Masyadong controlling ang asawa, isa lamang ito sa mga palatandaan na ika’y nasa isang emotionally abusive na relasyon. Bagama’t mahirap tukuyin o aminin sa iyong sarili, ang emotional abuse kung mapapabayaan at hindi agad matitigil ay maaaring magdulot ng banta sa iyong mental health.
Mababasa sa artikulong ito:
- Signs ng emotional manipulation ng iyong karelasyon
- 3 paraan na dapat mong gawin kung ika’y nakakaranas ng emotional abuse
Tulad na lang ng masasakit na salita at pagtawag sa ‘yo ng kung ano-ano na maaaring mag-alis ng pagpapahalaga mo sa iyong sarili. Kung nararanasan mo ito ngayon at ang iba pang palatandaan ng emotional abuse mabuting humingi ka ng tulong bago pa lumala ang iyong sitwasyon.
Masyadong controlling ang asawa at iba pang signs ng emotional manipulation sa isang relasyon
1. Mahilig silang gumawa ng kasinungalingan at pinipilit kang maniwala sa mga ito.
Pinipilit ka bang paaminin ng asawa mo sa isang kasalanan na hindi mo naman ginawa? O sa isang kasinungalingan na alam mo namang hindi totoo pero pinipilit niyang totoo at sinasabing nakakalimot ka lang? O nawawala sa katinunan mo?
Isa ito sa pangunahing palatandaan na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon. Ang tactic na ito ay kilala sa tawag na gaslighting. Ang term na ito ay nagmula sa movie na pinamagatang “Gaslight” na kung saan ang bidang lalaki ay minamanipula ang kaniyang asawa at kinukumbinsi na baliw siya.
Kung nararanasan mo na ito sa ngayon, mabuting humingi ka na ng tulong sa mga taong mapagkakatiwalaan mo. Sapagkat maaari pang mas lumala ito at magdulot ng tuluyang pagkabaliw mo.
People photo created by jcomp – www.freepik.com
2. Tinatakot ka o sinasaktan ng asawa mo.
Ang pananakot at pananakit ay palatandaan din ng emotional abuse sa isang relasyon. Lalo na kung sa pananakot ay dinadamay ang isang taong mahalaga sayo gaya ng iyong anak. Sapagkat sa ang pananakot na ito’y maaring magdulot sa ‘yo ng labis na pag-aalala sa buhay mo at sa taong importante sa ‘yo.
3. Masyadong controlling ang asawa mo at gusto lagi alam kung anong ginagawa mo.
Kung gusto kang laging kontrolin ng iyong asawa o sumunod lang sa kaniyang gusto, isa ito sa pangunahing palatandaan na ikaw ay nasa isang emotionally abusive na relasyon.
Ayon sa author ng librong Treating Self-Destructive Behaviors in Trauma Survivors: A Clinician’s Guide na si Lisa Ferentz, halimbawa nito ang palaging pagtingin ng iyong asawa sa iyong schedule. Tulad nalang kung saan ka pupunta o sino ang mga makakasama mo.
“What can seem like genuine concern is often a way for an emotionally abusive person to be in total control when they are constantly keeping tabs on another person’s schedule. Wanting an ongoing account of another person’s whereabouts, in addition to [a person] limiting where their partner goes or who they spend time with, are powerful examples of emotional abuse.”
4. Mahilig siyang insultuhin ka pati na ang iyong buong pagkatao.
Ang pagtawag sa ‘yo ng kung ano-ano o pang-iinsulto sa ‘yo ay uri ng verbal abuse. Kahit na sabihin ng iyong partner na siya lang ay nagbibiro at nagiging sensitive ka lang. Ito’y maaring magdulot ng damage sa self-worth mo at sa ‘yong buong pagkatao.
Woman photo created by pressfoto – www.freepik.com
5. Pinipilit ka niyang mag-sorry o humingi ng tawad kahit wala ka namang ginawang mali o masama.
Ang isang emotional abuser ay kayang manipulahin ang kaniyang biktima na siya ay gumawa ng mali kahit ito naman ay hindi totoo. Tulad ng gaslighting, kinukumbinsi ng emotional abuser ang kaniyang biktima na may mali siyang ginawa kahit alam niya namang wala talaga. Saka siya pipilitin nitong humingi ng tawad o sorry na magdadagdag na paninisi ng biktima sa kaniyang sarili.
