Mapapansin mo ang nakapadaming development ng 6 taong gulang mong anak. Pero hindi mawawala ang kaniyang pagkahilig sa paglalaro. Ang pretend play ay isa sa mga common activity para sa 6 taon 3 buwan gulang na bata. Ito ang panahon na ginagaya nila ang kanilang mga magulang.
Subalit tandaan na ito ay hindi diagnostic tool kundi gabay lamang. Kumonsulta sa doktor kung mayroon kang nakikitang problema sa development ng iyong anak.
Ating alamin ngayon ang development ng 6 taon 3 buwan gulang na bata.
Development ng 6 taon 3 buwan gulang: On track ba ang iyong anak?
Photo: istock
Pisikal na development
Mas aktibo mas nakakapagbalanse na ang iyong anak ngayon. Nagpapakita na siya ng interes sa mga team sports tulad ng soccer. Isang magandang oportunidad ito para ipakilala sa kaniya ang iba’t ibang sports activities upang mahanap niya ang kaniyang gusto.
May mga pagbabago din sa kaniyang fine motor skills. Magandang balita ito dahil mas magiging independent na siya sa mga simpleng gawain tulad ng pagbibihis, pagsusuklay at iba pa.
Sa edad na 6 taon at 2 buwan, narito ang dapat na taas at timbang ng iyong anak:
- Lalaki
– Taas: 117.3 cm (46.2 inches)
– Timbang: 21.4 kg (47.1 lb)
- Babae
– Taas: 116.7 cm (46.0 inches)
– Timbang: 20.9 kg (46.2 lb)
Makikita mo din ang mga sumusunod na development ng 6 taon 3 buwan gulang sa iyong anak:
- Marunong magbisikleta
- Nagbabalanse sa isang paa
- Naglalakad ng maayos (heel-to-toe)
- Nakakababa ng hagdan na hindi kailangang hawakan
- Nakakapagsintas ng sapatos
- Nakakapagbutones at zipper
- Nakakapagsuklay
- Nakakasalo ng bola
- Nakakaguhit ng mas realistic na larawan (may mata, bibig, ilong, katawan, kamay at paa)
- Nakakakopya ng mga simpleng hugis gamit ang lapis
- Naiisulat ang kaniyang pangalan
Bagama’t may ibang mga gawain na medyo mahirap pa para sa iyong anak tulad ng paghihiwa ng pagkain gamit ang kutsilyo, makakabuti din na masanay siya dito.
Mga Tips
- Hikayatin ang paggalaw sa iyong anak. Isali sila sa iba’t ibang sports at makibahagi sa mga recreational activites.
- Turuan na lumangoy ang iyong anak pati na din ang mga dapat gawin kapag may sunog
- Ang mga bata sa edad na ito ay maaaring magreklamo ng kung ano ang masasakit sa kanila. Tingnan mabuti kung mayroon nga silang sakit o anumang injury.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay nahuhuli sa mga development na nabanggit o kaya ay:
- Ang iyong anak ay nakakaranas ng isang kapansin-pansin na pagkawala ng mga kasanayan na dating meron siya.
- Bedwetting: Kapag ang iyong anak ay hindi na umiihi sa higaan, pero biglang bumlik ito.
- Kung nahihirapan ang iyong anak na makatulog sa gabi o manatiling tulog.
Photo: istock
Kognitibong Development
Mas mahaba na ang attention span ng iyong 6 taon 3 buwan gulang na anak.
Nauunawaan na din niya ang konsepto ng oras tulad ng kahapon, ngayon at bukas. Marunong na din siyang magbasa.
Naiintindihan na din niya ang pananaw ng iba, kaya madali na sa kaniya ang makipagkaibigan.
Narito ang iba pang development na makikita mo sa iyong anak:
- Nauunawaan ang konsepto ng mga numero
- Alam ang pagkakaiba ng araw mula sa gabi at kaliwa mula sa kanan
- Mas mausisa tungkol sa mundo
- Kakayahang bumuo ng mas kumplikadong mga kaisipan
- May kamalayan sa tama at mali
- Makakapagsabi ng oras
- Maaaring ulitin ang tatlong mga numero pabalik
- Tumutok sa isang gawain sa paaralan ng 15 minuto
Mga Tips
Maaaring maging pangkaraniwan para sa iyong anak na makaranas ng mga hindi pagkakasundo sa kanyang mga malapit na kaibigan. Sa ganitong mga kaso, ang mga magulang (at mga guro) ay maaaring magbigay ng patnubay sa bata at kanyang mga iniisip.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
- Kapag nagpapakita ang bata ng kakaibang pag-uugali
- Nagpapakita ng pagkabahala o depresyon
- Nahihirapan kapag nahiwalay sa iyo
- Nahihirapang sundin ang dalawang magkasunod na direksyon tulad ng “Ilagay ang iyong bag at pagkatapos ay dalhin mo sa akin ang uniporme ng soccer.”
