Development Ng 6 Taon 1 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki

In this article, we look at common 6 year 1 month old child developmental milestones. Check if your child is on track with this information.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Ang sanggol na karga mo lang dati ay papasok na sa school ngayon. Alamin sa article na ito ang iba pang development ng 6 na taon 1 buwan gulang na bata.

Laging tatandaan na ang mga bata ay magkakaiba at may kani-kaniyang pace. Kung may napansin ka na kakaiba sa iyong anak, kumonsulta sa kaniyang pediatrician.

Development ng 6 taon 1 buwan: On track ba ang iyong anak?

Pisikal na development ng 6 na taong gulang 

Mas aktibo na ang iyong anak ngayon kaya mas gusto niya ang maglaro ng iba’t ibang sports sa bahay man o sa school.

Magandang panahon ito para sa mga magulang na i-enroll ang kanilang anak sa iba’t ibang classes para mas maging mahusay sa sports na kanilang hilig. Sa mga classes na ito, makikita mo din ang natural na athletic ability ng iyong anak. Ang kanilang motor skills, hand-eye coordination at kakayanang magconcentrate ay mas maayos na ngayon.

Ang mga physical activity ay makakabuti din sa brain development dahil ito ay nakakatulong sa memory function (working memory ),. Nakakabuti din ito sa kabuuang kalusugan dahil ito ay nagpapatibay ng mga buto at kalamnan, at nakakabawas ng mga sintomas ng anxiety at depression.

Narito ang iba pang development ng 6 na taong gulang  na bata.

  • May kakayanang tumalon, bumato, sumipa at sumalo
  • Nakakapagsintas ng sapatos
  • Nakakasakay ng bisikleta na 2 ang gulong
  • Mas maayos na ang balanse
  • Kumakain na mag-isa
  • Nakakapagdrawing at nakakapagsulat na mas may kontrol
  • Nakakasunod sa beat ng mga music

Mga Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Ienrol ang iyong anak sa mga sports-based activity sa school
  • Magkaroon ng family physical activities tulad ng biking at swimming kapag weekends
  • Sanayin ang anak sa healthy eating habits.
  • Turuan ang anak tungkol sa nutrisyon at isama sila sa paggrocery
  • Limitahan ang screen time sa 1-2 oras lamang kada araw

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Kung ang iyong anak ay:

  • May poor hand-eye coordination.
  • Hindi nakakagawa ng mga basic tasks tulad nang pagususot ng school uniform.
  • Nawala ang skill na dati na siyang mayroon

Kognitibong Development ng 6 na taong gulang 

Ang utak ng iyong anak ay halos 90% na ng utak ng matanda. Malapit na niyang maabot ang kaniyang full capacity.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Mapapansin mo na ang iyong anak ay nagsisimula nang solusyonan ang kaniyang mga problema at kaya na niya ang mga structured environment (school) kahit wala ka. Mas nagiging independent na siya.

Alam na din niya ang tama at mali. Minsan pa ay pinapagalitan niya ang ibang tao na nakagawa nang hindi tama.

Narito ang ilan pa sa mga development ng 6 na taong gulang na bata na mapapansin mo:

  • May abilidad na magkaroon ng complex thoughts
  • Alam na kung ano ang tama at mali
  • May mga nadevelop na malalapit na kaibigan
  • Kayang gawin ang mga kumplikadong gawain sa bahay at school
  • Mas mahaba ang attention span

Mga Tips:

  • Bigyan lamang ng tulong ang iyong anak kapag hiniling nila ito
  • Bumili ng mga STEAM toys
  • Laging gamitin ang math sa mga pang-araw-araw na sitwasyon
  • Magbasa palagi
  • Sagutin ang tanong ng iyong anak gamit ang isang tanong para mahasa ang kaniyang critical thinking skills
  • Turuan ang iyong anak ng iba’t ibang isyu mula sa kapaligiran hanggang sa nutrisyon.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Kung ang iyong anak ay:

  • Hirap makipag-usap at makipaglaro sa iba
  • Hindi kayang alagaan ang kaniyang sarili
  • Hindi tumitingin kahit tawagin sa kaniyang pangalan

Social at Emosyonal na Development ng 6 na taong gulang

Ang iyong 6 na taon at 1 buwan gulang na anak ay isa nang social butterfly. Mahilig siyang makipagkaibigan. Maaari ngang mayroon na siyang “best friend” sa school. Karamihan sa kanila ay kapareho ng kaniyang kasarian.

Ngunit tandaan na kahit pa palakaibigan ang iyong anak, maaari pa din siyang maging anxious sa pagtransisyon mula kindergarten tungo sa primary school.

