Malapit nang pumasok sa school and iyong 5 taon 11 buwan gulan na anak.
Ano kaya ang mga development niya ngayong buwan? Alamin mula sa article na ito. Subalit laging tandaan na ang mga milestone ay maaaring mag-iba sa bawat bata. Kung nag-aalala ka sa development ng iyong anak, kumonsulta sa pediatrician.
Mabuti sa kalusugan ng iyong anak ang pagiging aktibo.
Development at Milestones ng 5 Taon 11 Buwan Gulang: On track ba ang iyong anak?
Pisikal na Development
Mas kontrolado at kaaya-aya na ang mga aksyon ng iyong ng 5 taon 11 buwan gulang na anak kumpara sa mga buwan na nakalipas.
Ang mga bata sa edad na ito ay may timbang na humigit-kumulang 19-20kg at may taas ng 115cm. Gayunpaman, tandaan din na ang taas at timbang ay namamana minsan, kaya iwasan naihambing ang iyong anak sa ibang bata na parehong edad.
Ang iyong anak ay mayroon ding 20/20 vision sa ngayon.
Tingnan natin ang iba pang mga physical developments na may kaugnayan sa fine at gross motor skills na maaari mong makita sa iyong 5 taon 11 buwan gulang na anak.
- Sumasayaw kapag may tugtog
- Nakakapagbisikleta
- Nakakapaglaro ng mga sports na nangangailangan ng physical control
- Kayang humawak ng lapis gamit ang three-finger grasp
- Kayang gumamit ng jumping rope
- Nakakabalanse sa isang paa ng ilang segundo na nakapikit
- Nakakasipa ng bola na may magandang foot-contact
- Marunong gumamit ng gunting at nakakagupit ng mga hugis na maayos
- Nakakatakbo ng mabilis
Tips
- Siguruhin na ang iyong anak ay may 1 oras na physical activity araw-araw.
- Magkaroon ng mga family activity na nakafocus sa physical development. Puwede dito ang football, habulan at iba pa.
- Limitahan lamang sa 1.5 oras kada araw ang screen time ng iyong anak.
- I-enrol ang iyong anak sa mga sports o physical activity classes tulad ng swimming, dance o football. Bukod sa physical development, matututunan din ng iyong anak ang teamwork, discipline at responsibility.
Kailan dapat kumonsulta sa doctor
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi na magawa ang isang skill na nagagawa niya dati
- Hindi pa makahawak sa lapis nang maayos
- Masyadong clumsy kapag physically active
- Nahihirapan na makakita o makadinig nang maayos
Your little one is ready to start a new chapter in her life: School!
Kognitibong Development
Malapit nang magsimula ang bagong kabanata sa buhay ng iyong 5 taon 11 buwan gulang na anak: school! Sa kaniyang edad, nadevelop na ang kaniyang cognitive ability na kinakailangan sa big school.
Narito ang ilan sa mga development na mapapansin mo sa iyong anak:
- Alam na ang alphabet
- Magbilang hanggang 20 o higit pa
- Magbasa ng two-letter words
- Gumagamit ng logic para makipagtalo sa mga importanteng bagay para sa kaniya tulad ng laruan
- Nauunawaan ang nakaraan, kasalukuyan at hinaharap
- Matalas ang memorya
- Kayang magconcentrate sa isang task sa loob ng 10-15 minuto
- Alam kung ano ang alin ang araw at gabi, kaliwa at kanan
- Nagsisimulang magbasa ng mga age-appropriate books
- Patuloy na nagtatanong
- Nagpapakita ng interes sa mga dinosaurs, space o ancient history
Tips
- Ipakita sa iyong anak ang mga libro tungkol sa mga topic na hilig niya.
- Hasain ang critical thinking skills sa pamamagitan ng pagtatanong pati na din pagbabasa na magkasama.
- Dalhin ang iyong anak sa mga lugar na maaari siyang matuto tulad ng museum o kaya ay mga historial places. Puwede mo din siyang isama sa supermarket at turuan ng math skills.
- Samahan siyang magbasa hanggang makasanayan niya ito.
- Huwag pilitin ang iyong anak na matutunan ang mga advanced academic tasks.
Kailan dapat kumonsulta sa doctor
Kung ang iyong anak ay:
- Hindi pa makapagbilang hanggang 20
- Hindi pa alam ang alphabet
- Walang interes sa mga bagong kaalaman
Masaya siya kapag may kasama na ibang bata
Social at Emosyonal na Development
Malayo na ang narating ng iyong 5 taon 11 buwan gulang na anak pagdating sa social at emotional development. Mula sa pagtatantrums, ngayon ay masaya na siyang nakikipaglaro sa mga kaibigan.
