Development ng 6 taon 1 buwang gulang: Napakabilis lumaki ni baby! Parang kailan lang siya pa ay maliit na batang hinahatid mo sa school. Tama ka. Ang iyong 6 years 1 month old na anak ay makakapasok na sa eskwelahan!
Bukas makalawa, siya ay nakatakda nang makisalamuha sa ibang tao, sa ibang environment na kanyang kalalakihan.
Ano nga ba ang susunod na milestones na mararating ng iyong anak? Halina’t tuklasin ang exciting journey ng iyong anak sa kanyang taon!
Sa pagtuklas natin ng kanyang journey, tandaan lang na ang bawat bata ay may kanya-kanyang istilo ng paglaki. Kung ikaw ay may personal na tanong tungkol sa paglaki ng iyong anak, maaring magpakonsulta sa iyong pediatrician.
6 years 1 month Old child development and milestones: Is your child on track?
Physical Development – 6 years 1 month old
Sa ganitong stage, ang average height at weight ng anak mo ay dapat:
Boys
Height: 116.2 cm (45.7 inches)
Weight: 21 kg (46.2 lb) Girls
Height: 115.59 cm (45.5 inches)
Weight: 20.5 kg (45.3 lb)
Kapag sumapit ng 6 year 1 month old ang anak mo, ito ay mas aktibo at magiliw na susubukan ang mga larong pisikal o sports sa kanyang school o sa inyong bahay. Sa ganitong edad din dapat i-enroll ang iyong anak sa school para mahasa agad ang kanyang mga skills at interests.
Dito mo rin madidiskubre ang talento ng iyong anak sa sports. Ito ay dahil ang kanilang motor skills, hand-eye coordination at abilidad sa pag concentrate ay nagsisimulang tumalas.
Bukod dito, ang mga physical activities katulad ng sports ay makakatulong sa brain development ng isang bata.
Malalaman mo rin ang ilang developments ng anak mo katulad ng:
- Mahusay sa mga basic skill katulad ng jumping, throwing, kicking at catching
- Marunong magtali ng kanyang sintas ng sapatos
- Nakakasakay sa two-wheel bike
- Napapansin mo ang pagbuti nito sa pag-balanse at coordination
- Kayang kumain mag-isa
- Nakakapagsulat at nakakapagdrawing
- Nasusundan ang bawat ritmo ng isang musika
Tips
- Suportahan ang anak sa mga physical activities at i-enroll ito
- Tuwing weekends, ugaliing sanayin ang pamilya na maglaro ng mga physical activities
- Kumain ng healthy foods
- Turuan ang anak ng tamang nutrisyon kapag nag-ggrocery
- Bigyan ng limitasyon ang anak mo sa paghawak ng gadgets ng dalawang oras sa isang araw
When to talk to your doctor:
Kapag ang anak mo ay,
- Mahina sa hand-eye coordination
- Hindi magawa ang simpleng pagsusuot ng school uniform
- Pagkupas ng kayang skills na meron siya dati
Cognitive Development – 6 Years 1 Month Old
Ang utak ng iyong anak ay halos kasing laki na rin ng utak ng pangkaraniwang tao. Kailangan lang na siguraduhin na pangalagaan ito.
Mapapansin mo na ang anak mo ay nagsisimula nang makapag-solve ng mga basic puzzles nang mag-isa. Ang mga bata sa ganitong tao ay marunong nang kumilatis ng tama o mali sa nakikita niya sa paligid.
Narito ang ilang cognitive development na makikita mo sa iyong anak.
- Pagiging complex ng pag-iisip
- Masusing kinikilatis ang tama at mali
- Nakikipagkaibigan
- Kayang magawan ng resolba ang mga mahihirap na gawain sa school
- Mahaba na ang kanyang attention span
Tips
- Tulungan lang ang anak kapag siya ay lumapit sa’yo.
- Bumili ng mga Steam toys
- Isali ang math sa bawat sitwasyon
- Sabay na magbasa ng libro
- Kapag tinanong ka ng iyong anak, sagutin din ito ng tanong para mahasa ang kanyang critical thinking
- Turuan ang iyong anak tungkol sa mga issue sa environment at nutritious diet.
When to talk to your doctor
Kapag ang anak mo ay,
- Nahihirapan makihalubilo at makalaro sa mga tao
- Hindi maalagaan ang sarili
- Hindi ma-recognise ang kanyang sariling pangalan kapag tinatawag
Social and Emotional Development – 6 Years 1 Month Old
Ang iyong 6 year old child ay itinuturing na social butterfly. Dahil siya ay mahilig makipaghalubilo ay makipagkaibigan sa school, playground at sa mga bus stops.
Karaniwang din nitong sasabihin na marami siyang best friend sa school.
Narito ang ilang social and emotional development na makikita mo sa iyong anak.
- Nagsasalita base sa kanyang nalalaman
- Mahilig makipagkaibigan
- Naiintindihan ang kalagahan ng team work
- Nakakaramdam ng kaunting takot at hesitation kapag makakakilala ng bagong tao.
Tips
- Laging i-check ang kalagayan sa school kung nakakasaunod ba ito sa pag-aaral
- I-educate ang ang bata kung ano ang bullying
- Bigyan ng madadaling gawain sa bahay
- Sanayin ang anak na ‘wag mahihiyang magtanong’
- Turuan ng respeto
- ‘Wag masyadong pagurin ang mga batang ito.
