Development at milestones ng isang bata: 6 taon 10 buwang gulang

LOOK: Anu-ano ang development at milestones ng 6 taon at 10 buwang gulang mong anak na dapat malaman ng isang mommy? Mabuting alamin ito!

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagsusukat na ba ng sapatos ang iyong anak? Ang development ng 6 taon 10 buwang gulang mong anak ay talagang lumalawak na!

Mapapansin mo na nagsisimulang magkwento tungkol sa school ang iyong anak. Ibinabahagi rin niya ang maliliit na achievement na kanyang na-aaccomplish. Curious ka na ba kung ano ang mga dapat mong abangan sa anak mo sa ganitong edad? Don’t worry, ang artikulong ito ay para sa’yo!

Ngunit tatandaan na lahat ng bata ay iba-iba. Hindi lahat ay nakikita agad ang kanilang sariling kakayahan sa parehong oras. Ang milestones na ito ay isa lamang gabay para sa iyo.

Milestones at development ng 6 taon at 10 buwang gulang

Image courtesy: Pixabay

Physical development

Sa kasalukuyang edad ng iyong anak ngayon, patuloy na nagdedevelop ang kanyang gross at motor skills. Ang mga magulang ay kailangang hikayatin ang kanilang mga anak na sumali sa mga community activities. Recommended din sa magulang na pasalihin sila sa sports. Ito ay para tuluyang masanay ang kanilang katawan sa mga pisikal na gawain.

Ang mga bata ay kailangang magkaroon ng physical activity kahit mga 60 minutes sa isang araw.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Sa ganitong stage, ang average height at weight ng anak mo ay dapat:

  • Boys
    – Height: 121.0 cm (47.6 inches)
    – Weight: 22.8 kg (50.2 lb)
  • Girls
    – Height: 120.7 cm (47.5 inches)
    – Weight: 22.4 kg (49.5 lb)

Dagdag pa rito, ang development ng 6 taon 10 buwang gulang mong anak ay may:

  • Mabuting balance at coordination
  • Kayang magsintas o magbihis mag-isa
  • May mga permanent teeth na.
  • Mahusay na sa pagsusulat at pagguguhit

Tips

  • Bigyan ng maliliit na gawaing pambahay ang iyong anak
  • Hikayatin an iyong anak na maglaro sa labas kasama ang mga kapitbahay nito.
  • Kung hindi mo pa na eenroll ang iyong anak sa swimming lesson, mas mabuting iparanas na ito sa kanya.
  • Cycling is a great way to work your child’s muscles and develop self-confidence at the same time as he/she graduates to a two-wheeled bike. Don’t forget that helmet!
  • If you haven’t started swimming lessons for your little one, it’s better late than never. Not only is this activity wonderful for gross motor skill development, but it is also a an essential life skill.

When to talk to your doctor

  • Pagkawala ng kanyang mga skills na dati ay mayroon siya
  • Hindi hindi marunong magbihis
  • Clumsy
  • Hindi makapag focus habang nagbabasa
  • Poor vision

Cognitive Development

Ang development ng 6 taon 10 buwang gulang mong anak ay malapit nang maging 100%! Mahalagang bigyan siya ng balanced meal na mayaman sa nutrients. Dahil ito ay makakatulong sa kanyang physical at mental growth.

Sa edad na ito, mas nagiging mausisa ang iyong anak sa mga bagay na nakikita niya sa paligid. May sapat na rin siyang confidence para ipinapakita niya sa gawa ang mga natutunan niya sa school.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Independence is a strong marker of this age. Kaya naman bantayang maigi ang iyong anak sa mga gagawin niya. Kailangan niya ng matinding gabay sa mga critical activities na kanyang susubukan.

Ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay dapat:

  • May improvement sa math at reading skills
  • Naiintindihan na ang konsepto ng time, seconds, minutes, hours, days, weeks, months at years.
  • Nakaka-solve ng simple addition at subtraction
  • May improvment sa pagbabasa. Nakakaya na niyang magbasa ng libro mag-isa.

Tips

  • ‘Wag mapapagod sa pagsagot ng mga katanungan ng iyong anak.
  • Tulungan ang iyong anak na i-apply ang knowledge sa math sa pang araw-araw na gawain. Katulad na lamang sa supermarket. Hayaan mo siyang bayaran ang maliit na bagay at siguraduhin niyang tama ang ibibigay na sukli
  • Bigyan ang iyong anak ng STEAM toys (Science, Tech, Engineering, Arts, Math) para mapalawak pa ang kanyang cognitive development.
  • Ang creativity at imagination ng isang bata ay nakakatulong para ma-improve ang kanyang mental skills. Kaya arapat lang na hikayatin ang iyong anak na gumawa ng arts. Pwede mo rin siyang ienroll sa dance class!

