Congratulations, mommy! Ang iyong 1 week na sanggol ay napakaganda! Siyam na buwan sa iyong tiyan, isang linngo sa iyong braso. Kahit pa ang tingin mo ay wala masyadong development sa kanyang unang linggo, marami kang maaaring abangan.
Alamin natin kung ano ang mga ito.
Development ng 1 week na sanggol
Pisikal na development
Ang iyong 1 week na sanggol ay magdedevelop pa ng taba ng ilang buwan bago siya magmukhang Michelin Man. Pero kahit ganon, siya parin ang pinaka-magandang baby sa balat ng lupa. Maaaring mukhang masyadong malaki ang ulo niya para sa kanyang katawan, at ang mga braso at hita ay parang masyadong mahaba. Normal lamang ito.
Kahit pa buong araw mo siyang titigan, huwag mag-alala kung hindi ka niya titigan pabalik. Ang kanyang paningin ay patuloy pang nade-develop at siya ay kasalukuyang near sighted. Kaya imbes na tumingin siya sa mga maa mo, mapapansin na siya ay tumitingin sa iyong kilay, hairline, o bibig. Maaari din siyang maduling. Lahat ito ay normal na nangyayari.
Tulungan siyang patibayin ang kanyang paningin sa dahan dahang paggalaw ng iyong ulo pagilid. Tignan mo kung sundan ka niya ng tingin. Sa paggawa nito, napapalakas ang kanyang muscles sa mata.
Isa pa, imbes na makulay na mga laruan, pumili ng mga high-contrast na kulay tulad ng itim, puti at pula. Hanggang siya ay maging anim na buwang gulang, ito ang mga kulay na pinaka-nakikita niya, kaya nakakatulong sa pagpapalakas at development ng kanyang paningin.
Maaaring napatanggal na ang kanyang umbilical stump 24 oras matapos mapanganak. Kung hindi pa, maaari na itong ipaalis bago umalis ng ospital upang hindi makagambala sa pagpalit ng diapers.
Ano dapat ang itsura ng kanyang umbilical stump?
Matapos mapanganak, ito ay maputi at makintab. Sa mga susunod na linggo, ang stump ay tila matutuyo at gagaling, magbabago ang kulay at nagiging brown, gray o itim.
Kadalasan itong kusang natatanggal. Ang tamang pag-alaga sa stump ay mahalaga upang itaguyod ang paggaling at pag-iwas sa impeksiyon. Mangyaring basahin itong comprehensive guide on stump care para sa mas maraming impormasyon.
Ang kanyang ari at dibdib at tila mamamaga. Huwag itong alalahanin dahil normal itong nangyayari. Ito ay dahil sa hormones na kanyang nakukuha habang hindi pa napapanganak.
Isa pa, siya ay maaaring maraming makakapal na balahibo sa kanyang likod, balikat at noo. Kilala ang mga buhok na ito bilang lanugo, at pumo-protekta sa kanyang balat sa utero. Malalagas din ito matapos ang ilang linggo.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Mayroong oozy na umbilical stump na nangangamoy
Kognitibong development
Isang linggo pa lamang nung siya’y naipanganak, ngunit kilalang kilala ka na niya. Kilala niya ang iyong boses sa pagsalita at pagkanta mo sakanya nung hindi pa siya naipapanganak, at kilala niya ang iyong paghawak sa paghimas mo sa iyong tiyan nung ipinagbubuntis pa siya. Siya nuon ay sumasagot sa pagsipa. Ngayon, kilala niya narin ang iyong amoy sa paglatch niya sa iyo para magbreastfeed.
Ang iyong paghawak, pagmamahal at boses ay samasamang nagbibigay ng seguridad sa iyong baby. Ngunit alam mo ba na mas tumutugon ang isip ng baby at mas nadedevolop siya dahil sa mga ito? Kaya ipagpatuloy siyang kausapin at mahalin, sa kaalaman na pinapalakas nito ang kanyang emosyonal at kognitibong development.
Kalusugan at nutrisyon
Sa puntong ito, ang tanging mapagkukunan niya ng sustansya ay ang iyong breastmilk.
Ang breastmilk ay naglalaman ng mga mahahalagang nutrients – tulad ng antibodies at iba’t ibang minerals at bitamina – na walang makakapantay. Nakakatulong ang mga ito protektahan ang iyong 1 week na sanggol mula sa mga sakit habang dinedevelop ang kanyang immunity.
Malamang na napakinabangan niya na ang iyong “golden milk,” o ang colostrum na ibinigay mo sa kanyang pagkapanganak. Sa katotohanan, maaaring patuloy mo itong nailalabas. Subalit, mga ilang araw sa pagkapanganak ng iyong baby, nagbabago ang nilalaman ng iyong breastmilk ayon sa kinakailangan ng iyong baby.
May ilang kailangang tandaan sa pagpapasuso sa iyong 1 week na sanggol para ngayon at sa mga susunod na linggo:
- Feed on demand. Alam natin na ikaw ay pagod at puyat. Tibayan ang iyong sarili. Kasabay nito, walang kontrol ang iyong baby sa kanyang pagkain o pagtulog at dapat pakainin kung manghingi. Ibig sabihin, maging mapagmasid para sa mga senyales ng pagkagutom: di mapirme, pag-tungo ng ulo, pagsipsip sa kamay, paggalaw ng bibig. Ito ang mga senyales na handa na siya para sa iyong gatas!
