Ang iyong 5 taon 3 buwang gulang ay hindi nagpapakita ng pagbagal sa kanyang developments! Patuloy na bumibilis ang kanyang pagtuto. Independent at handa na sa preschool, kung sakaling hindi pa nagsisimula. Sa totoo, mas kalmado siya sa school kaysa sa bahay. Natutuwa siya sa bago niyang kapaligiran at natutuo ng mga bagong bagay.
Tignan natin ang mga karaniwang milestones ng mga 5 taon 2 buwang gulang upang malaman aasahan. Alalahanin lamang na ang mga ito ay tanging pangkalahatang mga alituntunin dahil ang bawat bata ay nade-develop sa sariling bilis. Kung nagaalala tungkol sa paglaki ng anak o may mga tanong tungkol sa kanyang development, mangyaring magpakonsulta sa pediatrician.
Development ng 5 Taon 2 Buwang Gulang: Ang Iyong Anak Ba Ay Nasa Tamang Track?
Image source: Shutterstock
Pisikal na development
Sa 5 taon 3 buwang gulang, ang iyong anak ay tila isang athlete! Tumatakbo, lumalaktaw at tumatalon nang walang kahirap-hirap. Ang kanyang isip at katawan ay sobrang aktibo sa patuloy na pagtuto ng mga bagay sa paligid niya habang ine-enjoy ang proseso.
Maaaring hindi na siya nagse-siesta, ngunit dapat ay nakakakuha parin ng nasa 11 na oras ng tulog sa gabi. Maganda rin na makakuha siya ng katahimikan minsan. Maaaring ito ay para sa pagbabasa o paggawa ng pala-isipan imbes na pagtakbo. Ang dagdag na pahinga rin ay makakatulong sa kanyang energy leveps upang positibo parin siya pagdating ng hapunan.
Ang iyong 5 taon 3 buwang gulang ay dapat nagagawa na ang mga sumusunod:
- Put on his shoes alone
- Balance on one foot for at least 10 seconds
- Clap to a tune
- Use a fork, spoon and sometimes a knife to eat his own food
- Stay dry at morning and night (usually)
- Go to the toilet and even shower on his own
- Turn a cartwheel
- Confidently climb up steps, keeping one foot per step
- Runs without stumbling
- Can confidently climb play equipment or even a tree
- Magsuot ng sapatos
- Magbalanse sa isang paa nang hindi bababa sa 10 segundo
- Pumalakpak kasabay ng tugtog
- Gumamit ng tinidor, kutsara at, minsan, kutsilyo sa pagkain
- Hindi maihi sa salawal
- Gumamit ng kubeta o maligo mag-isa
- Mag-cartwheel
- Umakyat ng hagdanan, isang paa bawat baitang
- Tumakbo nang hindi natutumba
- Umakyat ng equipment sa palaruan o ng puno
Mga tip:
- Don’t stay too far away from your child while he bathes. He might seem confident in his abilities. But just to be safe, stay close in case there are any mishaps.
- Bring your child to new playgrounds and encourage him to “conquer” a new piece of equipment there.
- Consider enrolling your child in a swimming class if you haven’t already.
- Limit screen time and encourage plenty of physical activity.
- Huwag masyadong lumayo sa bata habang naliligo siya. Maaaring kuha niya na ang abilidad. Ngunit, para sigurado, sa paligid ka lang para sa kung ano man.
- Dalhin siya sa mga bagong palaruan at hikayatin na gumamot ng mga bagong kagamitan duon.
- Pag-isipan na ipasok siya sa swimming class kung hindi pa nagagawa.
- Bawasan ang screen time at hikayatin sa mga pisikal na aktibidad.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor
- Kung mayroon siyang malabo o ma-pink na ihi, nakakaranas ng sakit sa pag-ihi, o madalas na naiihi sa kama
- Sobrang malamya kapag aktibo
- Kung pakiramdam ay hindi ka niya naririnig
Image source: Shutterstock
Kognitibong development
Lagi ka niyang ginugulat sa kung gaano karami ang kanyang naaalala at patuloy pa siyang natututo. Kaya niya nang tumuon nang nasa 15 minuto na nakakatulong sa paaralan. Marami parin siyang matututunan mag-isa.
Bilang magulang, mapapansin na ang iyong ginagampanan ay nasa pagbigay sustansiya at paghihikayat. Madaling maging sobtang maalaga kaya ang paghikayat sa anak ay masmahirap. Hayaan siyang gumalugod at mag-eksperimento sa mga bagong sitwasyon. Kahit mahirapan siya, pigilan ang sarili na tumulong.