When to talk to your doctor

Kung ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay,

  • Hindi makapag focus sa isang gawain sa loobng 10 minutes
  • Hindi mabasa ang simpleng pangungusap
  • Hirap magsolve ng simple addition
  • Hindi maintindihan ang simple three-step instructions. Halimbawa, “Itabi mo muna ang libro mo. Maghugas na ka ng kamay at bumaba kana dahil kakain na.”

Social and Emotional Development

Ang mga bata sa ganitong taon ay sobrang sensitibo sa feelings at emotions ng iba. Mapapansin mo na ico-comfort ka na lang bigla ng iyong anak kapag nasaktan ka. Gumagawa rin siya ng agarang effort para hindi magalit ang iba.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Hindi na rin agad silang natatakot sa mga bagay. Mabilis ring lumalawak ang kanilang skills sa pagbuo ng bagong relationship at friendship sa ibang tao.

Ang pagkakaroon ng kaibigan sa ganitong edad ay napakaimportante.

Ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay dapat:

  • Mas gustong maglaro kasama ang madaming kaibigan
  • Mayroong bestfriend (o madami pa)

Tips

  • Hikayatin aang iyong anak na ilabas ang kanyang feelings lalo na kung nagpapakita siya ng senyales ng negative emotions katulad ng Anxiety.
  • Siguraduhing ikaw ay mapagbigay at nagpapakita ng encouragement sa iyong anak
  • Patuloy lang na puriin ang iyong anak sa maliliit na bagay. Katulad ng pagbabalik ng bagay sa tamang lagayan o pagliligpit ng kanyang mga laruan.

When to talk to your doctor

Kung ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay,

  • Ayaw makipaglaro sa iba
  • Nagpapakita ng senyales ng anxiety katulad ng ayaw pumasok ng school
  • Agresibo habang naglalaro

Speech and Language Development

Ito ang edad kung saan mabilis ang development nila sa pagsasalita. Ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay nadevelop na ang kanyang vocabulary at reading.

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement

Nagpapakita na rin ang iyong anak ng creative, coherent, interesting at complex writing skills.

Image courtesy: Stock image

Ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay dapat:

  • Marunong na mag-oras, days at months
  • Nadedescribe ang pagkakaiba ng dalawang bagay sa isa’t-isa.
  • Nakukwento ang isang pangyayari ng sunod-sunod
  • Nakikipagtalo at nagbibigay ng rason sa mga bagay

Tips

  • Ienroll ang iyong anak sa mga library at reading clubs.
  • Hikayatin na magbasa ang iyong anak. Regaluhan siya ng magandang librong tiyak na magugustuhan niya.
  • Magbasa ng libro nang magkasama.

When to talk to your doctor

Kung ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay,

Loading...
You got lucky! We have no ad to show to you!
Advertisement
  • Hirap sa speech difficulties.
  • Hindi makakumpleto ng buong pangungusap kapag nagkukwento
  • Ayaw magbasa o magsulat

Health & Nutrition

Sa ganitong edad, ang development ng 6 taon 10 buwang gulang mong anak sa physical, social at cognitive ability ay talaga namang nakakamangha. Mahalagang tandaan na bigyan ng sapat na nutrients ang iyong anak para sa kanyang paglaki.

Ang iyong 6 taon 10 buwang gulang mong anak ay kailangan ng 1700 hanggang 1830 sa isang araw.

  • Boys: 1,826 Kcal/day
  • Girls: 1,714 Kcal/day

Image courtesy: Stock image

Ang kanilang nutrisyon ay dapat kasama ang:

Grains

Ito ay ang oats at rice. Kasama na rin ang mga pagkaing gawa sa kanila katulad ng bread at cereal. Siguraduhin lang na bigyan ng whole grain ang iyong anak para sa good digestion.

Sa ganitong edad, ang anak mo ay kailangan ng 4 ounces ng grains sa isang araw. Ang isang ounce ng grain ay katumbas ng cereal o isang slice ng tinapay at 1/2 cup ng pasta.

Fruits and Vegetables

Ang fruits ay nagdadala ng natural vitamis at minerals. Kaya mahalagang tandaan ang iba’t-ibang kulay ng prutas na ipapakain sa iyong anak.

Katulad ng prutas, ang gulay ay may enzymes na nakakapagpa-healthy at nakakapagpalakas sa katawan ng iyong anak. Nakakatulong rin ito upang makaiwas sa mga sakit at pagtaba. Kailangan niyang kumain ng orange, green leafy at dark vegetable araw-araw.

Dairy

Ang milk products ay kasama sa kailangang kainin ng iyong anak. Mahalagang bigyan ang iyong anak ng fat-free or low-fat products kasama na ang mga pagkaing mayaman sa calcium.

