Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak

Wala ng sexy time? 5 tips upang hindi kayo mahuling nagtatalik ng inyong anak

Posible nga ba ang quiet sex?

Posible nga ba ang quiet sex lalo na para sa mga mag-asawa na palaging nakabantay ang mga anak? Paano nga ba magkakaroon ng sexy time kahit na ganito ang sitwasyon?

Tips for quiet sex

Para hindi mahuli ng inyong mga anak na nagse-sex, narito ang ilang tips na kailangan niyong malaman!

Happy woman looking at man show striptease in the bedroom Free Photo

1. Gawin ito sa oras na tulog sila o kung kailan sila occupied

Siguraduhin na busy sila o tulog kung gusto niyong mag-sex. Ito ang pinaka-safe na paraan upang hindi mahuli o makita ng mga anak na nagtatalik.

2. Magpatugtog o magkaroon ng background sound

Puwede kayong mag-play ng sound o buksan ang TV para ito ang mas marinig.

3. Humawak ng unan kung sakali

Ito ay kung sakaling hindi niyo mapigilan ang pag-moan. Ang unan ay pangtakip sa bibig para matabunan ang malakas na tunog.

4. Mag oral sex

Kung nais na mag-foreplay o mag-explore muna bukod sa quicky, mag-oral sex na lang muna at i-pleasure ang bawat isa.

5. Kung maari ay huwag itong gawin sa kama

Kadalasan ay maingay ang kama kapag nauuga. Kaya naman kung mayroong space sa sahig o di naman kaya ay sa shower, puwede rin ito.

Iba pang sex secrets para sa mga mag-asawa

Mag-quicky, kahit paminsan-minsan

Una ito sa nakaka-excite na pwedeng subukan. Lalo na kung palaging busy at pagod dahil sa dami ng trabaho o gawain sa bahay, at wala kayong oras para sa isang buong gabi ng romantikong date. Bigyan ng oral sex si mister bago siya pumasok sa trabahom, o pumuslit ng “isa pa” habang naliligo. Bakit hindi mag-foreplay, ilang oras bago umuwi, para kapag nagkita kayong muli sa bahay ay mainit na at excited nang gawin ang mga pinag-usapan sa text o phone call? Gumamit ng vibrator o dildo, o mag-“quickie” bago pumunta sa grocery, o manuod ng sine.

Subukan ang role-play

May mga mag-asawa na sa haba ng panahon ng pagsasama, gusto naman ng ibang makakatalik. Pero hindi ibang tao ang gusto, kundi ang asawa pa rin nila—kaya’t parang mga artista na nagpapanggap o nagkukunwaring ibang tao. Tumatakas kunwari, at nagtatalik sa kusina, sa garahe, o kaya naman ay sa kuwarto, pero hindi bilang sarili nila, kundi ibang tao o karakter.  Minsan kunwari ay nurse si misis, at pasyente si mister, o kaya ay stripper at customer, artista at fan—nakakatuwa, nakakatawa, pero hindi na kailangang mahiya sa isa’t isa dahil kayong dalawa lang naman ang nakakaalam.

Mag-reminisce

Smiling young couple loving each other near the sofa Free Photo

Gawing inspirasyon ang nakaraan, ika nga. Para ito sa mga mag-asawang sobrang tagal nang nagsasama. Isipin kung ano nga ba ang nagustuhan ninyo sa isa’t isa noong una, lalo na pagdating sa sex. Ang iba ay nagkukunwaring first date nila ulit, at ginagawa ang mga nangyari sa kanila nuong una silang nagkita, at ang unang beses na nagsama sa kama.

Make up sex

Marami nang nabuong bata dahil sa tinatawag na “make-up sex”. Ito yung pagtatalik pagkatapos ng isang pag-aaway o pagtatalo. Pagkatapos daw ng mainit na away, mainit na pagniniig naman ang kasunod. Para ito sa mga overly passionate na mag-asawa, na na-eexcite pagkatapos makapaglabas ng galit at sama ng loob. Huwag nang maghintayan. Kapag naramdaman mong kalmado na ang kabiyak, iwagayway na ang puting bandila at makipagbati na. Sabi ng mga mister na matagal nang kasal, ang mga lalaki ang dapat na unang lumalapit pagkatapos ng away. Si misis daw lagi ang tama—para matapos na ang alitan. Wala namang mawawala sa kung sino man ang unang lalapit, hindi ba? Matamis na pagbabati pa rin ang katapusan. Tapos ay diretso sa pagtatalik.

