X
theAsianparent Philippines Logo
theAsianparent Philippines Logo
EnglishFilipino
Product GuideSign in
  • Building a BakuNation
  • Para Sa Magulang
    • Nagplaplanong Magbuntis
    • Pagbubuntis
    • Pangaganak
    • Nawalan ng baby
    • Project Sidekicks
  • Anak
    • Newborn
    • Sanggol
    • Toddler
    • Pre-Schooler
    • Bata
    • Pre-Teen At Teen
  • Pagpapalaki ng anak
    • Gabay ng Mga Magulang
    • Balita
    • Relasyon
  • Kalusugan
    • Mga sakit
    • Allergies at mga kundisyon
    • Mga Bakuna
  • Edukasyon
    • Preschool
    • K-12
    • Edukasyon ng special children
  • Lifestyle
    • Mga kilalang tao
    • Contest at promotions
    • Bahay
    • Bakasyon
    • Fashion
    • Fitness
    • Wellness
    • Pinansyal
  • VIP Community
  • Pandemya ng COVID-19
  • Press Releases
  • TAP Picks
  • Shopping
  • Awards
    • Parents' Choice Awards 2023

STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon

5 min read
STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon

Pero maari parin itong magdulot ng negatibong epekto sa relasyon na maari mo namang maiwasan at ma-solusyonan!

Walang gana sa sex? Ayon sa isang psychologist, wala ka dapat ipag-alala dahil hindi ka nag-iisa. Hindi naman umano ito nakakaapekto sa masayang pagsasama. Bagama’t ang pagtatalik ay hindi pa rin umano dapat nawawala.

Pag-aaral tungkol sa mga babaeng walang gana sa sex

walang gana sa sex

Image from Freepik

Ayon sa isang pag-aaral na nailathala sa Journal of Sex Research, ang mga babae ay natural na nawawalan ng gana sa sex o pagtatalik habang sila ay tumatagal sa isang relasyon. Ngunit hindi umano ito nangangahulugan na nabawasan na ang pagmamahal nila sa kanilang asawa. Sa halip ay mas tumitindi nga umano ito dahil sila ay nagkakaroon ng ibang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin gaya ng pagpapalaki sa kanilang anak at pag-aalaga sa pamilya.

Ito ang natuklasan ng pag-aaral na kinabilangan ng 15 na babae edad 25-59 years old na nasa loob ng isang loving long-term relationship.

Sa ginawang interview sa mga kalahok, ito ang natuklasan ng pag-aaral.

Ayon sa pag-aaral, ang kawalang gana sa sex ay hindi nangangahulugan ng kawalan ng pagmamahal sa asawa

  • Hindi naapektuhan ng kawalang gana nila sa pakikipagtalik ang pagmamahal nila sa kanilang mga partner. Wala raw nabago sa pagmamahal nila sa mga ito bagama’t hindi na sila ganoon ka-active sa pakikipagtalik katulad noong sila ay bago palang sa relasyon.
  • Kalahati ng mga kahalok sa ginawang pag-aaral ang nakapagsabi na walang naging negatibong epekto sa kanilang relasyon ang kawalang gana nila sa sex. Mas naging intimate pa nga raw ang koneksyon nila sa kanilang mga partner dahil sa mga bagong activity na kanilang pinagtutuunan ng pansin kaysa sa pagtatalik. Tulad ng pagiging magulang sa kanilang anak at paano maitataguyod ang kanilang pamilya bilang isang team.
  • Mayroon din namang iba sa mga kalahok ang nagsabing nagi-guilty sila dahil sila ay walang gana sa sex. Sila rin ay nag-aalala na baka sa tinuturan nilang ito ay kuwestyunin na ng kanilang partner ang pagmamahal nila.
  • May mga kalahok din ang gumagawa ng excuse minsan para hindi makipagtalik sa kanilang asawa. Pero sa oras naman na gawin nila ito at sila ay nasa mood, nai-enjoy naman nila ang sex at na-sasatisfy rito.

Pero ito ay maaari pa ring magdulot ng problema

walang gana sa sex

Image from Freepik

Bagama’t masasabing ang kabuuang resulta ng ginawang pag-aaral ay positibo, binigyan pansin pa rin naman ng researcher na gumawa nito ang mga negatibong epekto nito sa relasyon. Tulad ng pagdudulot nito ng frustration, conflict at pressure sa mag-partner. Kaya payo ng psychologist na si Sarah Hunter Murray upang masolusyonan ito ay kailangan umanong magkaroon ng maayos na pag-uusap sa pagitan ng mag-asawa. Ito ay upang malaman at maintidihan nila ang nararamdaman ng isa’t isa na dapat nilang pakinggan at respetuhin. Hinikayat din niya ang mga babae na gumawa ng mga bagay na maaaring makapagbalik ng gana o desire nila sa pagtatalik. Ito ay ang mga sumusunod:

Lifestyle at home remedies para bumalik ang gana sa pakikipagtalik

Mag-exercise

Ang pagsasagawa ng regular aerobic exercise at strength training ay nakakapagdagdag ng lakas ng iyong stamina. Ini-improve din nito ang iyong body image. Sine-set ang iyong mood pati ang iyong libido.