Ang iyong anak ay kailangan ng 17 hanggang 20 ounce ng dairy araw-araw. Sa isang serving ng dairy ay katumbas ng milk-one cup; cheese-50 grams; yoghurt-3/4 cup

Protein

Ang protein ay nakakatulong sa pagrepair ng cells, enzymes at hormones na nakakapagproduce ng energy sa bata.

Ito ang mga pagkaing low-fat lean meats, eggs, fish, nuts, seeds, peas, at beans na mayaman sa protina.

Tips

  • Hayaan mong tulungan ka ng iyong anak sa pagplano ng kanyang kakainin
  • Hikayatin ang iyong anak sa meal preparation at pagluluto
  • Ihain ang pagkain sa lamesa at hindi sa harap ng TV o iba pang distractions. Gawing habit ang pag kain ng sabay sabay.
  • Tanggalin sa listahan ang processed at matatamis na pagkain
  • Sanayin ang iyong anak na uminom ng madaling tubig araw-araw.

Ito ang kailangang kainin ng iyong anak araw-araw:

  • Fruits: three cups for boys; three cups for girls
  • Vegetables: two cups for boys; two cups for girls
  • Grains: four ounces for boys; four ounces for girls
  • Proteins: 36g for boys; 36g for girls
  • Milk: 17-20 ounces for boys; 17-20 ounces for girls
  • Water: 1500 ml for boys; 1500 ml for girls (around six cups)

When to call your doctor

Kung ang iyong 6 taon 10 buwang gulang na anak ay,

  • Nagpapakita ng senyales ng food allergies
  • May diarrhea ng halos dalawang araw
  • Sumasakit lagi ang tyan
  • Nagpapakita ng abnormal na pagbawas at pagdagdag ng weight

Vaccinations and Common Illnesses

Ang anak mo ay nasa anim na taong gulang na, marapat lang na bigyan na ito ng proper vaccination. Mabuting bumisita sa doctor ng iyong anak upang mabigyan siya ng ipa nag vaccine katulad ng flu shot.

Dahil ang anak mo ay madalas na nasa labas katulad ng school, mataas ang tyansa na magkaroon ito ng lagnat.

Bigyang pansin din ang mga rashes na tutubo sa katawan ng iyong anak. Sabihin din sa iyong anak na kung mayroon siyang nararamdamang kakaiba sa kanyang katawan, sabihin agad ito sa’yo.

Kung kayo naman ay magtatravel, mahalagang mayroong proper vaccination requirements na dala. In case na hanapin ito sa bansang pupuntahan niyo.

Treating Common Illness

Laging tandaan na kahit may proper vaccine ang isang bata, maaari pa rin itong kapitan ng colds, flu at Hand Foot and Mouth disease. Kung anak anak mo ay may sintomas ng pagsusuka, diarrhea at mataas na lagnat (over 38°C/100.4°F), mabuting magpakonsulta na saiyong doctor.

1. Fever

Kung ang temperatura ng iyong anak ay mababa sa 38.5°C, bigyan ito ng madaming tubig at pagpahingahin. Gamit ang lukewarm compresses, dampian ang bahagi ng kanyang noo, kili-kili at groin area. Makakatulong ito sa kanyang kalagayan. Ngunit kung ito ay tumaas sa 38°C (100.4°F) dalhin agad ito sa ospital.

2. Cough

Ang pag-ubo ay normal ngunit ito ay pwedeng magdulot ng sipon sa isang tao. Para mapigilan ito na lumala, subukan ang mga home remedies katulad ng honey at luya na ihahalo sa maligamgam na tubig.

3. Cold

Ang colds ay dahil sa virus at maaaring hindi rin makatulong ang mga antibiotics na binibigay mo sa iyong anak. Kung ang cold na ito ay may kasamang sakit ng katawan at sobrang taas na lagnat, maaari itong influenza. Sa ganitong kondisyon, mabuting magpatingin na sa doctor.

Sa ganitong pagkakataon, mahalagang ituro sa’yong anak ang proper hygiene. Simulan sa paghuhugas ng kamay. Prevention is always better than cure!

Note: Some medications can be bought without any prescriptions, your first option of treatment for common health issues should be home remedies.

When to Talk to Your Doctor

See your doctor as soon as you notice that your child:

  • Unusual na rashes, bukol at sugat
  • Underweight at overweight sa kanyang edad
  • Pagkakaroon ng lagnat na umaabot sa 30 degrees C. O lagnat na umaabot ng isang linggo
  • Ayaw kumain at kadalasang walang gana

 

Republished and translated with permission from theAsianparent Singapore

 

Sources: Mayo ClinicCDC, Web MD , Alberta Health Services

Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.

Sinulat ni

Mach Marciano