Development at paglaki ng 3-taon at 6-buwan na bata

Anu-ano nga ba ang dapat asahan sa paglaki ng isang 3-taon at 6-buwang gulang na bata? Narito ang isang gabay sa development ng 42-buwan na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang bilis ng panahon. Konting buwan na lang at malapit ng mag-apat na taon ang iyong anak. Bagama’t nagkakaroon pa din siya paminsan-minsan ng tantrums, mas kaya na niya ngayon na kontrolin ang kaniyang emosyon at makihalubilo sa iba. Gustong-gusto niya ang maglaro lalo na ang tumakbo, tumalon, at tuklasin ang kaniyang paligid. Mas nagiging malikhain ang kaniyang pag-iisip at mas madami na siyang alam na salita sa ngayon—parte lahat ito ng development ng 42-buwan na bata.

Development ng 42-buwan na bata: Physical

Kabilang sa development ng 42-buwan na bata ang kakayanang tumakbo, tumalon, gumulong, sumayaw pati na din umakyat ng hagdan gamit ang magkabilang paa. Kaya na din niyang bumato at sumalo ng bola gamit ang kaniyang mga kamay.

Bukod sa gross motor skills, kaya na din niyang magbutones ng kaniyang damit, magpatong-patong ng mga blocks at bumuo ng puzzles.

Tips:

  • Gumawa ng cake kasama ang iyong anak. Hikayatin siyang tumulong sa mga gawain upang matuto.
  • Maglaro ng mga simpleng sports tulad ng pagsipa ng bola na tatamaan ang net.
  • Hikayatin siyang gumawa ng mga arts at crafts.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Makakabuting pumunta sa doctor kapag ang iyong anak ay:

  • Hirap umakyat ng hagdan o kaya ay humawak ng bola
  • Hirap humawak ng lapis o crayons

Development ng 42-buwan na bata: Social at Emotional

Ngayon na ang iyong anak ay tatlong taon at anim na buwan na, mas sanay na siyang makihalubilo sa ibang bata lalo na kung siya ay nagsimula nang mag-aral sa preschool. Marunong na din siyang magligpit ng kaniyang mga laruan at mag-share ng mga ito sa iba. Mayroon na din siyang mga kaibigan na kaparehas niya ng interes.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa edad na ito, malaking bahagi ng ang imahinasyon sa kaniyang mga laro.

May mga pagkakataon na hindi pa din maiiwasan ang tantrums lalo na kung hindi nasunod ang gusto ng iyong anak.

Tips:

  • Gabayan ang iyong anak sa pagbuo ng mga project na yari sa blocks, karton o kaya ay tela.
  • Hayaan ang iyong anak na pumili ng medyas at sapatos na gusto niya, at isuot ang mga ito. Makakatulong ito upang mas mapalakas ang kaniyang confidence at pagiging independent.
  • Hikayatin siyang maglaro gamit ang imahinasyon.
  • Gamitin ang mga panahon na ang iyong anak ay may tantrums para ituro sa kaniya kung paano kontrolin ang kaniyang emosyon.
  • Sa edad na ito, gustong-gusto ng mga bata na kasali sila sa mga gawain. Isama sila kapag namamalengke o kaya ay bigyan ng mga simpleng gawain sa bahay.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kung ang iyong anak ay hirap humiwalay sa iyo o sa kaniyang tagapag-alaga hanggang ngayon
  • Kung ang tantrums ng iyong anak ay nakakaabala sa pang-araw-araw na gawain, mabuting kumonsulta sa doctor kung paano ang tamang gawin para makontrol ito.

Development ng 42-buwan na bata: Language at Cognitive

Bahagi ng development ng 42-buwan na bata ang kakayanan na makipag-usap sa iba. Sa edad na ito, mas kaya na niyang sabihin ang iba’t ibang salita at gamitin ang mga ito sa pangungusap. Unti-unti na din siyang natututo sa tamang gamit ng mga pangngalan at pandiwa.

Hindi maiiwasan na may mga pagkakataon na ang iyong anak ay nalilito pa din sa iba’t ibang letra at numero,  pero mas kaya na niya ngayon kilalanin at sabihin ang mga ito.

Alam na din niya ang mga karaniwang bagay sa kaniyang paligid.

Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kausapin ang iyong anak at kumustahin ang kaniyang araw.
  • Maglaro ng mga listening games tulad ng “Simon Says…”
  • Lagi siyang tanungin tungkol sa kaniyang mga ginawa para mahasa ang kaniyang kakayanan na magpaliwanag
  • Utusan siyang gawin ang mga simpleng bagay tulad ng pagliligpit ng kaniyang laruan o kaya ay pagpupunas ng mesa matapos kumain.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay hirap pa din bumuo ng mga simpleng pangungusap hanggang ngayon, makakabuting dalhin siya sa doctor.

Development ng 42-buwan na bata: Health at Nutrition

Ang isang 42-buwan na bata ay may taas na 87 hanggang 110.3 cm at 10.4 hanggang 21.9 kg na timbang. Sa edad din na ito, mas kaya na nilang kontrolin ang pag-ihi at pagdumi.

Kaya na din niyang magsuot ng sapatos, mag-brush ng kaniyang ngipin na pa-horizontal at vertical.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Unti-unti na din niyang naiintindihan ang kahalagahan pagiging maingat tulad nang hindi pagtakbo kapag may dalang gunting o kaya naman ay hindi paghawak sa mainit na kaldero.

Tips:

  • Hayaan ang iyong anak na magbihis mag-isa upang masanay siyang maging independent.
  • Isali siya sa paghahanda ng inyong pagkain sa pamamagitan nang pagbibigay sa kaniya ng simpleng gawain na hindi mangangailangan ng paggamit ng kutsilyo o anumang matulis na bagay.
  • Lagi siyang paalalahanan na maging maingat sa bahay maging sa paaralan upang makasanayan niya ito.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

  • Kung ang iyong anak ay ay hirap kontrolin ang kaniyang pag-ihi o pagdumi.
  • Magtanong sa doctor tungkol sa mga nararapat na bakuna lalo na kung uso ang sakit tulad ng flu.

Bagama’t sinulat ang article na ito upang maging gabay sa development ng 42-buwan na bata, huwag kalimutan na ang bawat bata ay magkakaiba. May mga pagkakataon na ang ibang bagay na nabanggit ay hindi agad makikita o mapapansin sa ibang bata.

 

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sources: Livestrong, United Psychological Services, Foundation Years UK

Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Marasigan

Your child’s previous month: 41 months

Your child’s next month: 43 months

Sinulat ni

Bianchi Mendoza