Narito ang ilan pa sa kaniyang mga development:
- Siya ay sociable, nagpapahiram na ng mga laruan
- Sumusunod na sa mga rules ng laro
- Minsan ay bossy
- Naiintindihan na ang mga emosyon
- Gustong makipaglaro sa mga kaedad niya o kaparehong kasarian
- Mas gusto na may kasamang maglaro
- Gumagamit ng “please” at thank you”
- Bihira na magtantrums
- Naghahanap ng approval at pagmamahal
- Natutuwa kapag pinupuri
- Mayroon ng “best friend”
- Nakikinig sa mga instructions
Tips
- Kung sa tingin mo ay nahihiya ang iyong anak, huwag siyang pilitin na makihalubilo sa iba. Bagkus ay ienrol ang iyong anak sa mga group activitiestulad ng sports o art classes. Puwede ka din magyaya ng playdate sa inyong bahay.
- Ituro ang table manners sa iyong anak.
- Turuan ang iyong anak kung paano ang tamang asal sa loob at labas ng bahay.
- Maging mabuting halimbawa sa iyong anak para ito ang kaniyang gagayahin.
- Disiplinahin ang iyong anak pero huwag hayaan na mangibabaw ang iyong emosyon.
- Kausapin ang iyong anak tungkol sa stranger danger at ituro kung ano ang dapat gawin.
- Okay lang na mainip ang mga bata. Turuan ang iyong anak kung ano ang puwedeng gawin sa mga down-time o alone-time.
Kailan dapat kumonsulta sa doctor
Kung ang iyong anak ay:
- Madalas magtantrums
- Ayaw makipaglaro sa ibang bata
- Mas gusto na kasama ang mga mas matanda sa kanya
- Nagiging violent kapag galit
Along with exercise, having a proper diet can help boost your little one’s development.
Kalusugan at Nutrisyon
Ipagpatuloy ang pagbibigay ng balanced diet sa iyong 5 taon 11 buwan gulang na anak. Huwag kalimutan na painumin din siya ng tubig. Iwasan ang mga matatamis at junk food.
Kailangan ng iyong anak ang 1,200 calories araw-araw. Narito ang kaniyang daily nutritional requirements.
|
Nutrient/Mineral |
Recommended Daily Amount |
Food Sources (nutrient/mineral value) |
Calcium |
1,000mg |
2 tasa ng gatas (150mg) O 2 tasa ng yoghurt(207mg) O 2 hiwa ng cheese (112mg) |
Iron |
10mg |
maliit na mangkok ng cereal (12mg) O 1 hiwa ng wholemeal raisin bread (0.9mg) O maliit na dakot ng raisins (0.7mg) |
Essential Fatty Acids (EFA) |
10g of Omega-6, 0.9g of Omega-3 |
child palm-sized na piraso ng salmon/ fish (0.425g) O 1 hardboiled egg (0.1g) O maliit na dakot ng almonds (2.3g) |
Magnesium |
130mg |
10mgmaliit na mangkok ng all bran cereal (93mg) O 1 tablespoon ng peanut butter (25mg) O kalahating saging (16mg) |
Vitamin A |
0.4mg |
3-5 chunks ng sweet potato (3.8mg) O 1/4 ng bell pepper |
Vitamin C |
25mg |
2 tasa ng fresh orange juice (50mg) O 6 florets ng broccoli (30mg) O 1 maliit na kamatis (5mg) |
Vitamin E |
7mg |
28g peanuts (2mg) O kalahating mangga (0.9mg) |
Potassium |
3,800mg |
kalahati ng baked sweet potato (463mg) O 5 chunks ng cantaloupe (208mg) O maliit na dakot ng spinach (210mg) |
Zinc |
5mg |
child’s palm-sized na piraso ngcooked beef (3mg) O child’s palm-sized na piraso ng chicken (0.6mg) O 2 hiwa ng cheddar cheese (0.4mg) |
Bakuna at mga Karaniwang Sakit
Walang kailangan na bakuna ngayong buwan. Para malaman kung kumpleto ang bakuna ng iyong anak, tingnan dito.
Maaari pa din na sipunin o ubuhin ang iyong anak. Dalhin siya sa doktor kung kinakailangan.
Ituro din sa anak ang good hygiene tulad ng paghuhugas ng kamay.
Kailan dapat kumonsulta sa doctor
Kung ang iyong anak ay:
- May lagnat na 39 degrees Celsius
- May mga pasa at pantal na kakaiba
- Palaging masakit ang ulo o ibang parte ng katawan
- Nagsusuka o nagtatae na higit sa 2 araw
Previous month: Ang development at milestones ng isang bata: Ang iyong 5 taon 10 buwang gulang
Next month:Development Ng 6 Taon 1 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki
Reference: Web MD
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!