Development at paglaki ng iyong toddler sa kaniyang ika-19 buwan

Mahalagang malaman ang development at paglaki sa ika-19 buwan ng iyong anak upang masubaybayan mo ng mabuti ang kaniyang paglaki.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Naririnig mo ba ang tunog ng “click-clack” sa sahig? Oo, nadiskubre na ng toddler mo ang shoe cabinet, at iniisa-isa na niyang isukat ang mga sapatos ninyo. Ang kailangan lang niya ay ilang boundaries para maging ligtas pa rin ang paligid niya habang tinutuklas niya ito.

Palagi siyang “on the go”, tumatakbo, gumagapang, nagsasayaw, sumasampa sa kung saan—anumang oras, kung saan-saan sa loob (pati nga sa labas) ng bahay. Ang taas ng energy level niya, kaya dapat ay mapantayan ng mga tagapag-alaga. Lahat ay bubuksan at isasara, iinspeksyunin, at kakalikutin. Handa ka na ba sa walang humpay na habulan?

Physical Development

Ihanda na ang damit panlabas at sapatos dahil oras na para ilabas ang iyong toddler!Outdoor fun ang katapat ng high energy niya, kaya’t maghanap ng magandang park at playground kung saan kayo pwedeng pumunta at kung saan makakakilala si baby ng mga bagong kalaro. Kailangan niya ng malawak—at ligtas—na lugar para makatakbo, magbisikleta, maglaro ng bola kasama si Mommy at Daddy. Mas magaling na siyang bumato, sumalo at sumipa ng bola ngayon.

Tips

Ang fine at gross motor skills niya ay mahihinang sa edad na ito, kung maraming pagkakataon na maibibigay sa kaniya para sanayin ang mga ito. Bigyan siya ng  iba’t ibang bagay na may iba-ibang bigat at sukat. Mahilig ang mga toddlers na pumulot, bumato, at maghulog ng mga gamit na mahawakan niya. Dito niya maiintindihan ang konsepto ng bigat at sukat, kasama na rin ang kakayahan niyang humawak at gamitin ang mga daliri at buong kamay niya.

At dahil sa dami ng energy na ginagamit niya, kailangan niya ng sapat na oras para matulog at pagpahinga. Nasa 12 hanggang 14 na oras ang kailangan ng isang toddler para mabawi ang energy na ginagamit niya araw araw, kasama na ang pag-idlip sa tanghali. Bawat bata ay iba, kaya’t huwag ipag-alala kung hindi mahilig matulog ang iyong anak, o kung mahirap naman gisingin minsan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga toddlers din na sa sobrang aktibo ng utak sa maghapon, ay nananaginip pa sa gabi at naglalakad-lakad ng tulog. Normal ang sleepwalking sa edad na ito, kaya’t siguraduhing childproof ang kuwarto niya. Kung makitang naglalakad ang bata sa gabi, ibalik lang siya sa higaan at tapikin para makatulog.

Cognitive Development

Magsusubok na siyang magbihis mag-isa, na may kaunting tulong na lang ni Daddy o Mommy. Mahihilig din siyang maglaro ng dress-up, gamit ang mga damit ng magulang, o mga costume na pang superhero at iba pa. Huwag na ring magulat kung isusuot ang high heels ni Mommy o tsinelas ni Daddy. Maghanda na rin ng mga sumbrero at shawls dahil nakatutuwa itong paglaruan at isuot.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kaya na rin niyang gumamit ng kutsara at tinidor sa edad na ito, at uminom sa baso nang walang kalat. Alam na niya na ang kubyertos ay para sa pagsubo ng pagkain, ang gunting ay panggupit, ang laruang kutsilyo ay panghiwa, at ang baso ay para sa mga inumin. Makikita rin niyang paglalaruan ang mga gamit sa bahay tulad ng remote control, at magkukunwaring ito ay cell phone ni Daddy. Ito na ang mga paborito niyang gawin dahil halos lahat ng nakikita niyang ginagawa ng mga matatanda ay ginagaya niya.

Tips

Paborito pa rin niya ang kantang “Paa, tuhod, balikat, ulo” habang tinuturo ang mga bahagi ng katawan at mukha. Kantahin ang mga awit na may kinalaman o gamit ang mga bahagi ng katawan tulad ng “Daddy Finger” o “Where is Thumb Man”.

