Isa nang independent primary-schooler ang iyong anak, at mahilig makipagkaibigan sa ibang tao. Mapapansin mo din na bihira na siyang humingi ng tulong sa iyo. Narito ang iba pang development ng 6 taon 2 buwan gulang na bata sa panahong ito.
Tandaan lamang na magkakaiba ang pace ng bawat bata. Kumonsulta sa doktor kung ikaw ay may katanungan tungkol sa development ng iyong anak.
Development ng 6 taon 2 buwan gulang: On track ba ang iyong anak?
Pisikal na development ng 6 na taong gulang
Sa edad na 6 taon at 2 buwan, narito ang dapat na taas at timbang ng iyong anak:
- Lalaki
– Taas: 116.73 cm (46 inches)
– Timbang: 21.17 kg (46.7 lb) - Babae
– Taas: 116.2 cm (45.7 inches)
– Tibang: 20.7 kg (45.7 lb)
Kayang-kaya na niya ang mga basic physical skills tulad ng pagtalon, pagbato, pagsipa at pagsalo. Kaya hikayatin lagi na maglaro sa labas ang iyong anak para mahasa ang mga skills na ito.
Maaaring nahihilig na din siya sa mga group sports tulad ng soccer o basketball, at may kakayanan na sumunod sa mga tagubilin.
Ang pagsali sa mga ganitong sports ay hindi lamang nagtuturo ng vital social skills tulad ng teamwork, leadership, at discipline – lahat ng ito ay kailangan sa kaniyang primary school years – at importanteng pundasyon para sa kaniyang future development.
Bukod pa dito, makakatulong ang physical activity sa brain development lalo na sa memory function.
Makikita mo din ang mga sumusunod na development sa iyong anak:
- Basic physical skills tulad ng pagtalon, pagbato, pagsipa at pagsalo
- Marunong lumangoy
- Magbalanse at koordinasyon
- Tumayo sa isang paa nang higit pa sa 9 segundo
- Bumato at sumalo ng bola
- Sumunod sa tugtog ng musika
Mga Tips:
- Hikayatin ang iyong anak na maglaro sa labas at sumali sa mga sports classes
- Magkaroon ng 1 oras o higit pa na physical activity araw-araw
- Magstretching bago ang anumang physical activity
- Turuan ang iyong anak ng tamang nutrisyon at isama siya sa paggrocery
- Bawasan ang screen time, 1 hanggang 2 oras lamang kada araw
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Walang hand-eye coordination at motor skills na angkop sa kaniyang edad
- Hindi pa kayang gawin ang mga basic task tulad ng pagsusuot ng medyas o sapatos
- Nawala ang skill na mayroon siya dati
Kognitibong Development ng 6 na taong gulang
Napakabilis nang paglago ng utak ng iyong 6 taon at 2 buwang gulang na anak. Nakakakuha siya ng mga bagong mental skills araw-araw.
Ang kanilang abilidad ay nagbago na mula sa pag-obserba lamang hanggang sa pag-eeksperimento. Ibig sabihin nito ay mas natututo sila mula sa kanilang karanasan kaysa panonood lamang.
Mas nagiging mausisa din siya sa kaniyang paligid, kaya asahan mo na napakadami niyang magiging tanong.
Bukod pa diyan, nagpapakita na din ang iyong anak ng interes na solusyunan ang mga problema niya na mag-isa, lalo na kapag siya ay nasa isang structured environment (tulad ng school) na hindi ka kasama.
Narito ang iba pang development na makikita mo sa iyong anak:
- Marunong magtanong
- Mas matagal na attention span.
- Mas alam na ang tama at mali
- Mas kaya ang mga kumplikadong gawain sa bahay at school
- Natutuwa sa mga nakaka-challenge na laro at puzzles
Mga Tips:
- Matiyagang sagutin ang mga tanong ng iyong anak
- Gamitin ang math sa pang-araw-araw na sitwasyon
- Magkaroon ng tahimik na lugar para sa schoolwork ng iyong anak
- Huwag pilitin ang iyong anak na mag-aral
- Hikayatin ang anak na mag-creative play.
- Dalhin ang iyong anak sa mga lugar na makakadagdag sa kaniyang kaalaman tulad ng museum
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Ayaw gawin ang mga simpleng bagay tulad ng pagbibihis na mag-isa
- Hindi tumitingin kahit tawagin sa kaniyang pangalan
- Hirap makipag-usap sa iba
- Hindi pa marunong magbilang hanggang 10
- Hindi pa kayang magbasa ng mga two-letter words
Social at Emosyonal na Development ng 6 na taong gulang
Ang iyong 6 taon 2 buwan gulang na anak ay mas natututo nang makihalubilo sa kaniyang kapwa. Alam na din niya ang mga kabutihang asal tulad ng pagbabahagi ng mayroon siya at pasasalamat.
Nasasabi na din niya ang kaniyang nararamdaman at naiisip.