Narito ang ilan sa mga development ng 6 na taong gulang na bata na mapapansin mo:

  • Sinasabi ang kaniyang naiisip
  • Gusto lagi na magkaroon ng bagong kaibigan
  • Naiintindihan ang kahalagahan ng teamwork
  • May kaunting takot o hesitation sa mga hindi pa kakilala

Mga Tips:

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Kumustahin ang iyong anak para malaman kung nakakacope siya sa school
  • Ipaunawa sa iyong anak kung ano ang bullying.
  • Magtakda ng mga gawain sa iyong anak.
  • Magkaroon ng kapaligiran na kung saan ang iyong anak ay kumportableng magtanong at sabihin ang kaniyang mga naiisip
  • Turuan siya ng tungkol sa respeto.
  • Purihin ang mga magagandang gawi.
  • Huwag masyadong punuin ang schedule ng iyong anak araw-araw.
  • Turuan ang iyong anak tungkol sa “stranger danger” at “good touch, bad touch.”

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Kung ang iyong anak ay:

  • ayaw mawalay sa iyo nang matagal.
  • ayaw makipahalubilo sa ibang bata na kaparehong edad.
  • sobrang mahiyain.

Speech at Language Development ng 6 na taong gulang

Ang iyong anak ay may kakayanan nang makipag-usap ng diretso gamit ang buong pangungusap. Dahil dito, nagsisimula na din siyang makipagdebate sa iyo minsan, gamit ang iba’t ibang rason. Kunware, kapag pinapakain mo ng gulay ang iyong anak, maaari siyang sumagot ng “hindi” o “ayaw” at sabihin na ikaw din ay hindi kumakain ng gulay.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpapakita na din ang iyong anak ng hilig sa pagbabasa at pagsusulat.

Narito ang ilan sa mga development ng 6 na taong gulang na mapapansin mo:

  • Kakayahang makipag-usap gamit ang kumpletong pangungusap.
  • Marunong nang makipagdebate
  • Gumagamit ng simple present at past tense sa pangugusap.
  • Nagpapakita ng interes sa pagbabasa at pagsusulat
  • Nakakapagsabi ng mga word patterns.

Mga Tips: 

  • Magbasa ng bedtime stories sa iyong anak.
  • Iwasan ang paggamit ng “baby language”
  • Kumustahin ang araw ng iyong anak. Nakakatulong ito upang mahasa siya sa descriptive speech at malaman na din kung may mga problema siya sa school.
  • Turuan siya ng mga bagong salita at ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga ito

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Kung ang iyong anak ay:

  • Ayaw magbasa at umiiwas dito
  • Hindi makabuo ng isang buong pangungusap
  • Nauutal kapag nagsasalita

 

Kalusugan at Nutrisyon

Kailangan ng iyong anak ang masustansya at balanseng diet para sa kaniyang paglaki.

Puwede mo nang simulan ang pagbibigay sa kaniya ng mga nutrient-dense food tulad ng seafood, beans, itlog, at nuts.

Ang iyong anak ay nangangailangan ng 1,200 – 2,000 calories depende sa kaniyang mga activities.

Ang karaniwang timbang ng 6 taon 1 buwan gulang ay 19 kg, at may taas na 114 cm.

Ang mga bata sa edad na ito ay dapat magkaroon ng mga ito araw-araw:

Dairy group

Bigyan ang iyong anak ng 2-3 tasa ng gatas o dairy products araw-araw. Kabilang dito ang yogurt at keso, pero huwag sosobra ang mga ito. Makakatulong ang dairy upang maging malakas ang iyong anak.

Protein group

Pakainin ng protina ang iyong anak 2 beses sa isang araw. Kabilang dito ang itlog, tuna, lentils at chickpeas, pati na din ang mga lean meat.

Fruit and vegetable group

Mahalaga ang prutas at gulay para hindi magkasakit ang iyong anak. Bigyan siya ng 2 tasa nito araw-araw. Puwede mo itong simulan sa mga carrot sticks at hummus dips o kaya naman ay pasta at pizza na mayroong gulay.

Mga Tips:

  • Siguruhin na may balanseng diet ang iyong anak
  • Iwasan ang pagbibigay ng mga sugary drinks at high-fat food.
  • Magkaroon ka din ng balanseng diet para gayahin ka ng iyong anak

Bakuna at mga Karaniwang Sakit

Narito ang mga bakuna na dapat ay mayroon na ang iyong 6 taon 1 buwan gulang na anak:

  • DTaP vaccine laban sa diphtheria, tetanus, and pertussis
  • IPV vaccine laban sa polio
  • MMR vaccine laban sa measles, mumps, and rubella
  • Varicella vaccine laban sa chickenpox
  • Flu shot na binibigay taon-taon

Itanong sa inyong doktor kung ang bakuna ng iyong anak ay kumpleto para sa kaniyang edad.

Kailan dapat kumonsulta sa doktor

Kumonsulta sa pediatrician kung ang iyong anak ay underweight o overweight. Dalhin din ang iyong anak sa doktor kung mayroon siyang mga rashes, lumps, bumps o pasa, matagal nang nagtatae o nagsusuka at may mataas na lagnat (higit sa 39 degrees Celsius). Itanong din sa pediatrician kung ang iyong anak ay wala pa sa 114 cm ang taas.

Nakaraang buwan: Development at Milestones ng Isang Bata: 5 Taon 11 Buwang Gulang

Susunod na buwan: Development Ng 6 Taon 2 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki

Sources: Mayo ClinicCDC, Web MD  

Written by

feiocampo