Narito ang epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa pagsasama ayon sa isang pag-aaral.
Mababasa sa artikulong ito:
- Epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa isang relasyon
- Pag-aaral patungkol para ma-improve ang isang relasyon
- Tips kung paano maha-handle ang mga pag-aaway ng magkarelasyon
Epekto ng pagkakaiba ng ugali ng babae at lalaki sa isang relasyon
Walang relasyong perpekto. Lahat ng relasyon ay may mga flaws o hindi pagkakaintindihan na hindi maiiwasan.
Kahit na gaano pa katagal ang isang pagsasama, may mga pagkakataon na parang hindi ninyo na kayang intindihin pa ang isa’t isa. May mga pagkakataon na makakapagpalitan kayo ng masasakit na salita. May puntong maaari kayong magkasakitan. Pero ang mga ito’y normal lang at paraan para mas lumalim pa ang pagmamahalan.
Ito nga ay napatunayan ng isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Sex & Marital Therapy. Ito ay pinamagatang, “How Gender Differences in Emotional Cutoff and Reactivity Influence Couple’s Sexual and Relational Outcomes“.
Ayon sa pag-aaral makakatulong ito na ma-improve ang isang relasyon
Photo by Maria Orlova from Pexels
Ayon sa pag-aaral, ang emotional sensitivity at reactivity ay maaaring makapag-improve ng isang pagsasama. Ganoon dang sexual satisfaction ng magkarelasyon.
Ang mga ito natuklasan ng pag-aaral, matapos i-analyze ang mga data na nakalap ng isang hiwalay na pag-aaral na pinamagatang Flourishing Families Project. Ito’y isang mahabang pag-aaral na isinagawa mula noong 2007 hanggang 2011.
Sa pag-aaral, nag-participate ang mga pamilyang may anak na edad 10 hanggang 14 na taong gulang. Mula sa mga nasabing pamilya ay sinuri ang data ng 334 na kasal na mag-asawang lalaki at babae. Pati na kung paano nakakaapekto ang emotional sensitivity at emotional reactivity o cutoff sa kanilang pagsasama.
Base pa rin sa ginawang pag-aaral, isinalarawan ang emotional reactivity bilang level ng emotional sensitivity ng isang tao sa mga stressful events. O ang pag-0-overreact ng isang tao sa isang bagay o sitwasyon. Habang ang emotional cutoff nama’y tumutukoy sa pag-iwas ng isang tao sa mga mahirap o stressful na sitwasyon.
Findings na ginawang pag-aaral
Ito ang natuklasan ng nasabing pag-aaral.
- Ayon sa mga researcher ang emotional sensitivity at cut-off ay nakakatulong na ma-predict ang satisfaction at sexual desire ng isang magkarelasyon makalipas ang isang taon.
- Natuklasan din ng pag-aaral na ang mga babae ay mas nagpapakita ng emotional reactivity. Habang ang mga lalaki naman ang may mas mataas na tiyansang magpakita ng emotional cutoff sa isang relasyon.
Mas sensitive at O.A ang mga babae
Sa mga babae naipapakita ang kanilang pagiging emotionally reactive sa pamamagitan ng pagiging hypersensitive o pag-o-overreact sa isang mahirap na sitwasyon. Ang kanilang reaksyon na ito’y naiiuugnay rin sa kabawasan ng kanilang satisfaction sa relasyon. Pahayag ni Amber Price, author ng isinagawang pag-aaral,
“For women who are emotionally reactive, this might look like being hypersensitive or over-reacting to a difficult situation and this was associated with decreased relationship satisfaction for her.”
BASAHIN:
12 signs na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon
Bakit hindi sapat ang PAG-IBIG para sa isang matatag na relasyon?
6 na epekto ng stress na pumapatay sa relasyon ng mag-asawa
Technology photo created by jcomp – www.freepik.com
Ang lalaki mahilig umiwas sa bangayan o pag-usapan ang problema.
Habang ang mga lalaki naman na emotionally cutoff ay gumagamit ng silent treatment. Nagiging defensive at umiiwas sa emotional connection kapag humihirap na ang sitwasyon. Ang epekto nito nababawasan din ang kaniyang relationship at sexual satisfaction sa kanilang pagsasama. Dagdag pa ni Price,
“For men who are emotionally cutoff, this might look like using the silent treatment, becoming defensive, or avoiding emotional connection when times get hard. This was associated with decreased relationship and sexual satisfaction for him as well as a decrease in relationship satisfaction for his partner.”
Paliwanag pa niya, bagama’t hindi lahat ng babae at lalaki ay pare-pareho ang magiging reaksyon sa natuklasan ng ginawang pag-aaral, mahalaga na pareho silang mag-adjust para ma-improve ang kanilang relasyon.
“Though certainly not all men engage in emotional cutoff and not all women are emotionally reactive, it is important to work towards greater emotional regulation as a way to help improve relationships.”
Tips kung paano iha-handle ang mga away o hindi ninyo pagkakaintindihang mag-asawa
Photo by Dewey gallery from Pexels
Para magawa ito ay narito ang ilang tips kung paano i-hahandle ang mga away o hindi pagkakaintindihan ninyong mag-asawa. Upang maging maayos ang iyong komunikasyon at maiwasan ang pagsisigawan at pagwawalk-out ng isa sa inyo sa gitna ng inyong hindi pagkakaunawaan.
1. Huwag itago ang iyong nararamdaman sa iyong sarili.
Kung may problemang gumugulo sa ‘yo sa inyong relasyon ay huwag mag-dalawang isip na sabihin ito sa iyong partner. Sapagkat tandaan ang pagtatago ng iyong sama ng loob ay mas magpapagalit pa lalo sa ‘yo.
2. Maging fair o patas sa iyong partner.
Sa oras na mag-open up ka sayong kapareho, ay siguraduhing magiging patas ka sa kaniya. Pakinggan siya para ma-solusyonan ninyo ang problema.
3. Iwasang talakayin ang mga nakalipas ng hindi pagkakaintindihan ninyong mag-asawa.
Ang pagtatalakay ng mga insidenteng nakalipas na ay mas magpapalala lang ng inyong pagtatalo. Kaya mag-stick sa topic na inyong pinag-uusapan at respetuhin ang bawat isa.
4. Ibigay ang buo mong atensyon sa iyong partner o asawa.
Habang nag-uusap ay mag-focus sa iyong partner habang nagsasalita siya. Iwasan ang mga distractions at makinig sa kaniya. Ito’y upang maayos ninyo ang hindi pagkakaintindihan at problema.
5. Hawakan ang isa’t isa.
Ang pagkakaroon ng physical contact tulad ng paghahawakan ng kamay ay makakatulong para maayos ang hindi ninyo pagkakaunawaan. Sapagkat sa ito’y nagbibigay ng comfort at nagbibigay kasiguraduhan na hindi ninyo nasasaktan emotionally ang isa’t isa.
May kalakip na reports mula kay Sandra Ong
Isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
Source:
Taylor & Francis Online
Translated with permission from theAsianparent Singapore
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!