- Hindi kailangan na lagyan ng supplement ang kanyang pagkain. Ang kanyang sikmura ay kasing laki lamang ng holen at ang ano mang sumobra dito ay kanya ring isusuka.
- Dadami na ang iyong gatas sa ikatlo hanggang ika-limang araw. Maaari nating maranasan ang “let-down” na senyales ng dagdag sa produksyon ng gatas.
- Maaaring makaranas ng engorgement sa pagdami ng gatas. Kailangang siguraduhin na naka-latch nang maayos ang baby at madalas upang maubos ang gatas.
- Kung sobrang puno ang dibdib na nagiging flat na ang nipples, mahihirapan mag-latch ang baby. Subukang mag hand-express ng gatas.
Tandaan, kung may problema sa pagpapasuso, makipag-usap agad sa duktor o sa isang lactation consultant.
Ang mga pinapasusong baby ay gagaan ang timbang sa unang 3 araw. Normal lamang ito. Ang lima hanggang pitong porsyento at pasok pa sa normal.
Pagdating sa kanyang kalusugan, tandaan na nadedevelop pa ang kanyang immune system kaya siya ay madaling makapitan ng sakit. Huwag siya hayaang i-kiss ng ibang tao, lalo na sa mukha at kamay. Isa pa, paalalahanan ang mga kamag-anak na iwasang halikan ang baby sa mukha, at na maghugas ng kamay bago siya hawakan.
Pagka-panganak, dapat ay matanggap niya ang mga sumusunod na bakuna:
- BCG: Immunisation against Tuberculosis
- Hepatitis B – 1st dose: Immunisation laban sa Hepatitis B
Tandaan na dalawa o tatlong araw matapos ang BCG na bakuna, ang isang maliit na pulang bukol ay lalabas sa injection site. Maari itong lumaki at magdevelop bilang ulcer na may langib sa ibabaw. May maiiwang peklat pagkawala ng langib. Normal na reaksyon ito at hindi isang side effect.
Upang malaman ang susunod na bakuna, mangyaring kumainsulta sa gabay na ito.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Mayroon kahit na sinat lamang (lagpas 37 degrees Celsius)
- Hirap sa pagpapasuso o paglatch
- Tila may maliit na fontanelle (malambot na bahagi sa ulo) — maaaring senyales ito ng pagkuhaw
- Mahulog sa ano mang paraan
Pagaalaga sa newborn
Mahalaga ang pag-check sa diaper sa mga unang linggo ng iyong baby upang masigurado na nakakakain siya ng sapat.
Matapos dumami ang iyong gatas, mapapansin na ang kanyang dumi ay nagiging greeny-brown ang kulay. Matapos nito, magiging madilaw at magkakaroon ng butil-butil at tila mustard ang itsura. Mapapansin din na masdadalas ang basang diapers kasabay ng pagdami ng naiinom na gatas.
Ang isang 1 week na sanggol ay kadalasang may tatlo hanggang limang pagdumi sa loob ng 24 oras. Subalit, nagiiba ito sa bawat baby. Ang ilan ay dudumi matapos kumain habang ang iba naman ay dudumi nang marami matapos ang ilang pagkain.
Pagdating sa basang diapers, nasa lima haggang anim na beses kada araw.
Maaaring nakakatakot ang pagpapaligo sa bagong panganak. Ngunit, gamit ang aming step-by-step guide, madadalian ka. Basahin dito.
Kaligtasan ng bagong panganak
Tandaan na maselan pa ang iyong baby. Hawakan ang kanyang leeg kapag buhat at sa pagpapaligo. Maging lubos na maingat sa malambot na bahagi ng kanyang ulo.
Upang maiwasan ang Sudden Infant Death Syndrome (SIDS), tandaan na lagi siyang patulugin nang naka-higa. Huwag punuin ang kanyang tulugan ng unan, kumot o laruan.
Wellness ng bagong magulang
Ang mabilis na pagbabago mula sa pagbubuntis papunta sa pagkakaroon ng sariling baby ay napakalaki. Dahil dito, siguraduhin na marami kang suporta lalo na sa mga unang araw ng pagiging ina.
Ang tanging bagay na hidi nagagawa ng iyong partner ay ang pagpapasuso. Ngunit, makakatulong din siya dito sa pagsigurado na ikaw ay hydrated habang nagpapasuso at iba pa. Hatiin ang mga gawain tulad ng pagpapaligo sa baby at pagpapalit ng diapers.
Maaari din i-konsider ang tradisyonal na post-natal massage na maganda sa kalusugan ng mga bagong ina.
Tandaan na maraming emosyon at hormones sa iyong sistema at normal na maramdaman na overwhelmed minsan. Subalit, kung hindi pangkaraniwang depression, walang bonding o nararamdaman sa anak, magpakonsulta agad sa iyong duktor.
Congratulations ulit, mommy! Nagsisimula palang ang iyong paglalakbay.
Reference: WebMD
Next week: Your 2 week old baby
Also read: The newborn head: soft spots, flat heads and more