When to talk to your doctor
Kapag ang anak mo ay,
- Hindi kayang wala ka ng matagal
- Iniiwasang makihalubilo o makapagkaibigan sa mga batang ka-edad niya
- Pagiging mahiyain
Speech and Language Development – 6 Years 1 Month Old
Ang anak mo sa ganitong edad ay marunong nang magsalita ng fluent at confidently. Maaari na itong makipagtalo sa’ sa sagutan sa’yo
Bukod dito, magpapakita na ng interes ang anak mo sa pagsusulat at pagbabasa. Ilan pa dito ang:
- Nagpapakita ng skills sa pagsasalita
- Marunong gumawa ng simple arguments
- Nagpapakita ng interes sa pag-babasa at pagsulat
Tips:
- Basahan mo ng bedtime stories kapag matutulog sa gabi
- Iwasan ang pag-baby talk
- Tanungin ang anak kung kamusta ang kanyang araw.
- Mag-share ng ilang mg salita sa anak at ipaintindi ito kung ano.
When to talk to your doctor
Kapag ang anak mo ay,
- Iniiwasan ang pagbabasa
- Hindi makabuo ng sariling sentence
- Nauutal
Health and Nutrition – 6 Year 1 Month Old
Sa ganitong edad, kailangang bigyang pansin na ang diet ng anak mo sa pamamagitan ng pagkaing puno sa nutrisyon. Ang pagkain nito ay nakakatulong sa paglaki at development ng isang bata.
Mabuting ipakilala mo sa kanila ang nutient-dense na pagkain katulad ng seafood, beans, eggs at mani.
Kids around this age should ideally consume the following on a daily basis:
Ang calorie na kailangang nasa isang tao ay:
- Boys: 1,759 Kcal/day
- Girls: 1,650 Kcal/day
Ang calorie requirement ng isang bata ya dapat nasa 1600 Kcal. Kaya mabuting tandaan na pakainin ang mga bata ng masustansyang pagkain. ‘Wag lang itong i-overload sa pagkain dahil maaring makasira ito ng kanyang appetite.
Ugaliin rin ang madalas na pag eehersisyo sa iyong anak. Importante ito para bata pa lamang, masasanay na agad ang kanyang katawan sa mga ganitong klaseng ehersisyo. Makakatulong ito upang maging fit, malakas at healthy ang isang bata.
Kapag usapang child’s diet naman, ito ang mga kailangan mong ihanda:
Dairy Group
Ugaliin ang pagbibigay ng tatlong basong gatas ang iyong anak araw-araw. Maaari ka ring magsama ng yoghurt at cheese ngunit hindi madalas. Ang pagsama ng dairy products ay makakatulong sa pagiging malakas at healthy ng iyong anak.
Protein Group
Mahalagang ugaliin ng magulang ang pagbibigay ng protein sa kanilang anak ng dalawang beses sa isang araw. Ang mga pagkaing mayaman sa protein ay itlog, tuna, lentils at chickpeas.
Fruit and vegetable Group
Ang prutas at gulay ay makakatulong upang magamot ang isang sakit katulad ng constipation. Dalawang cup ng gulay at prutas ang dapat kainin ng bata sa isang araw. Kung pikikan ang anak mo sa ganitong klaseng pagkain, maaari mong ihalo ang gulay sa pasta o pizza para makain din niya at hindi mabigla.
Grain
Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.
Maari kang mamili kung ano ang nais mong ibigay sa kanya. Whole grains, oatmeal, quinoa, wheat brea, popcorn o brown rice. Ngunit ‘wag lang sosobrahan ang mga ito lalo na sa white bread, pasta at kanin.
Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:
- Fruits: 3 cups
- Vegetables: 2 cups
- Grains: 4 ounces
- Proteins: 36 grams
- Milk: 17-20 ounces
- Water: 1500 ml (6 cups)
Tips
- Siguraduhin ang diet plan ng iyong anak ay balanse
- Iwasan ang pagbili ng mga mayaman sa sugar at makolesterol na pagkain
- Ugaliin ang healthy diet
Vaccinations and Common Illnesses
Kung ang anak mo ay nasa anim na taong gulang na, marapat lang na bigyan na ito ng proper vaccination. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng ipa nag vaccine katulad ng flu shot.
Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat.
Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.
Mga vaccine na dapat mayroon ang anak mo sa ganitong edad:
- DTaP vaccine that protects against diphtheria, tetanus, and pertussis
- IPV vaccine that protects against polio
- MMR vaccine that protects against measles, mumps, and rubella
- Varicella vaccine that protects against chickenpox
- A flu shot which is typically given every year
Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.
Treating Common Illnesses
- Fever. Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.
- Cough. Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.
- Cold. Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.
- Chickenpox. Kung hindi mawawala ang rashes at lagnat ng iyong anak sa loob ng dalawang araw, mabuting magpakonsulta na sa kanyang doctor. ‘Wag siyang bibigyan ng aspirin dahil ito ay maaring makapagdulot sa iyong anak ng Reye’s Syndrome kung saan maaaring makasira ng kanyang utak at atay.
When to talk to your doctor:
- Ang height ng isang bata ay hindi normal para sa kanyang edad
- Unusual na rashes, bukol at sugat
- Underweight at overweight
- Pagkakaroon ng diarrhea, vomiting at mataas na lagnat (over 39 degrees Celsius) sa mahabang panahon.
Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore.
BASAHIN: Your 6-years and-11-months-old: Child development and milestones