Sa ngayon, magsisimula mo nang maisip na ang mga nararamdaman nuon na gumagalaw sa iyong sinapupunan ay nasa harap mo na. Tama – ikaw ay ina ng isang 2 week na sanggol! Congratulations sa pagtawid sa isang linggo ng pagiging ina.
Kahit pa lagpas isang linggo palang nung ikaw ay nanganak, mayroon paring mga pagbabago at paglaki sa iyong anak na dapat mong abangan.
Ito ang sulyap sa development at milestones ng iyong 2 week na sanggol.
Development ng 1 week na sanggol
Pisikal na development
Sa ikalawang linggo, ang ilang mga sanggol ay nabawi na ang nawalang timbang sa kanilang unang linggo habang ang iba ay papunta pa lamang dito. Makikita ang pagbabago pagdating ng ika-10 hanggang 14 na araw, kasabay ng tamang pagdaloy ng iyong gatas.
Sa pagbigat muli ng iyong baby, magtutuloy-tuloy ito nang nasa 25 grams bawat araw. Ngunit hindi ito mangyayari sa paraan na maaasahan, malamang sa pabago-bagon paraan.
Maaaring may kaunti siyang buhok o marami. Kung kakaunti lang, makikitang dadami ito sa mga susunod na buwan.
Mapapansin din ang higpit ng hawak niya sa iyong daliri. Kilala ito bilang palmar grasp reflex. Upang matuto pa sa ibang reflex ng sanggol, i-click ito.
Ang pagaalaga sa umbilical cord ay kakailanganin parin kung ang stump ay hindi pa nahuhulog. Panatilihin itong tuyo hangga’t maaari, ay kusa itong matatanggal bago matapos ang linggo.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Mabilis na nababawasan ang timbang
- Namumula ang umbilical stump, namamaga ang paligid o may di kanais-nais na amoy
Kognitibong development
Sa ikalawang linggo, magsisimula na siyang mag-react sa mga tunog at ilaw. Ito ang dahilan kung bakit and swaddling ay nakakatulong sa pagkontrol ng pagkagulat lalo na sa kanilang pagtulog. Kahit pa hindi gaanong developed ang kanilang paningin, mapapansin silang tumitingin sa mga mukha ninyong mag-asawa.
Wala pa siyang masyadong personalidad at maaring isipin na ang ginagawa niya lamang ay matulog, kumain at dumumi. Subalit, ang totoo ay pinapagana ng breast milk ang development ng kanyang isip sa paggalaw niya sa pagtuog at pagiging alerto.
Ang pagtulog na kanyang ginagawa ay nakakatulong din sa paglaki ng kanyang isip at katawan. Sa linggong ito, kanyang makikilala ang iyong boses at amoy. Gustong gusto din niyang hinahawakan ay binubuhat mo.
Ayon sa mga pag-aaral, ang pagbuhat sa baby ay nakakatulogn sa brain development at mabilis na paglaki. Kaya lambingin ang iyong 2 week na sanggol ng mg yakap, halik at skin-to-skin time.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Hindi nagugulat sa mga ingay
- Hindi sinusubukang pagmasdan ka
Kalusugan at nutrisyon
Masayang masaya ang iyong anak sa iyong breastmilk, at ito lamang ang kailangan niya upang matugonan ang kinakailangang sustansya. Hindi ito kailangang dagdagan ng kahit ano, kahit pa tubig o juice.
Sa ngayon, ang iyong gatas ay malakas na at maaaring mayroon nang breastfeeding pattern.
Malamang na ang kanyang pagsuso ay kada 1.5 hanggang 3 oras, humigit-kumulang 15 minuto bawat breast. Gayunpaman, hindi kailangang orasan ang pagkain ng baby. Pakainin siya kung kailangan niya at alamin na sa ganito, hindi lamang sila binibigyang sustansya, binibigyan din siya ng kaginhawaan at seguridad.
Kung nahihirapan magpasuso, magpakonsulta agad sa pediatrician. Makakatulong siya upang maituro ka sa tamang paraan.
Pagdating sa kalusugan ng iyong 2 week na sanggol, colic ang pinaka-karaniwang pagdaraanan. Maaring dahil ito sa maling pag-latch sa pagpapasuso, kung saan masmarami siyang nakukuhang tubig kaysa gatas na nagiging sanhi ng tiyan na puno ng hangin.
Kusa itong nawawala ngunit ang hindi mapigilang pag-iyak kahit matapos siyang pakainin ay bak dahil sa colic. Maaari siyang masahihin sa tiyan gamit ang palad sa clockwise na pagglaw. Ang dahan dahang pag-cycle ng kanyang mga paa ay makakatulong din.
Subalit, kung magpatuloy ang kawalan ng ginhawa ng baby, kumonsulta na sa duktor.
Pagdatinga bakuna, ang iyong 2 week na sanggol ay dapat nakatanggap na ng:
- BCG : Immunisation laban sa Tuberculosis
- Hepatitis B – first dose: Immunisation laban sa Hepatitis B
Tandaan na dalawa o tatlong linggo matapos ang BCG na bakuna, ang isang maliit na pulang bukol ay lalabas sa injection site. Maari itong lumaki at magdevelop bilang ulcer na may langib sa ibabaw. May maiiwang peklat pagkawala ng langib. Normal na reaksyon ito at hindi isang side effect.
