Development at paglaki ng 3-taon at 11-buwan na bata

Alamin mula sa gabay na ito ang development ng 47-buwan na bata. Narito ang mga dapat asahan sa paglaki ng isang 3-taon at 11-buwang gulang na bata.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa isang kisapmata, ang batang nasa iyong sinapupunan noon ay malapit nang mag-apat na taon. Alamin ang mga dapat asahan na development ng 47-buwan na bata.

Development ng 47-buwan na bata: Physical

Sa edad na ito, mas madaming precise movements ang kayang gawin ng kamay ng iyong anak. Kabilang dito ang pagpihit ng door knob. Marunong na din siyang humawak ng lapis at crayons. Kaya na din niyang gayahin ang mga hugis at stick figures, magsulat ng mga letra, magkulay pati na din ang maggupit (siguraduhin na child-friendly ang gunting na gamit niya).

Naiilipat din niya ang mga pahina ng aklat. Hindi magtatagal, makakaya na din niyang magbutones o magzipper ng damit pati na din ang magsintas ng sapatos na walang tulong.

Sa edad din na ito, sanay na sanay na siyang maglakad at tumakbo, paharap man o patalikod. Kaya importante na siguraduhin na ligtas ang lugar na kaniyang paglalaruan upang maiwasan ang anumang aksidente.

Kaya na din niyang umakyat ng hagdan na hindi gumagamit ng handrails. Nasusuportahan na din ng mga binti niya ang kaniyang timbang. Dahil dito, nakakapagbalanse na siya gamit ang isang paa ng isa hanggang limang segundo.

Nakakasipa na din siya ng bola at tumalon mula sa isang mataas na pwesto. Kaya din niyang sumalo ng bola na ibinato sa kaniya. Konting praktis pa at kakayanin na din niyang magbisikleta mag-isa.

Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Subukan na pagamitin siya ng slide o swing na mag-isa.
  • Gumawa ng obstacle course o maze sa bahay gamit ang hulahoop, cones at mesa. Maari mo ding gamitin ang pagkakataon na ito upang ituro ang “ibabaw”, “ilalim”, “itaas” at “ibaba” habang naglalaro kayo.
  • Magpatugtog ng mga kanta na gusto ng iyong anak at sabayan mo siyang sumayaw.
  • Bilihan siya ng Lego o blocks upang mas masanay ang kaniyang mga kamay at daliri sa pagbuo ng mga bagay.
  • Bigyan siya ng child-friendly na gunting, crayon, glue at iba pang art materials. Makakatulong ito upang masanay ang kaniyang hinlalaki at hintuturo habang ginagamit din ang kaniyang imahinasyon.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Ang iyo bang anak ay nahihirapan:

  • ibato ang bola, tumalon sa kaniyang puwesto o gumamit ng bisikleta?
  • umakyat ng hagdan?
  • humawak ng crayon at gamitin ito upang gumuhit ng iba’t-ibang hugis?
  • magpatas ng apat na blocks?
  • humawak ng maliliit na bagay?

Kung oo, makakabuti na dalhin siya sa pediatrician.

Development ng 47-buwan na bata: Cognitive

Ito ang edad na ang iyong anak ay interesadong tuklasin ang mga bagay sa kaniyang paligid at magtanong. Minsan pa, hindi mo na din alam ang sagot sa kaniyang katanungan.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nauunawaan na niya ang bahagi ng isang araw pati na din ang oras. Nakakapagbilang na din siya at naiintindihan ang ibig sabihin ng mga bilang na ito.

Ang iyong anak ay may attention span na 8-12 minuto sa edad na ito. Ang kaniyang memorya ay mas tumatalas.

Alam na niya ang iba’t-ibang kulay, maging ang tawag sa iba’t-ibang bagay. Kaya na din niyang pagsama-samahin ang magkakapareho.

Mapapansin mo din na minsan ay nakakapagsinungaling siya tulad ng pagsasabi na “Hindi ako ‘yun.” Gamitin ang pagkakataon na ito upang turuan siya ng kabutihang asal.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Normal din sa edad na ito ang mga pretend-play o kaya ay “imaginary friend”. Marunong na din silang magkwento.

Tips:

  • Bigyan siya ng mga bagay na may iba’t ibang texture tulad ng feathers, popsicle sticks at beads. Tanungin sila kung ano ang pakiramdam kapag hinawakan ang mga ito. Isa itong paraan upang matutunan ang ibig sabihin ng opposite.
  • Yayain siyang tumulong sa iyo sa kusina tulad nang pagsusukat ng mga ingredients. Maaari mo din gamitin ang pagkakataon na ito upang ituro ang pagkakaiba ng solid at liquid.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay:

  • hindi pa din naiintindihan ang konsepto ng mga numero
  • hindi alam ang tawag sa iba’t-ibang bagay
  • hirap sumunod sa mga utos
  • ayaw magbihis, matulog o gumamit ng restroom

makakabuti na dalhin siya sa doctor.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Development ng 47-buwan na bata: Social at Emotional

Isa sa development ng 47-buwan na bata ay ang pagbawas ng kaniyang pagliligalig sa loob at labas ng bahay.