Antayon ang mga developments na ito sa iyong anak:
- Makuha ang konsepto ng “mali” at “tama”
- Nakakapag-sulat ng ilang letra ng alpabeto
- Nakakapag-sulat ng ilang numero
- Nakakapag-bilang hanggang 10
- Nabibigkas ang alpabeto nang tama
- Gumuhit ng tao na may katawan
- Kayang tumuon sa isang gawain nang 5-10 minuto
- Kayang magbasa ng mga salitang may 2 letra
Mga Tips:
- Turuan siya ng mga bagong aktibidad. Hikayatin siya kapag sumusubok at hindi magawa ang gawain hanggang masolusyonan niya ito mag-isa. Binibigyan siya nito ng kumpiyansa sa sarili at problem-solving skills.
- Gumawa ng mga puzzle na may 12 piraso. Maaaring hindi ito mahirap, ngunit matututo siya kung paano gumawa ng masmalaking puzzles sa susunod.
- Hikayatin siyang magplano at magpaliwanang ng susunod na aktibidad. Pinapasigla nito ang kanyang abilidad na i-plano ang kanyang hinaharap.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Siya ay nahihirapan tumuon sa isang bagay nang higit sa limang minuto
- Hindi makahawak ng crayon gamit ang dalawang daliri
- Nalilimutan ang mga kakayahan at abilidad na nagagawa dati
Image source: Shutterstock
Social at emosyonal na development
Ang pre-school ay bagong laro sakanya na opurtuniya para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Ang iyong anak ay magpapakita ng interes sa ibang bata att matatanda na hindi parte ng pamilya. Sa katotohanan, nag-eenjoy siyang makipaglaro sa mga ka-edad na kapareho ng kasarian.
Gusto parin niyang gawin ang lahat para mapa-bilib ka. Uuwi siya nang masaya para ipakita sayo ang resulta ng tests at homework niya. Tandaan na puriin siya kapag maganda ang nagagawa at hikayatin na kung mabigo sa kanyang performance.
Sa pangkalahatan, ang iyong anak ay maaabot ang mga milestones na ito:
- Siya ay mas may tiwala sa sarili
- Natutuwang kasama ang mga ka-edad
- Nagpapahiram ng mga laruan nang bukal sa kalooban
- Nakaka-intindi at sunod sa mga tagubilin
- Gumagaya ng mga matatanda na may kasamang emosyon
- Kayang sabihin kung ang ibang tao ay masaya, malungkot o galit
- Naiintindihan ang pinagkaiba ng pantasya at katotohanan
Mga tip:
- Hangga’t maaari, hayaan siyang gumawa ng mga sariling mga desisyon.
- Kausapin siya kung mahuling nagsisinungaling. Sa puntong ito, susubukan niyang baluktutin ang mga tuntunin para makuha ang gusto niya.
- Maglagay ng parental controls sa mga computer at TV.
- Bantayan siya sa pagtawid sa kalsada. Siya ay nagiging mas-independent mula sa mga magulang. Subalit, mas nalalagay siya sa panganib sa pagpapatunay na siya ay independent na.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kung siya ay sobrang mahiyain o tahimik galing school, maaaring senyales ito ng bullying.
- Kung siya ay nagpapakita ng mga malalang senyales ng pagiging agresibo.
Image source: Shutterstock
Pagsasalita at wika na development
Ang iyong 5 taon 3 buwang gulang ay kakaibang kausap! Nagsasalita na siya ng mga pangungusap na may 5 hanggang 8 salita. Naiintindihan na karamihan sa mga sinasabi mo, basata hindi ka gagamit ng jargon o mahahabang salita! Ngunit kung gawin mo ito, malamang ay itanong niya ang ibig sabihin ng salita. Dagdag sa bokabularyo niyang may 2,500 na salita!
Kahit pa nakakabilib ang kanyang pagsasalita, maaaring mapansin na mayroon siyang pagkabulol sa ilang salita na may “s.” Kung binibigkas niya ang “seven” bilang “theven,” huwag mag-alala. Karaniwan ito sa kanyang edad habang natututo pang mag-vocalize ng mga bagong salita. Kakalakihan niya ito sa edad na pito.
Ang iba pang milestones sa pagsasalita at wika na maaaring maabot niya ay:
- Abilidad na makipag-debate (at makipag-talo) sa’yo. Gagamitin ang “kasi” nang madalas.
- Gumagamit ng magkabaliktad bilang pang-kumpara. Halimbawa, “Mas malaki ang kamay mo kaysa sa kamay ko.”
