Malayo na ang inilaki ng iyong 5 taon 1 buwang gulang. Tapos na ang kanyang pagiging toddler at naghahanda nang pumasok sa paaralan, nagpapakita ng pagkamalaya at pagkamausisa. Kung iniisip ang mga aasahan sa kanya ngayong buwan, nandito kami para tumulong.
Tignan natin ang mga karaniwang milestones ng mga 5 taon 1 buwang gulang upang malaman aasahan.
Alalahanin lamang na ang mga ito ay tanging pangkalahatang mga alituntunin dahil ang bawat bata ay nade-develop sa sariling bilis. Kung nagaalala tungkol sa paglaki ng anak o may mga tanong tungkol sa kanyang development, mangyaring magpakonsulta sa pediatrician.
Development ng 5 Taon 1 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Image source: Shutterstock
Pisikal na development
Ang iyong 5 taon 1 buwang gulang ay napakaliksi ay kayang ipakita ang kanyang kasiglaan sa mga paggalaw. Ang koordinasyon ng kanyang mata at kamay ay bumuti na kaya na niyang gumawa ng mga simpleng gawain mag-isa tulad ng pagkain at paggamit ng kubeta. Ang kanyang gross motor skills ay mas-sumulong kumpara nung siya ay toddler pa, na mapapakita ng kanyang pagiging independent.
Lahat ng bata ay lumalaki sa sariling bilis, ngunit karamihan ay kayang gumawa ng nakakabilib na pisikal na skills. Kaya nilang tumalon, tumakbo, at gumawa ng komplikadong paggalaw na kailangan sa sports, tulad ng karate o ballet.
Sa puntong ito, kaya niya na ang mga sumusunod:
- Mag-somersault paharap
- Maglambitin at umakyat
- Magbalanse sa isang paa nang hindi bababa sa 10 segundo
- Magbihis at maghubad mag-isa
- Gumamit ng tinidor, kutsara at, minsan, kutsilyo sa pagkain
- Gumamit ng kubeta nang hindi tinutulungan
Magaling man sila, tandaan na nagde-develop pa. Kahit pa kaya niya na ang sarili sa kubeta, karaniwan parin ang maihi sa kama at hindi ito dapat alalahanin.
Mga tip:
Ang pagbibigay sa iyong anak ng magagalawan at oras para gumalugod at sumubok ng mga bagong aktibidad ay makakatulong sa pagdevelop ng kanyang motor skills.
- Dalhin siya sa playground o mga lugar na may gamit panlaro, tulad ng monkey bars.
- Ipasok siya sa swimming lessons, o ibang sport o pisikal na aktibidad na gusto niya. Siguraduhin na siya ay laging nababantayan ng kwalipikadong instruktor.
- Hikayatin siya sa pagsubok ng mga bagay mag-isa, tulad ng pagbihis o paggamit ng kubeta.
- Bawasan ang paggamit ng gadgets sa kwarto. Tanggalin ang mga cellphones at tablets na may matitingkad na ilaw upang hindi siya magambala sa pagtulog.
- Ipatulong siya sa mga simpleng gawaing bahay. Ang iba’t ibang aktibidad ay makakapag-develop sa kanyang hand-eye coordination.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
Kung mapansin na ang bata ay hindi nagpapakita ng mga kakayahan na nabanggit, dahil hin siya sa duktor para sa pagsusuri. Ang ilang senyales na kailangan bantayan ay:
- Hindi makahawak ng crayon o lapis
- Hirap kumain, matulog, o gumamit ng kubeta mag-isa
- Nahihirapan hubaran ang sarili
Image source: Shutterstock
Kognitibong development
Malapit na siyang pumasok sa paaralan! Marami na siyang natutunan na mga impormasyon!
Ang kanyang memorya ay patuloy na lumalaki. Nakaka-alala siya ng maraming impormasyon at mas nakikilala ang mga kagamitan sa bahay, pati ang tawag sa mga ito. Ang ilang milestones na mapagmamasdan ay:
- Kumokopya ng mga tatsulok at iba pang hugis
- Kayang magbilang hanggang 20 at higit pa
- Kayang gumuhit ng 6 na tao na may mga parte ng katawan
- Kayang panggalanan ang mga gamit sa bahay
- Nakakakilala ng hanggang 4 o higit pang kulay
- Nakakapagsulat ng ilang mga letra at numero
- May ideya sa konsepto ng oras
Mga Tips:
- Hikayatin siyang gumuhit. Napapasigla nito ang kanyang pagkamalikhain at dine-develop ang fine motor skills.
- Tulungan siyang sumulat sa kanyang mga kaibigan. Nagiging regalo ito at nakakatulong sa kanyang kognitibong development sa pagsusulat at memorya.
- Gumawa ng mga malikhaing DIY gamit ang pandikit, gunting, at iba pang gamit sa sining. Masaya ito para sa bata at nakakatulong maging pamilyar sa mga hugis.
- I-limit ang oras niya sa TV sa isang oras (o mas mababa) ng educational na palabas. Kahit nakakatuwa ang mga ito, maraming paraan para pasiglahin ang kanyang isip.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Madaling nagagambala ang anak
- Siya ay nahihirapan tumuon sa isang bagay nang higit sa limang minuto
Image source: Shutterstock
Social at emosyonal na development
Maaari niyang mawala ang sarili sa mga mas komplikadong pagganap na paglalaro na puno ng drama at pantasya dahil sa kanyang malawak na imahinasyon. Mapapansin din na mas nakikipaglaro na siya nang maayos tungo sa isang hangarin, tulad ng paggawa ng kastilyo o pag-iwas sa isang lugar.