Weekend sex

Kung pareho kayo ng day off, lalo na at Sabado at Linggo ito, pagkatapos ng isang nakakapagod at nakaka-stress na linggo sa trabaho—weekend sex lang ang katapat. Iwan muna ang lahat ng negatibong naramdaman at magpakalango sa piling ni mister o ni misis. Mag-breakfast in bed, at maglambingan hanggang tanghali, o hapon pa kung pwede. Kung may magbabantay naman sa mga bata o malalaki na sila, paminsan-minsan ay mag-labing labing muna ng wala ang mga bata, at saka na lang makipag-bonding sa kanila sa hapon o gabi.

Mag-usap tungkol sa hindi gusto at ang desires ng bawat isa

Couple sleeping on the bed Premium Photo

Ang susi sa mabuting pagsasamahan, kahit ano pang uri ng relasyon, pero lalo sa mag-asawa, ay ang komunikasyon. Mag-usap kayo, para malaman kung ano talaga ang nasa isip at kung ano ang gusto ng isa’t isa. Mahirap naman kung sa hinaba-haba ng panahon nang pagsasama ay naghuhulaan pa rin o nagkakahiyaan. Kung hindi mag-uusap ang mag-asawa, ay walang mangyayari sa inyong pagsasama. At kung paano kayo mag-usap tungkol sa problema o tungkol sa mga bata, ganon din dapat katapat pagdating sa usaping sex.

Kasama na dito ang tahasang pagsasabi kay mister o kay misis kung ano ang nakakapag-pakiliti sa iyo sa kama. Ituro o sabihin alin ang msarap, alin ang nakakailang o ayaw mong gawin—maging matapat dahil walang makapagsasabi nito kundi ikaw.

Maging creative

Maraming bagay na makakapagpa-igting ng sensations ng isang lalaki at isang babae. Di ba nga, sabi ng iba, sino ba ang may gusto ng adobo sa araw araw? Kailangan maiba din ang putahe. At ang paghahanap ng ibang ulam sa ibang restawran ay hindi dapat, kaya’t mag-isip ng bagong iluluto para sa kabiyak. Maraming libro at babasahing erotiko ang pwedeng subukan—nariyan ang mga sex toys, mga props, at iba pang mga bagay na magpapainit sa sitwasyon. Subukan ang ibang posisyon sa Kama Sutra, mag-couples massage, o magpunta sa isang strip club sa gabi nang magkasama, o kasama rin ng ibang kaibigang mag-asawa.

Mag-relax at mag-exercise

Side view of couple being romantic in bed Free Photo

Ang pinakaimportanteng sikreto ay wala sa pagtatalik mismo, kundi sa pagwawaksi ng stressors sa isip, at pagpapanatiling malusog at maaayos ang pisikal na aspeto ng isang tao. Ang pangunahing pamatay ng libido at interes sa sex (at sa kabiyak) ay stress at pagod, at dahil na rin hindi ka “fit” o mahina ang resistensya para sa makabuluhang pagtatalik. Pisikal at psychological ang pinag-uugatan ng kahandaan sa sex, kaya’t kung sa una pa lang ay talo na sa dalawang aspetong ito, hindi talaga makakapagsabayan sa sex. Magpamasahe, uminom ng wine at makinig sa nakaka-relax na tugtog, mag-shower o magbabad sa bath tub, at mag-ehersisyo, tumakbo o mag-gym nang magkasama.

 

Source:

Healthline

Basahin:

Gusto ng sexy time pero buntis? Iba’t ibang safe sex positions sa bawat trimester

May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!

Sinulat ni

theAsianParent

Article Stories
app info
get app banner