Iwasan ang stress

Iwasang ma-stress sa mga bagay-bagay. O hangga’t maaari, kung nagtratrabaho ay huwag na dalhin ang stress sa trabaho sa inyong bahay.

Makig-usap o magkaroon ng open relationship sa iyong partner

Ang mga mag-partner na mayroong open communication sa isa’t isa ay mas napapanatili ang kanilang stronger emotional connection. Bilang resulta ay mas nagiging close at intimate sila. Pagdating sa usaping sex at hindi dapat mahiyang talakayin ito sa iyong partner. Sabihin ang mga ayaw mo at gusto para malaman niya.

walang gana sa sex

Image from Freepik

Magkaroon ng oras sa pagiging intimate

Sa kabila ng iyong busy schedule ay gawin pa ring priority ang pakikipagtalik sa iyong asawa. Tandaan na bilang asawa ito ay isang papel na kailangan mong gampanan.

Lagyan ng kaunting spice o excitement ang iyong sex life.

Gawin ito sa pamamagitan ng pagsubok ng ibang sex positions. O kaya naman gawin ito sa umaga, tanghali kaysa sa gabi. Puwede rin namang gawin ninyo ito sa ibang bahagi ng bahay hindi lang sa kama o kuwarto. Maging honest din sa iyong partner at sabihin sa kaniya na mas magbigay ng oras sa pagsasagawa ng foreplay. Kung open ka at iyong partner ay sumubok ng mga sex toy at iba pang paraan na sa tingin mo ay gaganahan kang makipagtalik. Muli ang sekreto rito ay pagiging open o pakikipag-communicate sa asawa mo.

Alisin na ang mga bad habits o bisyo mong nakakaapekto sa sex drive mo.

Ayon sa mga health expert, ang paninigarilyo, pag-inom ng alak at paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay nakakaapekto sa sex drive ng isang tao. Kaya para ma-boost ang sex drive mo ay alisin ang mga ito. Subukan ang healthy living. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Matulog ng sapat sa oras at paligiran ang iyong sarili ng mga taong magiging magandang impluwensiya sayo at sa relasyon ninyo ng iyong asawa.

Source:

Partner Stories
Toy company BebeBata launches online gift service in time for holiday season
Toy company BebeBata launches online gift service in time for holiday season
Gen Z and Millennial Airbnb Hosts in the Philippines leading the way for inclusive tourism recovery
Gen Z and Millennial Airbnb Hosts in the Philippines leading the way for inclusive tourism recovery
Ajinomoto launches Sustansarap, Sustansaya! online nutrition classes  for nutritious, delicious and enjoyable meals
Ajinomoto launches Sustansarap, Sustansaya! online nutrition classes for nutritious, delicious and enjoyable meals
TELUS International Philippines sets up support programs to cultivate an entrepreneurial mindset among employees
TELUS International Philippines sets up support programs to cultivate an entrepreneurial mindset among employees

Psychology Today, Mayo Clinic

BASAHIN:

Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

img
Sinulat ni

Irish Mae Manlapaz

Maging Contributor

  • Home
  • /
  • Relasyon
  • /
  • STUDY: Kawalang gana sa sex hindi umano basehan sa pagkakaroon ng masayang relasyon
Share:
  • STUDY: 11 na senyales na mahal ka talaga ng asawa mo

    STUDY: 11 na senyales na mahal ka talaga ng asawa mo

  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

  • STUDY: 11 na senyales na mahal ka talaga ng asawa mo

    STUDY: 11 na senyales na mahal ka talaga ng asawa mo

  • I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

    I don’t enjoy sex with my husband. What should I do?

  • Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

    Aubrey Miles sinisi ang sarili sa autism ng kaniyang anak: "As a mom parang ako ba to? What did I do?"

  • 12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

    12 na bagay hindi mo dapat sinasabi sa iyong anak

Makakuha ng regular ng payo tungkol sa pagbubuntis at paglaki ni baby!
  • Pagbubuntis
    • Unang trimester
    • Pangalawang trimester
    • Pangatlong trimester
  • Gabay ng Mga Magulang
    • Safety ng bata
    • Payo sa pagpapalaki ng anak
    • Payo para sa mga magulang
    • Gamit ng sanggol
  • Relasyon
    • Mag-asawa
    • Biyenan
    • Kasambahay
  • Pagpapasuso at formula
    • Tamang pagpapasuso
    • Pag-pump at pag-imbak ng gatas
    • Formula
  • More
    • TAP Community
    • Advertise With Us
    • Contact Us
    • Maging Contributor


  • Singapore flag Singapore
  • Thailand flag Thailand
  • Indonesia flag Indonesia
  • Philippines flag Philippines
  • Malaysia flag Malaysia
  • Sri-Lanka flag Sri Lanka
  • India flag India
  • Vietnam flag Vietnam
  • Australia flag Australia
  • Japan flag Japan
  • Nigeria flag Nigeria
  • Kenya flag Kenya
© Copyright theAsianparent 2023. All rights reserved
About Us|Team|Privacy Policy|Terms of Use |Sitemap HTML
  • Tools
  • Articles
  • Feed
  • Poll

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

Gumagamit kami ng cookies upang matiyak ang iyong magandang karanasan. Matuto paOk, nakuha ko

theAsianparent heart icon
Nais naming magpadala ng notification sa'yo tungkol sa latest news at lifestyle update.