Kaya na rin ng iyong toddler na sumunod sa mga utos at pakiusap, tulad ng “Maupo muna tayo” o “Kain na”. Hindi lang siya maaasahan na manatili sa pagkakaupo nang matagal, kaya’t habaan ang pasensiya at maging “firm” din sa pinapagawa sa kaniya.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

May mga paborito na siyang kumot, laruan, unan ngayon edad na ito. Kapag may tantrums siya, makakatulong ang mga paboritong bagay na ito para kumalma ang bata.

Lahat ng bata ay may kani-kaniyang oras ng pagkatuto. Huwag madaliin ang development, at hayaan siyang tuklasin ang sariling kakayahan at hilig sa araw-araw na paglalaro niya.

Kung napapansin na hindi pa rin nagsasalita ang iyong toddler, hindi ito naglilikot, at hindi man lang tumitingin sa iyo, ikunsulta ito sa kaniyang pediatrician.

Social at Emotional Development

Puno ng pagmamahal para sa iyo—at sa mundo—si baby! Gustung gusto niya ng yakap at halik, bagamat kakawala na siya kapag napatagal na. Mas gusto niya ng maikli at mabilis na yakap, dahil madami pa siyang gagawin!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Tips

Basahan ang iyong toddler araw araw, kahit na 20 minuto lang. Mahihirapan ka minsan na paupuin siya ng ganito katagal, pero masasanay din siya lalo na kung makikita niyang binubuksan mo ang paboritong storybook niya. Pumili ng mga kuwentong maikli, o kaya ay gumamit ng mga laruan o puppets sa pagkukuwento. May mga librong may saliw din na kanta tulad ng mga kwento ni Julia Donaldson at Eric Carle, kaya pag-aralan ito at ituro sa bata habang binabasa ang libro. Kung ayaw niyang maupo, huwag namang pilitin. Kapag nasa mood siya, makikita mong kusa siyang uupo. Mas gusto ng mga toddler ang may interaksiyon, at nakikipaglaro pa rin sa mga adults.

Magsisimula na siyang magpakita ng social awareness, kaya matuwa kapag nag-aabot ng laruan si baby sa kalaro niya. Turuan siya ng salitang sharing at kung bakit ito mahalaga. Hindi niya kaagad matututunan pero di magtatagal ay maiintindihan din niya ito.

Mas makakabuti ang paghihikayat sa mga ginagawa niyang positibo, kaysa ang pagalitan siya kapag may mali. Maikli lang ang attention span niya kaya’t gumamit ng maikli at simpleng salita at huwag pigilan kapag gusto niyang tumigil sa isang gawain para maglaro ng iba pa.

Kung napapansin na hindi aktibo ang bata at parang walang interes palagi sa paglalaro o paglilikot, palaging nakaupo o nakahiga, ikunsulta sa doktor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Speech at Language Development

Karaniwang natututong magsalita ang bata mula edad 8 hanggang 24 na buwan. Huwag mag-alala kung hindi pa bihasa sa pagsasalita ang iyong toddler. May mga late bloomers at early birds, pero lahat ay magiging pare-pareho ang kakayahan pagdating na ng 4 na taon. Basta’t patuloy na kinakausap, kinakantahan at binabasahan ng libro ang bata, mabilis siyang makakapulot ng mga salita at pamamaraan ng paggamit nito sa pakikipag-usap.

Tips

Kung ang bata ay may higit na isang wika o lengwahe, tulad ng English o Mandarin, o kaya ay Cebuano o Bisaya, at kinakausap siya sa mga wikang ito, may mapupulot siyang iba’t ibang salita sa mga wikang ito at minsan ay pagsasamahin niya sa isang pangungusap o kataga. Walang masama dito. Pagdating niya sa edad na papasok na sa eskwelahan, malalaman niya ang pagkakaiba at maiintindihan niya kung kanino at kailan niya gagamitin ang wika.

Sa ngayon, ang mga magulang ang pinakaimportanteng teacher ng bata, kaya’t kausapin siya ng malinaw, iwasan ang baby talk, at gamitin palagi ang mga salitang gusto ninyong matutunan ng bata, sa wikang gusto ninyong gamitin din niya.

Kung may pacifier o dummy pa ang iyong toddler, unti unti nang alisin ito. Sa umpisa lang siya iiyak, pero paniguradong handa na siyang mawalay dito dahil madaldal na siya. Makakahadlang pa ito sa pagsasalita niya, at makakaapekto sa pagtubo ng ngipin niya.

