mga past relationship niya na hindi naman nag-proper ay maraming mga taong namba-bash sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa pagkukuwento pa ni Derek sa MEGA gusto niya umanong makatagpo ng isang tao na, “I want somebody who’s trustworthy, somebody who’s beautiful, patient, all of these things are a given, but love’s an intangible thing.”

Dagdag pa niya,

“There has to be like, a chemical reaction in your body. Right? It’s good stress, it’s bad stress. You have to have that. But with that said, I just want somebody who’s truly comfortable with who they are. No best foot forward, you know, pakita mo na yung baho mo sa umpisa pa lang.”

Isa umano sa mga tingin niyang pagkakamali niya ay natatakot siyang ipakita kung sino talaga siya subalit ngayon umano’y hindi na siya natatakot na ipakita at ibahagi kung sino siya.

BASAHIN:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Pakikipagkaibigan sa ex, narito kung bakit hindi ito makakabuti sa isang relasyon

STUDY: 12 common mistakes na nakakasira sa relasyong mag-asawa

Epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa isang relasyon

Relasyong Derek Ramsay at Ellen Adarna

Pareho umanong fina-follow ang isa’t isa sa Instagram subalit hindi umano sila magkakilala formally. Dapat umano’y magsasama sila sa isang pelikula noon subalit hindi naman umano ito nag-materialize.

“We follow each other on Instagram. But we didn’t formally know each other. We were supposed to work together before, in a movie. But that didn’t materialize,”

Una umano silang nagkakilala talaga sa isang blind date. Ayon pa nga kay Derek ay ayaw niya talaga sa mga blind date pero nang pumunta siya ay andun si Ellen. Nagulat umano siya subalit isa umano itong wonderful evening.

“I was actually going to be set up on a blind date that I didn’t want to do that night. And just like that, John (Estrada) called me and said ‘Wag na yan, tara na!,’ and I’m like, ‘Okay, you know what, I really don’t want to do this blind date. I hate blind dates.’ And I ended up going. And it was funny because when I got there, I was finally introduced to her. So, yeah, it was a wonderful evening,”

Matapos umano nang pagtatagpong iyon nag-set up dinner si Derek at nakilala ni Ellen Adarna ang kaniyang Tatay, at magkatabi pa nga sila sa lamesa. Iba umano si Ellen, dahil kadalasan umano sa mga babae ay prim and proper pero si Ellen umano’y “was herself”.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Ellen Adarna

Dagdag pa ni Derek,

“My heart tells me if I don’t follow through with this one, I’ll regret it. Everything in my heart is telling me that, SHE’S THE ONE. And my heart’s telling me, I did not even listen to this anymore (points to his head).

“You know, this (his head) was controlling this (his heart) so many times before. This is to say, screw the brain! Don’t listen to it! Don’t even let it guide you, okay? Ito na nagsasalita na ako. Ito na, manahimik na lahat!”

Hiling ni Derek ay maging masaya na umano ang mga taong namba-bash sa kaniya. Sapagkat masaya siya sa kanilang relasyon ni Ellen. Madalas umano silang mag-spend ng oras kasama ang anak ni Ellen na si Elias.

Source:

Instagram, Mega, ABS-CBN

 

Written by

Marhiel Garrote