- Gumagamit ng future tense
- Nagsisimulang maintindihan na may ilang salitang maraming ibig sabihin.
- Masnakaka-intindi ng mga biro
Mga tip:
- Sumubok ng tounge-twisters para matulungan siyang mapansin ang mga ibang tunog. O laruin ang clapping game sa bahay, kung saan siya ay papalakpak sa kasing dami ng beses na nakakarinig siya ng isang partikular na tunog sa isang salita o pangungusap pagkatapos mong basahin sa kanya.
- Hikayatin siyang magkwento tungkol sa nangyari sa paaralan, lalo na ang mga nagustuhan at hindi. Nakakatulong ito para sa show-and-tell sa paaralan, pati na sa pagsabi ng nararamdaman.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
- Kapag hindi talaga siya gumagamit ng past tense
- Kapag hindi siya nagtatanong tungkol sa mga hindi pamilyar na salita o sitwasyon
Image source: Shutterstock
Kalusugan at nutrisyon
Ang iyong anak ay nasa 17kg-20.3kg ang bigat at 106cm-112.2cm ang tangkad. Siya ay tatangkad pa nang 6cm (2.5 na pulgada) pagdating ng 6 taong gulang at bibigat pa nang 1.8kg-3.1kg (4 hanggang 7 lbs) kada taon.
Dahil mabilis siyang lumalaki, lalakas din siya kumain. Kahit kaya niyang kumain ng nasa 1,200 na calories o higit pa, importante na mabigyan siya ng sapat na nutrients at mineral sa mga pagkain niya.
|
Nutrient/Mineral |
Inirekumendang laki ng bahagi |
Ano ang ipapakain (nutrient/mineral value) |
Calcium |
1,000mg |
2 tasa ng gatas (150mg) O 2 tasa ng yogurt (207mg) O 2 hiwa ng Swiss cheese (112mg) |
Iron |
10mg |
maliit na mangkok ng cereal (12mg) O 1 hiwa ng wholemeal bread (0.9mg) O maliit na dakot ng pasas (0.7mg) |
Essential Fatty Acids (EFA) |
10g ng Omega-6, 0.9g ng Omega-3 |
kasing laki ng palad ng bata na salmon (0.425g) O 1 pinakuluang itlog (0.1g) O isang dakot ng walnuts (2.3g) |
Magnesium |
130mg |
maliit na mangkok ng all bran cereal (93mg) O 1 kutsara ng peanut butter (25mg) O kalahating saging (16mg) |
Vitamin A |
0.4mg |
3-5 tipak ng kamote (3.8mg) O sangkapat na bell pepper |
Vitamin C |
25mg |
2 tasa ng fresh orange juice (50mg) O 6 na florets ng broccoli (30mg) O 1 kamatis (5mg) |
Vitamin E |
7mg |
28g mani (2mg) O 40g hilaw na mangga (0.9mg) |
Potassium |
3,800mg |
Kalahating baked potato (463mg) O 5 tipak ng cantaloupe (208mg) O dakot ng spinach (210mg) |
Zinc |
5mg |
kasing laki ng palad ng bata na lutong beef (3mg) O kasing laki ng palad ng bata na piraso ng manok (0.6mg) O 2 hiwa ng cheddar cheese (0.4mg) |
Mga tip:
- Iwasan ang sobrang pagpapakain para maabot ang pamantayan na timbang – bawat bata ay iba at hindi dapat pinipilit maabot ang average. Ang iyong duktor ay may sariling growth chart para sa anak mo na maaari mong suriin.
- Kung ang bata ay nagpapakita ng pagiging kaliwere, i-posisyon siya na hindi makakatama ang siko ng katabi habang kumakain. Masisigurado nito na kumportable ang lahat habang kumakain.
Kailan ko-konsulta sa iyong doktor:
Kung ang iyong anak ay:
- Lubos na kulang o sobra sa timbang
- May kaka-ibang pantal, bukol o pasa
- May lagnat na lumalagpas ng 39 degrees C
Mga bakuna at karaniwang sakit
Karamihan sa bakuna ng iyong anak ay nabigay na. May mga iba na karaniwang ibinibigay kada taon, tulad ng flu shot. Makipag-usap sa iyong duktor para sa mas-maraming impormasyon.
Dahil mas dumadalas na siya sa paaralan, asahan na masdadalas siyang magka-sipon at trangkaso. Maaari din makakuha ng pantal sa katawan na dapat bantayan. Hikayatin iyang magsabi kung mayroong hindi kumportable sa katawan, o kung may makati.
References: WebMD