Narito ang ilan sa mga development ng 6 na taon at 2 buwan gulang na bata na mapapansin mo:
- Malinaw na naipapahayag ang kaniyang iniisip at nararamdaman
- Mahilig makipagkaibigan
- Naiintindihan ang kahalagahan ng teamwork
- Medyo takot kapag may bagong tao
Mga Tips:
- Kumustahin ang iyong anak araw-araw
- Hikayatin ang iyong anak na sabihin ang kaniyang nararamdaman
- Ipaliwanag sa iyong anak kung ano ang bullying
- Ituro sa kaniya ang respeto at pasasalamat
- Purihin ang kabutihang asal na gagawin ng iyong anak
- Ituro sa iyong anak kung ano ang ibig sabihin ng “stranger danger” at “good touch, bad touch”
- Magpakita nang mabuting halimbawa ng kabutihang asal
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Ayaw mahiwalay sa iyo
- Ayaw makipaglaro o makipag-usap sa mga kaedad
- Ayaw magshare
- Mahiyain o masyadong agresibo
Speech at Language Development ng 6 na taong gulang
Ang iyong 6 taon 2 buwan gulang na anak ay madaldal na ngayon. Kaya na niyang magsalita nang malinaw at bumuo ng mga pangungusap.
Nakakapagsalita na din siya ng mga 3-4 syllable na salita at marunong nang gumamit ng panghalip.
Bukod pa diyan, nagpapahayag din siya ng interes sa pagbabasa at pagsusulat.
Narito ang ilan sa mga development na maaari mong makita sa iyong anak:
- Malawak na bokabularyo
- Kabisado na ang tunog ng mga katinig
- Gumagamit ng pangkasalukuyan at pang-nagdaan sa pangungusap
- Nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng isang salita o pangungusap
Mga Tips:
- Dahan-dahan kapag nakikipag-usap sa iyong anak
- Gumamit ng musika para mas mapalawak pa ang kasanayan sa wika
- Kumustahin ang araw ng iyong anak. Makakatulong ito para masanay siyang gumamit ng mga naglalarawan na salita at malaman mo din kung may problema siya sa school.
- Turuan siya ng mga bagong salita at ipaliwanag ang mga ito
- Tanungin ang iyong anak para masanay siyang makipag-usap
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay:
- Iniiwasan ang pagbabasa.
- Nahihirapan sa pagsunod sa mga simpleng direksyon.
- Nauutal
- Sinasabi ang “huh?” o ano?” kahit na matapos mong ulitin ang iyong sinabi nang maraming beses
- Hirap matandaan ang mga impormasyon
Kalusugan at Nutrisyon
Ang iyong 6 taon 2 buwan gulang na anak ay may mga paborito at ayaw na pagkain sa ngayon.
Gayunpaman, kailangan pa din nila ng masustansya at balanseng diet para lumaki ng malusog at masigla.
Ang mga bata sa edad na ito ay dapat magkaroon ng mga ito araw-araw:
Narito ang kinakailangang calorie para sa mga bata sa ganitong edad:
- Lalaki: 1766 Kcal kada araw
- Babae: 1657 Kcal kada araw
Dairy group
Painumin ang iyong anak ng 2-3 tasa ng gatas araw-araw. Iwasan din na masobrahan dahil maaari itong magdulot ng mababang level ng vitamin D.
Protina
Ayon sa Institute of Medicine sa US, ang protina ang pangunahing structural component ng mga cell sa ating katawann Kailangang pakainin ang iyong anak ng protina 2 beses sa isang araw, kabilang dito ang itlog, tuna, chickpeas, at lean meat.
Prutas at Gulay
Mahalaga ang prutas at gulay upang labanan ang mga sakit. Bigyan ang iyong anak ng 2 tasa ng prutas at gulay araw-araw.
Sa kabuuan, narito ang kailangan ng iyong anak araw-araw:In a nutshell, here’s what your child needs every day (refer above for what the amounts look like):
- Prutas: 3 tasa para sa babae at lalaki
- Gulay: 2 tasa para sa babae at lalaki
- Grains: 4 oz para sa babae at lalaki
- Protina: 36g para sa babae at lalaki
- Gatas: 17-20 oz para sa babae at lalaki
- Tubig: 1500 ml para sa babae at lalaki (6 na tasa)
Mga Tips:
- Bigyan ng pagkain ang iyong anak mula sa iba’t ibang food groupsS
- Pakainin sila sa oras
- Kung nakakain na ang iyong anak at busog na ito, huwag na siyang pilitin pa na kumain
- Bawasan ang mga sugary drinks at high-fat food
- Magkaroon ng tamang diet para gayahin ka ng iyong anak
Bakuna at mga Karaniwang Sakit
Ang iyong 6 na taon 2 buwan gulang na anak ay dapat magkaroon ng mga sumusunod na bakuna:
- DTaP vaccine laban sa diphtheria, tetanus, and pertussis
- IPV vaccine laban sa polio
- MMR vaccine laban sa measles, mumps, and rubella
- Varicella vaccine laban sa chickenpox
- Flu shot na binibigay taon-taon
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Makipag-ugnayan sa iyong doktor o paeditrician kung ang iyong anak ay kulang o sobra sa timbang. Kung ang iyong anak ay may hindi pangkaraniwang mga pantal o pasa, matagal na pagtatae o pagsusuka, o may napakataas na lagnat (higit sa 39 degree Celsius), kumunsulta agad sa iyong doktor.
Nakaraang buwan: Development Ng 6 Taon 1 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki
Susunod na buwan: Development Ng 6 Taon 3 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki
Sources: Mayo Clinic, CDC, Web MD