Parang kahapon lang nang nagdiwang ng ika-4na taon ang iyong anak at ngayon, sa 4 taon 11 buwang gulang, siya ay halos handa na para sa kindergarten! Habang pinapa-saya ka ng kakulitan, pagkaya sa sarili, at kadaldalan ng iyong 4 taon 11 buwang gulang, alamin ang iba pang mga developments na aabangan mo ngayong buwan.
Alalahanin lamang na ang mga ito ay tanging pangkalahatang mga alituntunin dahil ang bawat bata ay nade-develop sa sariling bilis. Kung nagaalala tungkol sa paglaki ng anak o may mga tanong tungkol sa kanyang development, mangyaring magpakonsulta sa duktor.
Ang iyong 4 taon 11 buwang gulang ay handa nang galugarin ang mundo. | Source: Max Pixel
Development ng 4 Taon 11 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Pisikal na development
Ang iyong 4 taon 11 buwang gulang ay hindi na malamyang bata at ngayon ay mas koordinado at tumpak sa paggalaw.
Sa puntong it, nawala na niya ang karamihan sa kanyang baby fat at napapalitan na ng muscle.
Ang kabuuan ng kanyang motor skills at fine motor skills ay nade-develop nang mabilis. Siya na ay madali nang lumukso, lumaktaw, tumakbo at tumalon, at nakakagawa ng dalawang bagay nang magkasama – tulad ng tumatakbo sabay lundag sa isang bagay.
Sa puntong ito, nagagawa na ng iyong anak ang mga sumusunod:
- Magbalanse sa isang paa nang ilang segundo
- Alam ang kanyang kaliwa at kanan
- Nakakagawa na ng “kakaibang” gawain, tulad ng pagbukas-sara ng takip ng bote
- Nakakapag-hubad nang walang tulong
- Gumamit ng kubeta nang walang tulong
- Tamang pag-hawak ng gunting na pambata
- Nakaka-hawak ng lapis gamit ang tatlong daliri lamang
Kahit pa ang iyong 4 taon 11 buwang gulang ay fully potty trained na, minsan parin siyang maiihi sa kama. Ang kanyang kontrol sa muscles at pantog ay nade-develop pa kaya huwag magalala tungkol sa pag-ihi sa kama.
Mga tip:
- Bigyan ang bata ng oras para gumalugad at maglaro sa labas. Hayaan siyang tumakbo at gumamit ng lakas habang patuloy na dinedevelop ang kanyang koordinasyon.
- Dalhin siya sa palaruan at hayaang matutong gumamit ng mga bagong equipment.
- Ang mga extrang aktibidad tulad ng paglangoy, karate, ballet o musika ay nakakatulong sa pag-hasa ng muscles at koordinasyon, at nakakapagturo ng mga bagong kakayahan.
- Turuan siya ng mabuting asak sa hapag-kainan at ng tamang paggamit ng mga kagamitan sa kusina.
- Ipatulong siya sa mga simpleng gawaing bahay – pagtutupi ng labada, paghahanda ng hapag-kainan, paghugas ng mga pinag-kainan. Tinuturian siya nito ng responsibilidad at hinahasa ang fine motor skills.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung mapansin na ang bata ay hindi nagpapakita ng mga kakayahan na nabanggit, dahil hin siya sa duktor para sa pagsusuri. Ang ilang senyales na kailangan bantayan ay:
- Pagiging malamya – madalas na napapatid sa paglalakad o pagtakbo
- Hindi nakakasulat ng mga letra o guhit ng mga simpleng hugis
- Nahihirapan hubaran ang sarili
Kognitibong development
Maaring siya ay nasa kindergarten na, o magsisimula sa sunod na buwan. Sa pag-absorb at pagtuto ng mga bagong kaalaman ng iyong 4 taon 11 buwang gulang, ang kanyang kognitibong development ay nangunguna. Ang ilang milestones na makikita sa anak ay:
- Pagbibilang hanggang sampu o higit pa
- Nakakaguhit ng mga tao na may mga katawan
- Nakakakilala ng mga kagamitan sa bahay na ginagamit araw-araw
- Nakakakilaala ng hindi bababa sa 4 na kulay
- Nakakapag-sulat ng ilang letra at numero
- May mas-maayos na pagkakaunawa sa konsepto ng oras at pera
Mga tip:
- Hikayatin ang anag gumuhit. Nagpapasigla ito ng pagkamalikhain at imahinasyon at nagdedevelop ng motor skills.
- Gumawa ng DIY na proyekto nang magkasama ngunit hayaan siyang mamuno dito.
- Mag basa nang magkasama. Ang pagbabasa nang magkasama, pagku-kuwento ng mga istorya at pag-awit ng mga kanta ay nakakahikayat sa kognitibong at wika na development.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Hindi siya naglalaro ng pagpapanggap – halimbawa, kunyari siya ay tatay o robot/superhero
- Kapag hindi siya nakakasunod sa mga utos na may dalawang bahagi – halimbawa, kunin ang libro at ilagay sa kahon
Social at emosyonal na development
Ang iyong anak ay nagsisimula nang magkaroon ng mga bagong kaibigan ay bumuo ng relasyon sa mga hindi kamag-anak (ibang mga bata at mga guro). Marahil siya ay isang social butterfly at gustong mapasaya ang iba.
Sa ngayon, ang iyong anak ay may kamalayan na sa mga kasarian at mga parte ng katawan. Ang iyong 4 taon 11 buwang anak ay magpapakita ng pagkamalaya at kayang makilala ang pinagkaiba ng kathang-isip at katotohanan.