Siya ay mas sumasang-ayon na at sabik makipaglaro sa ibang bata. Maaaring mapansin na mas nagpapahiram na siya ng mga laruan sa mga kaibigan at nagkokompromiso kapag may ayaw makipaglaro. Ngunit maging mapagmatyag dahil maaari parin siyang magkaroon ng pagwawala minsan kapag hindi nakuha ang gusto!
Mga tip:
- Hayaan siyang pumili ng aktibidad kasama ang mga kaibigan. Ang iyong anak ay mas nagiging sociable kapag pinaguusapan at nakikipag negosasyon sa mga kaibigan.
- Kung magkaproblema sila ng mga kaibigan, hayaan siyang humanap ng paraan para ayusin ang sitwasyon. Dito siya matututo magkompromiso.
- Kausapin ang iyong anak at bigyan siya ng kumpletong atensyon. Kapag tinatanong siya sa mga gusto niya, pati mga nangyari sa kanyang araw, mararamdaman niyang importante siya at minamahal.
- Gustong gusto niyang pinaparating ang kanyang nararamdaman. Hikayatin siyang sumayaw, kumanta, at umarte – pwede ka rin sumali!
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang anak ay lubos na takot, mahiyain, o agresibo
- Siya ay lubos na nababalisa tuwing malayo sa iyo
- Ayaw makipaglaro sa ibang bata
Image source: Shutterstock
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong 5 taon 1 buwang gulang ay kayang iparating ang mga kailangan at kagustuhan sa pagsasalita. Magaling na siyang umintindi ng sinasabi sa kanya at nakakuha na ng kaalaman sa mga posisyonal na paglalarawan, tulad ng “sa ibabaw ng” o “sa ilalim.” Ang oras ng kuwento ay mas nakakatawag pansin dahil naaaalala niya na ang mga naunang nangyari sa istorya. Kaya pag binabasahan, asahan na sabik niyang sasabihin ang mangyayari, o kung anong pakiramdam niya sa mga tauhan!
Ano ang ilan sa mga development at milestones ng isang 5 taon 1 buwang gulang na dapat mong malaman?
Kaya na ng anak mo na:
- Gumawa ng mga salitang magkatunog
- Sabihin ang kanyang buong panggalan
- Alalahanin ang inyong address at phone number
- Magsalita nang malinaw at bumuo ng pangungusap na may higit sa 5 salita
Magugulat at mabibilib ka sa bokabularyo ng anak mo na 20,000 na salita! Hindi nakakapagtakang napaparating na niya ang sarili. Ngunit, ang paggamit niya ng mga tamang salita ay kailangan sa pag-develop ng kanyang skills sa wika at language.
Pagpasok niya ng preschool, magsisimula na siyang magbasa mag-isa. Ito an ilang aktibidad na maaaring gawin upang makapagbasa siya nang maayos.
Mga tip:
- Ipagpatuloy ang pagbabasa sa anak. Pasiglahin ang kanyang pagmamahal sa libro at dalhin siya sa silid aklatan. Patuloy na lalawak ang kanyang bokabularyo sa pagbabasa ng mga iba’t iba at bagong libro!
- I-highlight ang mga laging ginagamit na salita habang binabasahan ang anak. Ang paguulit-ulit ay nakakatulong sa bata na maalala ang mga ito kapag tinuro mo.
- Kausapin siya tungkol sa kapaligiran at ipa-larawan sakanya ang mga nakikita.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Nahihirapan siyang gumamit ng past tense nang tama
- Hindi gumagamit ng plural
- Nabubulol
Image source: Shutterstock
Kalusugan at nutrisyon
Ang iyong 5 taon 1 buwang gulang ay bumigat nang hanggang 2.25kg at tumangkad nang nasa 5.5cm kumpara nung kanyang ika-4 na kaarawan! Karamihan sa mga bata ay nasa 17kg-20.3kg ang bigat at 106cm-112.2cm ang tangkad. Magsisimula nang tumubo ang mga permanenteng ngipin at 20/20 na ang paningin.
Dahil sa pagiging aktibo niya, importante na siya ay may balanced diet upang mapagpatuloy ang paglaki sa tamang bilis. Kadalasan, kumakain siya nang nasa 1,300 calories, ngunit depende parin ito sa kung gaano siya ka-aktibo.
Para sa laki ng mga bahagi, ito ang ilang minumungkahing gabay:
|
Uri ng pagkain |
Inirekumendang laki ng bahagi |
Grains (6 maliliit na paghain araw-araw) |
½ hiwa ng tinapay
½ tasa ng lutong kainin/pasta (80g) |
Fats (3-4 na paghain araw-araw) |
1 kutsarita ng mantikilya/langis |
Prutas at gulay (5 na paghain araw-araw) |
½ – 1 maliit na prutas
1/2 na tasa ng luto o sariwang chopped na gulay (80g)
|
Karne (2 na paghain araw-araw) |
1-3 kutsata ng karneng walang taba, manok, o isda
1 itlog
5 kutsara ng peas at beans |
Gatas (3 na paghain araw-araw) |
3/4 natasa ng gatas o yogurt (177ml)
3/4 ounce ng keso (22g) |
Mga bakuna at karaniwang sakit
Sa edad na ito, karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Para sa iba pang sakit, asahan ang sipon at trangkaso dahil ang anak ay makakakuha ng virus sa preschool habang pinapalakas ang immune system.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung ang bata ay kulang o higit ang timbang, makipag-usap sa inyong duktor para sa mga rekomendasyon sa pagkain
References: WebMD, Healthy Children, Mayo Clinic
Previous month: 5 years
Next month: 5 years 2 months