6. Minamaliit ka ng iyong asawa.
Ang pangmamaliit ng iyong asawa sa iyong mga accomplishments ay palatandaan din ng emotional abuse. Lalo na kung lagi niya pang kini-criticize ang iyong mga ginagawa na maaring makaapekto sa self-esteem mo.
7. Gumagawa siya ng mga bagay na kinatatakot mo.
Maliban sa mga pananakot gamit ang salita, tumitindi ang pananakot ng isang emotional abuser kung sasabayan niya ito ng mga gawi o acts. Tulad nalang ng pagbagsak ng pinto o pagsapak sa dingding. O kaya naman ay ang pagkuha sa iyong anak sa oras na ikaw ay lumalaban o sumasalungat sa gusto niya.
BASAHIN:
Barangay Protection Order para sa mga abusadong asawa o karelasyon
Real mom shares “Kahit sinaktan ako [physically] ng asawa ko, mahal ko pa din siya”
Kids’ emotional abuse: The 5 signs you could be missing
8. Pinapahiya ka ng iyong asawa.
Palatandaan din ng masyadong controlling ang asawa mo kapag mahilig siyang ipahiya ka sa harap ng ibang tao. Ang gawi niyang ito mas lalong nagdudulot ng pagkawala mo ng pagpapahalaga sa iyong sarili at pagsunod nalang sa mga gusto niya.
9. Pinapakialam niya rin ang pananamit mo, trabaho at iba pa.
Ang pagkokontrol ng isang emotional abuser ay hindi lang natatapos sa mga isyu sa loob ng inyong bahay. Pati ang pananamit mo, trabaho at iba pang may kaugnayan sa ‘yo ay pakikialaman niya. Lagi siyang magbibigay ng komento o criticisms sa mga ito na imbis na makatulong ay magpapasama pa ng loob mo.
10. Inaakusahan ka ng iyong asawa na nangangaliwa.
Ang mga emotionally abusive na partners o asawa ay madaling magselos sa mga taong nakakasama mo. Agad ka nilang aakusahan ng pangangaliwa at hindi nila pakikinggan ang mga paliwanag mo. Sa oras naman na sila ang mangaliwa, isisisi nila sa ‘yo kung bakit nila nagawa ito.
Technology photo created by jcomp – www.freepik.com
11. Ina-isolate ka nila sa iyong pamilya at kaibigan.
Para mas makontrol ka ay pipigilin ng iyong emotionally abusive na asawa ang pakikipagkita mo sa iyong pamilya o mga kaibigan. Maaari ka rin nilang pigilan na magtrabaho para hindi ka na makakilala ng ibang tao.
12. Silent treatment.
Para mas lalo kang mag-alala ay hindi ka papansinin ng asawa mo. Tandaan, ang silent treatment ay isa ring uri ng emotional abuse. Sapagkat sa ito ay magdudulot ng pag-alala sa isang tao o tanong kung bakit mo ito ginagawa sa kaniya.
3 paraan na dapat gawin kung ikaw ay nakakaranas ng signs ng emotional abuse
Kung ika’y nakakaranas ng mga nabanggit na palatandaan ng emotional abuse ay narito ang mga dapat mong gawin.
- Tanggapin ang katotohanan na biktima ka ng emosyonal na pang-aabuso. Sa ganitong paraan ay makakapagpatuloy ka sa kung paano matutulungan ang iyong sarili.
- Gumawa ka ng sarili mong support group. Maaaring ito ay iyong pamilya o mga kaibigan na makakatulong sa ‘yo at makakausap mo.
- Huwag magdalawang-isip na lumapit sa isang professional. Bagama’t mahirap buksan o talakayin ang topic na ito, isang mabuting hakbang ang makipag-usap ka sa isang therapist. Ito’y dahil maaari ka niyang suportahan o turuan mga maari mong gawin para tuluyan kang maka-moveon o gumaling sa mga sugat na dulot ng pang-aabuso sayong pagkatao.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
Isinalin sa wikang Filipino ni Irish Mae Manlapaz.
May kasamang reports mula kay Nasreen Majid.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!