Kahit pa parang malaki na siya, makakaranas parin ng tantrums, pagwawala at mga lubos na emosyon. Huwag mag-alala kung mahuling nagsisinungaling ang bata (halimbawa, sabihin niyang hindi niya ginawa kahit ginawa talaga), dahil ito ay normal na bahagi ng development sa kanyang edad.
Mga tip:
- Turuan ang bata ng mga paraan ng pagkontrol sa mga pakiramdam tulad ng galit at pagkabigo.
- Tulungan siyang matutong magpahiram, mag-ayos ng hindi pagkakaunawaan sa mga kaibigan at matutong magbigay at kumuha.
- Bigyan siya ng buong atensyon kapag kinakausap ka. Ipakita sakanya na ikaw ay nandyan at nakikinig. Tanungin siya tungkol sa mga gusto at ayaw niya. Tulungan siyang iparating ang sarili nang mas-maayos.
- Hikayatin siyang maglaro, sumayaw, umawit! Maging makulit at tawanan ang mga nakakatawang bagay.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang bata ay madalas na malungkot o laging galit
- Hindi nagpapakita ng interes na makipaglaro sa ibang bata
- Hindi nagpapakita ng emosyon o nakikihalubilo sa mga tao
Ang iyong anak ay patuloy na makakaranas ng tantrums at pagwawala. | Source: Max Pixel
Pagsasalita at wika na development
Ito ang pinaka-magandang edad para umupo at magkaroon ng magandang pakikipag-usap sa anak. Ikaw ay mamumulat sa mundong puno ng saya at imahinasyon. Sa 4 taon11 buwang gulang, ang iyong anak at maipaparating ang sarili sa mga salita.
Siya ay nakakapag-salita nang maayos at naiin tindihan ng mattanda at kayang umintindi ng mga komplikadong tagubilin. Kaya niyang umalala ng parte ng istorya at makakapag kuwento nang mas mahahabang istorya. Hindi lang siya madaldal, kaya din niya sabihin ang ninanais, gamitin ang mga hinaharap na tense at maunawaan din ang positional na bokabularyo – halimbawa ay katabi, sa taas ng, sa ilalim.
Kaya din niyang:
- Sabihin ang buong panggalan at address
- Nakakapag-bigkas ng mga pangungusap na may hanggang 9 na salita
- Nakakapag salita nang malinaw ay naiintindihan (kadalasan) ng ibang tao
- Makapag-kwento ng mga komplikadong pangyayari na naranasan sa kanyang araw, o sa isang istorya
- Kadalasang gumagamit ng tamang tense
Mga tip:
- Ipagpatuloy ang pagbabasa sa anak. Patuloy na lalawak ang kanyang bokabularyo at ihahanda siya sa paaralan.
- Magbigay ng oras para sa mapanlikha at malikhaing paglalaro tulad ng pagpipinta, pag-guhit, at paggawa ng musika.
- Makipag-usap sa anak at tanungin siya tungkol sa kanyang araw at naranasan sa paaralan, parke, at iba pa.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kapag hindi pa niya kayang sabihin ang buong panggalan
- Hindi gumagamit ng pangmaramihan kapag nagsasalita
- Hindi nagssabi tungkol sa araw-araw na aktibidad at karanasan
Maraming pagpapahayag at pakikipag-usap ang magagawa kasama ang anak. | Source: Max Pixel
Kalusugan at nutrisyon
Sa taon na ito, ang iyong 4 taon 11 buwang gulang ay tatangkad nang 2-3 pulgada at bibigat nang 2-3 kilo.
Mahalaga na ang bata ay may balansend diet upang patuloy na lumaki nang masigla. Siya rin ay dapat kumakain nang nasa 1,200 calories sa isang araw, o mas marami pa depende sa araw-araw na aktibidad. Ang mga bata sa edad na ito ay kadalasang mapili sa pagkain. Gawin ang makakaya na maisama ang balanseng diet upang makuha niya ang kailangan na sustansya.
Para sa laki ng mga bahagi, ito ang ilang minumungkahing gabay:
|
Uri ng pagkain
|
Inirekumendang laki ng bahagi
|
Grains (6 maliliit na paghain araw-araw) |
½ hiwa ng tinapay
⅓ tasa ng lutong kainin/pasta
½ tasa ng tuyong cereal
3-4 crackers |
Fats (3-4 na paghain araw-araw) |
1 kutsarita ng mantikilya/langis
|
Prutas at gulay (4-6 na paghain araw-araw) |
½ – 1 maliit na prutas
⅓ tasa ng 100% sariwang juice
¼ tasa ng lutong gulay
½ tasa ng salad |
Karne (2 na paghain araw-araw) |
30g karne (isada, manok, tokwa)
1 itlog
⅓ tasa ng peas at beans |
Gatas (2-3 na paghain araw-araw) |
½ tasa ng gatas
½ tasa ng yogurt
30g ng keso |
Mga bakuna at karaniwang sakit
Sa 4 taon 11 buwang gulang, karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. Siguraduhin na ang mga bakunang ito ay nakuha na bago siya maging 5 taong gulang. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
- Diphtheria, tetanus, and whooping cough (pertussis) (DTaP) (5th dose)
- Polio (IPV) (4th dose)
- Measles, mumps, and rubella (MMR) (2nd dose)
- Chickenpox (varicella) (2nd dose)
- Influenza (Flu) (every year)
Para sa iba pang sakit, asahan ang sipon at trangkaso dahil ang anak ay makakakuha ng virus sa preschool habang pinapalakas ang immune system.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang bata ay kulang o higit ang timbang
- Kung ang bata ay lubos na maselan sa pagkain
Previous month: 4 years 10 months
Next month: 5 years
References: WebMD, Healthy Children