Upang malaman ang susunod na bakuna, mangyaring kumainsulta sa gabay na ito.
Ang iyong baby ay antukin at maaaring mahirapang manatiling gising nang lagpas 2 oras. Sa daan ng mga buwan, makakakita ng mas regular na sleep-wake pattern.
Sa 2 linggong edad, makakakuha ng nasa anim hanggang walang basang diaper sa isang araw.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Still has jaundice. While some jaundice is normal at birth, if the yellowish tone lingers on, see a doctor.
- Has rashes around his mouth, or redness in the creases of his neck. The doctor may give you a mild topical treatment.
- Has blocked tear ducts, indicated by discharge from the eyes. While some mums suggest applying a drop or two of breastmilk, it’s always best to check with a paediatrician first.
- Does not have enough wet nappies.
- Mayroon paring jaundice. Kahit pa normal ito sa pagkapanganak, kung naninilaw parin ang bata, magpakonsulta na sa duktor.
- May mga pantal sa paligid ng bibig, o pamumula sa leeg. Maaaring resetahan ng topical treatment.
- May baradong tear ducts na makikita sa discharge mula sa mga mata. Kahit pa minumungkahi ng ibang ina na patakan ito ng breastmilk, mas maganda parin na magpakonsulta muna sa pediatrician.
- Walang sapat na basang diapers.
Pagaalaga sa newborn
Ang iyong sanggol ay lubos parin na delikado kaya dapat maging maingay sa pagbubuhat o pagpapaligo sa kanya. Ang kanyang leeg ay dapat na laging inaalalayan dahil wala pa itong sapat na lakas upang suportahan ang kanyang ulo.
Upang mahikayat ang pagdevelop ng muscles sa leeg, maaari na siyang simulan mag tummy time ngayon palang, ngunit sandali lamang at nasa masugid na pagbabantay.
Sa edad na ito, hindi pa niya kailangang mapaliguan araw-araw upang hindi matanggal ang moisture ng kanyang balat. Maaari itong magdulot ng pagtuyo ng balat at mga pantal. Maliban kung ang panahon ay masyadong mainit, manatili sa pagpapaligo bawat isa pang araw. Ang malumanay na pagpunas gamit ang mamasa-masang malambot na washcloth ay sapat na para sa ibang mga araw.
Kaligtasan ng bagong panganak
Maaaring mayroon siyang mga kuko na tila sadyang inayos. Gaano pa man kaganda ang mga ito, matutulis ito at maaaring maka-sugat sa kanyang balat kung magulat at magkamot ng mukha.
Gumamit ng baby nail cutter upang gupitin ito habang siya ay tulog o sumususo. Maaari rin itong dahan dahang kagatin! Gumamit ng mittens kung kailangan.
Ang kanyang ulo ay maselan pa, at ang malambot na bahagi ng ulo ay masyado pang mahina. Maging maingat sa paghugas ng kanyang ulo, at huwag itong ipahawak sa mga batang nakakatanda. Huwag iwanan ang bagong panganak na sanggol sa mga nakakatandang kapatid.
Tandaan na lagi siyang ihiga sa crib para matulog, upang maiwasan ang panganib ng Sudden Infant Death Syndrome. Iwasan ang paglalagay ng sobrang kumot o unan.
Kailan ko-konsulta sa iyong duktor
Kung ang iyong baby ay:
- Has a bulging fontanelle. This could indicate dehydration.
- May magang fontanelle. Maaaring nagpapahiwatig ito ng dehydration.
Wellness ng bagong magulang
Kahit gaano man kasabik na maging magulang, nakakapagod parin. Sa totoo, ito ang bahagi ng pagiging ina kung saan maaaring makaramdam ng baby blues. Kahit gaano pa kamahal ang 2 week na sanggol, kailangan din alagaan ang sarili.
Dahil sa pagbabago sa hormones at kakulangan ng tulog, maaaring ma-overwhelm at maging iritable. Normal ito. Ngunit ito rin ang dahilan kung bakit kailangan ng pagmamahal at suporta mula sa pamilya at mga kaibigan.
Sa ikalawang linggo ng buhay ng baby, makukuha mo na ang kailangan upang makatulog din: Sabayan ang baby sa pagtulog o makipagpalitan sa asawa upang mapaghatian ang gawain at mapanatili ang kalusugan.
Tandaan, ito ay self-discovery journey at bawat magulang ay iba-iba ang karanasan. Ang pagtutulad sa iba ay makakasama lamang. Ang pakiramdam na guilty ay madaling makuha pagdaing sa hindi pagiging sapat o pagkalimot sa maliliit na detalya. Ngunit tandaan na hindi ito ang kaso.
Kung ang pakiramdam ay hindi kinakaya, o nakakaramdam ng lubos na kalungkutan, mangyaring lumapit agad sa iyong duktor.
Also Read: Baby development and milestones: your 3 month old
The previous week: 1 Week Old Baby Development
The next week: 3 Week Old Baby Development
Reference: Web MD