Marahil ay palagi mong naririnig na may magandang benepisyo ang pag-inom ng probiotic drinks. Bukod sa masarap at refreshing ito na inumin, kilala rin ito na nakakatulong sa pagpapabuti ng ating digestion. Baka nga nasubukan mo na ito para malaman kung talagang epektibo nga ba.
Pero naranasan mo na bang mapatanong, “Parang wala namang nagbago. Epektibo ba talaga ito?” Kung oo, hindi ka nag-iisa. Maraming tao ang nagtanong din ng parehong bagay. Upang malinawan ka, pag-usapan natin kung ano nga ba ang dapat mong asahan kapag umiinom ka ng probiotics.
Ano ba ang ginagawa ng Probiotics?
Sa katawan natin, mayroong “bad bacteria”, at mayroong “good bacteria”. Alam na natin na kapag masyadong maraming bad bacteria ang ating katawan, mas prone tayo sa komplikasyon at sakit.
Dito ngayon papasok ang good bacteria o ang probiotics. Ang mga ito ay tumutulong na i-balance ang bilang ng good at bad bacteria para tayo ay makaiwas sa mga sakit. At dahil malaki ang epekto ng kalusugan ng ating tiyan sa ating pangkabuuang immune system, importante ang pagkakaroon ng healthy diet.
Benepisyo ng probiotics drinks sa bata
Ano ba ang benepisyo ng probiotics drinks sa bata? Ang pag-inom ng probiotics ay nagdadala ng maraming benepisyo sa kalusugan ng mga bata.
Ang benepisyo ng probiotics drinks sa bata: Nakakatulong ito na palakasin ang kanilang immune system at pinapanatili ang balanse ng mabuting bakterya sa bituka, na mahalaga para maiwasan ang mga sakit, lalo na ang mga impeksyon sa tiyan at bituka.
Tumutulong din ang probiotics sa tamang pagtunaw ng pagkain at pag-absorb ng nutrients, pati na sa pag-iwas sa constipation, diarrhea, at bloating. May ilang ebidensya rin na maaaring makatulong ang probiotics sa pagbawas ng allergy symptoms, pagpapabuti ng mood, at pagpapatibay ng buto, kaya’t mainam itong idagdag sa diet ng mga bata.
Bukod sa probiotic drinks, ano pa ang ibang mga source ng probiotics?
Narito ang ilang mga karaniwang source ng probiotics na madaling mahanap ng mga mommy sa Pilipinas:
- Yogurt: Madalas na mabibili sa mga grocery stores. Siguraduhing piliin ang mga yogurt na may “live” o “active cultures.”
- Kimchi: Isang uri ng fermented na gulay mula sa Korea, na ngayon ay popular na rin sa Pilipinas.
- Kefir: Isa pang fermented na inumin na gawa sa gatas, na mayaman din sa probiotics. May ilang tindahan na nagbebenta nito sa Pilipinas.
- Pickles: Ang mga pickles o fermented na pipino ay naglalaman din ng probiotics, lalo na kung ito ay hindi naluto pagkatapos ng fermentation.
- Miso: Isang fermented soybean paste na kadalasang ginagamit sa paggawa ng miso soup. Mabibili ito sa ilang grocery stores at Asian markets.
- Sauerkraut: Isa ring fermented na repolyo na mayaman sa probiotics. Maaaring makakita nito sa mga specialty stores.
- Probiotic supplements: Kung hindi available ang mga pagkain na nabanggit, may mga probiotic supplements din na mabibili sa mga botika at health stores.
Madaling mahanap ang mga ito at karamihan ay abot-kaya, kaya’t magandang idagdag sa pang-araw-araw na diet ng pamilya.
Pero kung walang Prebiotic Fiber, wala ring silbi ang Probiotics!
Para iyong lubusang maunawaan, isipin mo na ang Probiotics ay parang mga sundalo sa ating tiyan na nagpapanatiling maayos ang ating digestive system. Dahil halu-halo na ang kinakain natin sa araw-araw, pinapanatili ng mga Probiotics ang malinis at maayos na kapaligiran sa ating tiyan.
Ngunit kung walang Prebiotic Fibers, para silang mga sundalong hindi nakakakain. Ang Prebiotic Fiber ay isang plant-based food na kinakain ng Probiotics para sila ay mas magtagal sa kabila ng harsh environment ng mga tiyan natin.
Sa madaling salita, hindi magtatagal ang mga sundalong ito – o ang Probiotics, kung wala silang kagamitan – o Prebiotics. Hindi rin sila lubusang makakatulong sa pag absorb ng nutrients na kinakailangan ng iyong katawan dahil wala silang equipment para gawin ito.
Kaya sa susunod na bibili ka ng Probiotic drink siguraduhing hanapin ang Symbiotic combination ng Pre + Pro. Tandaan na ang Pre + Pro ay magkaagapay laban sa mga “bad bacteria” para mapanatiling healthy ang iyong digestive system.
Anong magandang source ng Prebiotics?
Para matulungan ang iniinom mong Probiotic drinks, dapat mo ito sabayan ng mga pagkain o inuming mayaman sa Prebiotics. Ang ilan dito ay maaaring ipansahog sa ulam o kaya naman ay kainin o inumin nang mag-isa.
Bukod sa ibang health benefits nito kagaya ng pagiging antioxidant at pampababa ng risk sa pagkakaroon ng sakit sa puso, nakakatulong din ito sa ating digestive system. Tumutulong ito sa pagpapadami ng Bifidobacteria — isang uri ng Probiotic sa ating tiyan.
Ang pagsama ng sibuyas sa ating pagkain ay nakakatulong din sa digestive system. Ito ay mayaman sa inulin na nagpapalakas sa ating gut health at FOS na isang uri ng Prebiotic.
Kagaya ng sibuyas, mayaman din ito sa inulin fiber. Pero bukod sa kanyang benepisyo pagdating sa ating digestive system, mayaman din ito sa Vitamin K. Nagdadagdag pa ito ng masarap na lasa sa ulam ng buong pamilya!
Alam na nating maganda ito para sa puso. Ngunit bukod dito, may Prebiotic function din ito na nakakabawas ng pagiging bloated at tumutulong sa paglago ng good bacteria sa tiyan.
Bukod sa fiber, maari din makatulong ang pagkain ng oats sa mga Probiotics na nasa tiyan natin. Kaya naman ugaliing kumain ng oatmeal tuwing umaga upang mas palakasin ang healthy bacteria sa ating tiyan.
Kagaya ng Oats at saging, mayaman din ito sa fiber na tumutulong sa ating digestive tract. Ang mansanas ay naglalaman din ng Pectin na nagsisilbing Prebiotic upang tulungan ang mga probiotics na labanan ang pagdami ng bad bacteria sa tiyan.
Tandaan, hindi lahat ng Probiotic drinks ay may Prebiotic Fibers. Kaya kadalasan, kailangan mo parin itong sabayan ng inumin o pagkaing mayaman sa Prebiotics. Buti nalang, ang Dutch Mill Delight ay may DUO ACTIVE combination ng Probiotics at Prebiotic Fibers. Kaya naman kahit ito lang ang inumin mo, talaga namang kuha mo na ang sustansyang kinakailangan para sa healthy digestion araw-araw.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!