Kalusugan at Nutrisyon

Oo, makalat pa rin minsan ang pagkain ni baby. Huwag mabahala dito. Maglagay lang ng sapin sa sahig at bib sa bata para maiwasan ang mantsa sa mga gamit at damit. Patapusin muna siyang kumain bago maglinis o magpunas kundi ay mapapagod ka lang kakalinis. Ituro din ang pangalan ng mga pagkain para alam na niya sa susunod kung ano ang hinahain sa kaniya, at masasabi niya kung ano ang paborito niyang pagkain.

Pwede na ring magsimulang ipakilala ang sepilyo at paglilinis ng ngipin kay baby. Turuan siya at gawing kagiliw-giliw na habit ito pagkatapos kumain.

Ang mga batang 19 buwang gulang ay karaniwang may bigat na 9.8kg hanggang 12.2 kg, at ang taas ay nasa 79.6cm hanggang 85.0 cm.

Tips

Kahit makalat pa siya sa pagkain, ipagamit pa rin ang kutsara o tinidor sa kaniya. Itanong sa doktor kung kakailanganin ba ng karagdagang vitamins tulad ng A,C at D.

Gawing masaya ang mealtime. Bigyan ng mga prutas at gulay na iba’t ibang kulay, at gawing mga hugis ng hayop, sasakyan at iba pang bagay. Huwag kalimutan ang mga karne na mayaman sa protina, na kailangan niya para mabawi ang energy na nagagamit niya. Mainam pa rin ang gatas, lalo ang gatas ng ina, pero limitahan sa hindi lalagpas ng 600 ml ng gatas sa kada araw.

Patikimin pa rin siya ng iba’t ibang putahe at pagkain, para masanay sa iba’t ibang texture at lasa. Samahan siyang kumain at ipakitang masarap ang mga ito. May mga batang mapili sa pagkain. Normal lang ito, kaya’t huwag pilitin. Unti-untiin at huwag biglain para makasanayan din niya ang lasa.

Makikita din siyang nagsusubo at kumakagat sa mga laruan, lalo na mga malalambot na bagay. Siguraduhing nililinis o hinuhugasan ang mga laruan at gamit sa bahay para maiwasan ang pagtatae dahil sa aksidenteng pagkain ng dumi galing sa mga sinusubo.

Maging alisto, bilang magulang. Huwag hayaang may mga nakakalat na pagkain sa sahig dahil pupulutin ito ng bata at kakainin. Itago ang mga maliliit na bagay na maaaring choking hazard sa bata. Pati ang mga pagkain ay siguraduhing kayang nguyain o hindi babara sa lalamunan tulad ng grapes at mga mabutong pagkain.

May mga batang nahihirapan sa pagdumi o nakakaranas ng constipation sa edad na ito kung walang sapat na liquid intake, lalo na ng tubig. Sanayin ang bata na uminom ng tubig a maghapon, lalo kung mainit.

May mga nagsisimula nang mag-potty train, kundi pa nakapagsimula nang mas maaga. Basta’t nagsimula na kasing magsalita at magsabi ng nararamdaman, maaaring turuan na sa edad na ito. Mas kaya na rin kasi ng bata na mag-kontrol lalo ng ihi, bagamat maaaring mas matagal masanay sa pagdumi. Kausapin ang bata tungkol sa potty training bago tuluyang isabak siya. Magkaron ng trial at ihanda ang sarili sa paglilinis ng mga “pee accidents”, pati na “poop accidents”.

<for the visual>

19 Buwan

Mastered Skills

  • gumamit ng kubyertos
  • nakakatakbo sa hardin at parke
  • kayang magbato ng bola
  • naglalaro ng clay o play dough
  • kayang magsabi ng mga katagang may 2 o higit pang salita

Emerging Skills

  • nakakaintindi ng hanggang 200 salita
  • alam niya kung may mali sa sinasabi ng iba (kapag sinabi ng isang bata na “pusa” ang isang “aso”

Advanced Skills

  • nakakapaghugas at nagtutuyo ng mga kamay nang walang tulong
  • naituturo ang mga larawan o bagay kapag sinabi ang pangalan
  • nakapagsasabi na kung kailangan niyang mag-banyo para umihi

Source: WebMD

Isinalin mula sa wikang Ingles ni ANNA SANTOS VILLAR

sg.theasianparent.com/toddler-development-19-months/