Habang tumatagal, mas nagiging maalaga din siya sa pamilya at kaibigan. Mapapansin mo na madalas din siyang yumakap sa iyo. Mas naiipahayag na din niya ang kaniyang nararamdaman at naipapakita ito sa kaniyang facial expressions.

Mas nakikihalubilo din siya ngayon sa ibang tao. Alam na din niya ang konsepto ng pagmamay-ari at ang hindi pagkuha kapag hindi kaniya.

Ginagaya din niya kung anuman ang ginagawa ng mga nakakatanda kaya mahalaga na laging magpakita ng mabuting halimbawa.

Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Tanungin ang iyong anak kung ano ang magandang nangyari sa kaniya sa araw na ito. Makakatulong ito upang mahikayat siya na magbahagi ng kaniyang mga karanasan sa iyo.
  • Magyaya ng playdate upang upang mas maunawaan niya lalo ang iba’t-ibang aplikasyon ng “take turns” tulad sa paggamit ng swing o slide.
  • Purihin ang mga mabubuting ginagawa ng iyong anak para mas tumaas ang confidence niya.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kung ang iyong anak ay ayaw:

  • ayaw makihalubilo sa mga kamag-anak, kaibigan o ibang bata
  • takot sa ibang tao o bagong lugar
  • walang pagbabago o mas lumalala ang tantrums
  • ayaw tumingin sa mata ng kaniyang kausap

mabuti na kumonsulta sa pediatrician.

Source: Stock photo

Development ng 47-buwan na bata: Speech at Language

Bukod sa mas nauunawaan na ng iyong 47-buwan na anak ang kaniyang paligid, kaya na din niyang sabihin ang kaniyang iniisip. Nasasasabi na niya ang kaniyang pangalan at edad. Nauunawaan na din ng ibang tao ang kaniyang mga sinasabi.

Ang kaniyang bokabularyo ngayon ay nasa 500 na salita na at may kakayahang bumuo ng mga pangungusap na may limang salita o higit pa. Sumasagot na din siya kapag tinanong mo.

Tips:

  • Tanungin siya kung alin ang mga bagay, lugar at tao na gusto niya. Makakatulong ito para mas lumawak ang kaniyang bokabularyo at maging confident sa pagsasalita.
  • Tanungin ang iyong anak kung ano ang ibig sabihin ng kaniyang mga drawing upang matutunan niya na ang mga ito ay puwedeng kumatawan sa kung anumang iniisip niya.

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kumonsulta sa pediatrician kung ang iyong anak ay:

  • hirap bumuo ng pangungusap na may tatlong salita
  • hindi alam ang pagkakaiba ng “ikaw” at “ako”
  • naglalaway at hirap magsalita

Development ng 47-buwan na bata: Health at Nutrition

Ang mga 47-buwan na bata ay may taas na 89.8cm hanggang 114.6cm at 11.0 hanggang 23.6kg na timbang. Nakakakain na din siyang mag-isa.

Hainan sila ng mga pagkain na may iba’t-ibang texture at lasa. Siguruhin na ang kaniyang meal plan ay may:

  • Grains (maliit na mangkok ng pasta, cereal o kanin)
  • Prutas at gulay (kasing-laki ng palad na lutong gulay o maliit na baso ng juice)
  • Karne (1 kutsara ng hiniwang manok, isda o baka, 2 kutsara ng beans at peas o kaya ay 1 nilagang itlog)
  • Gatas (kalahating tasa o maliit na tasa ng gatas)
  • Mantika (1 maliit na kutsara ng butter o mantika)

Paalala lamang na:

  • huwag pilitin ang iyong anak na kumain ng hindi niya gusto. Subukan ulit na alukin siya sa ibang pagkakataon
  • iwasan na bigyan ang iyong anak tulad ng grapes, candy, nuts, marshmallow at malalaking hiwa ng karne dahil maaari itong maging sanhi upang mabulunan siya

Siguraduhin din na ang iyong anak ay may mga bakuna para sa:

  • Diptheria, tetanus and whooping cough (DTaP)
  • polio (IPV)
  • Measles, Mumps and Rubella (MMR)
  • Chickenpox (Varicella)
  • Influenza (kada taon)

Kailan dapat pumunta sa doctor?

Kumonsulta sa doctor kapag:

  • ang kinakain lamang ng iyong anak ay ang mga pagkain na hindi bahagi ng limang food types na nabanggit sa itaas.
  • napapansin mo na sobrang bigat ng iyong anak
  • kung siya ay may kondisyon na tumatagal ng mahigit sa isang linggo tulad ng lagnat o rashes

Don’t feed your child candy at this stage – it can become a choking hazard. | Image Source: stock photo

*Mga magulang, tandaan na iba’t-iba ang bilis ng paglaki ng mga bata. Gayunpaman, kung nag-aalala ka sa development ng iyong anak, huwag mag-atubili na kumonsulta sa doctor.

Previous month: Your 46 month old
Next month: Your 48 month old
Isinalin mula sa wikang Ingles ni Fei Marasigan

Written by

Kevin Wijaya Oey