Derek Ramsay iiwan ang showbiz para mag-concentrate sa kaniyang pamilya: “I’ll lose millions but I should be content with my life.”

Ayon sa aktor hindi siya nanghihinayang sa perang mawawala sa kaniya kung ang kapalit naman nito ay quality time sa kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Iiwan na muna ng aktor na si Derek Ramsay ang pag-aartista. Ang dahilan niya ay para daw makaconcentrate siya sa kaniyang pamilya. 

Mababasa dito ang mga sumusunod:

  • Pagtigil ni Derek Ramsay sa pag-aartista para sa kaniyang pamilya.
  • Pagsasama ni Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Pagtigil ni Derek Ramsay sa pag-aartista para sa kaniyang pamilya

Sa isang panayam ay ibinahagi ng model at aktor na si Derek Ramsay na siya ay titigil na muna sa pag-aartista. Ang dahilan niya ay para daw umano makapag-concentrate siya at makapag-spend ng mas maraming oras kasama ang kaniyang pamilya. 

“Family talaga, that’s the only reason,” ito ang sabi ni Derek sa panayam sa kaniya ng Philippine Entertainment Portal.

Kuwento pa ni Derek, nasimulan niyang pag-isipan ang pagtigil sa showbiz noong magsimula ang COVID-19 pandemic. Doon niya daw kasi na-realize ang kahalagahan ng pagkakaroon ng quality time kasama ang pamilya niya lalo na ang mga magulang niyang hindi naman na bumabata.

“It made me realize, the world is changing so much and my parents were in their twilight years, and if I keep grinding myself and working so hard, I’m gonna lose out precious time with my family and I’ll never forgive myself when that day comes.”

Ito ang sabi ni Derek sa naturang panayam.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Dagdag pa niya mas naging buo daw ang desisyon niyang iwan muna ang showbiz ng maikasal na sila ng misis niyang ngayong si Ellen Adarna. Enjoy na enjoy rin siyang maging hands-on dad hindi lang sa anak niyang si Austin kung hindi pati narin sa stepson niyang si Elias.

“I got married and I got blessed even more with a beautiful wife and I have my son, Elias, I have my stepson. So I was, like, ‘Wow! This is a sign. This is life.”

Ito ang sabi pa ni Derek.

Pagpapatuloy pa niya, hindi siya nanghihinayang sa perang kikitain niya sana sa pag-aartista. Dahil ang tunay na blessings daw para sa kaniya ay ang makasama ang mga taong mahal niya lalo na ang kaniyang pamilya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“No money that you earn, no award, no project will replace the pain you will go through because you regret not spending time with those people that you love. So I was, like, ‘What is it for you to be content?’ Okay, I’ll lose millions but I should be content with my life. I’m so blessed.”

Ito ang sabi pa ni Derek.

Dugtong pa niya, hindi lang naman daw siya ang may gustong huminto muna sa pag-aartista. Kahit nga daw ang misis niyang si Ellen ay nagdahan-dahan rin sa pagtanggap ng mga projects para naman mas marami silang oras  sa isa’t-isa at sa mga anak nila.

Pagsasama ni Derek Ramsay at Ellen Adarna

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

Sa mga IG post ni Derek ay makikita kung gaano ito ka-close sa anak ni Ellen Adarna na si Elias. Kung titingnan ang closeness nila ay aakalain mong sila ay tunay na mag-ama. 

Samantala, pagdating naman sa pagsasama nila ng misis na si Ellen Adarna ay marami ang napapa-sana all nalang. Lalo na nitong nakaraang wedding anniversary nila kung saan ang early anniversary gift ni Derek kay Ellen ay isang mamahaling kotse. Ito ay kulay light-blue na Bentley Bentayga. Pero ang mga fans at followers nina Ellen at Derek ay mas kinilig sa mensahe ng aktor para sa kaniyang misis.

“Thank you for giving me so much love. I’ve really found true happiness. I love you so much!!!! So so much!!”

Ito ang mensahe ni Derek kay Ellen na sinabayan ng pagbati niya para sa kanilang first wedding anniversary.

Si Ellen naman ay sinagot agad ang post na ito ni Derek. Bagamat nagustuhan niyan ang regalo nito ay sinabi ni Ellen na mas na-appreciate niya ang quality time at physical touch na ibinibigay ni Derek sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Larawan mula sa Instagram account ni Derek Ramsay

“I like it but you know my love language is physical touch and quality time soooo your hugs and kisses are myyyyy number 1 . i love youuuuuu. I know ull Enjoy driving my car nyahahhahahahahahahahahahahah.”

Ito ang sabi pa ng aktres.

Nobyembre ng nakaraang tao ng maikasal sina Ellen at Derek. Si Derek very vocal sa dinadalang kasiyahan sa kaniya ni Ellen at ng anak nitong si Elias. Sa birthday nga ni Ellen nitong taon ay may sweet na mensahe na naman siyang iniwan para sa tinatawag niyang love of his life. 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

“Happy happy birthday my love. So much has happened in one year and it seems to have gone by so fast. It’s true that when you are happy and enjoying life things go by so fast. Love I can’t imagine a life without you and Elias.” 

“Thank you for coming into my life. I love you more than you can ever imagine.”

Ito ang sabi pa ni Derek Ramsay sa misis niya na ngayong si Ellen Adarna.

PEP