Photo: istock
Social at Emosyonal na Development
Mas naipapakita na ng iyong anak ang kaniyang nararamdaman subalit nangangailangan pa din siya ng iyong gabay sa mga tricky na emosyon tulad ng pagseselos.
Mas magiging kaunti na din ang kaniyang mga pagliligalig at ipapakita kung gaano na siya kaindependent.
Sa edad na ito ay inaalam pa nila kung ano ang katanggap-tanggap kaya minsan ay susubukan nila ang magsinungaling o kaya ay magnakaw.
Narito ang ilan sa mga development ng 6 na taon at 3 buwan gulang na bata na mapapansin mo:
- Mas mahalaga ang pagtanggap ng mga kaibigan. Inaalam nila ang mga paraan ng pakikitungo at pagbabahagi.
- Nagsisimulang bumuo ng mga kasanayan at nadagdagan na haba ng atensyon.
- Nauunawaan ang halaga ng teamwork sa sports.
- Mas mahusay na naglalarawan sa mga insidente na nangyari: kung ano ang nararamdaman at iniisip nila, habang mas nakikipag-ugnayan siya sa mga kaedad
- Humahaba ang pasensya at mas bukas sa pangangatuwiran sa iyo
Mga Tips
- Huwag mahiya na pag-usapan ang tungkol sa mga mahihirap na paksa tulad ng peer pressure, karahasan, paggamit ng droga, at sekswalidad.
- Maghanap ng mga naaangkop na mga paraan sa edad ng iyong anak upang sagutin ang mga katanungan na hindi nagdaragdag ng pagkalito o takot.
- Hayaan ang iyong anak na magdesisyon sa gusto niyang sports at laruan.
- Suportahan ang tiwala sa sarili ng iyong anak, at hikayatin siyang ipahayag ang kaniyang nararamdaman.
- Bigyan ang iyong anak ng mga simpleng gawain sa bahay: paghahain sa mesa o pagtulong sa iyo na maglagay ng malinis na damit sa kabinet.
- Magkaroon ng playdates para makapaglaro ang iyong anak kasama ang ibang mga bata.
- Pag-usapan ang nararamdaman ng iyong anak at tulungan siya na masabi niya kung ano ang mga ito.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
- Kung ang iyong anak ay napakamahiyain o tahimik pagk-uwi mula sa paaralan, maaari itong isang senyales ng bullying
- Kung nagpapakita siya ng matinding palatandaan ng pagiging agresibo
Photo: istock
Speech at Language Development
Maraming sinasabi ang iyong anak na 6 na taon at 3 buwan, kahit na walang sinumang tao sa paligid. Bukod dito, ang kanyang utak ay madalas na nag-iisip nang mas mabilis kaysa sa kaya niyang ipahayag.
Nagsimula na din siyang makipag-usap gamit ang buo at kumplikadong mga pangungusap, at makisali sa mga pag-uusap na na parang matanda. Subalit, maaaring mahirap pa rin sa kaniyang ilarawan ang mga komplikadong ideya o kaganapan.
Ang iba pang mga development ng 6 na taon 3 buwan gulang na bata ay:
- Natuto ng 5 – 10 bagong salita bawat araw
- Nagsasalita gamit ang simple ngunit kumpletong mga pangungusap na may 5 – 7 na salita
- Nakakasunod sa tatlong magkakasunod na utos
- Nagsisimula nang makita na ang ilang mga salita ay may higit sa isang kahulugan
- Nagsisimulang magbasa ng mga libro na angkop para sa kanyang edad
Mga Tips:
- Kilalanin ang mga administrador at guro ng paaralan ng iyong anak.
- Patuloy na magbasa kasama ang iyong anak.
- Makilahok sa mga paggawa ng takdang aralin ng iyong anak, ngunit bilang isang facilitator, tumulong lamang kung kinakailangan.
- Magsanay kung ano ang tamang pag-uugali sa silid-aralan. Bigyan ang iyong anak ng mga simpleng tagubilin na dapat sundin.
- Pag-uusapan ang mga interes ng iyong anak o kaya ang kanyang paboritong hayop o sport, na naghihikayat sa kanya na makinig, tumugon at magtanong.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Maging mapagbantay sa mga sumusunod kung sa tingin mo ang iyong 6 taong 3 buwan na anak ay nahuhuli sa mga bagay na ito:
-
- Hirap sa pagbabasa o nagpapakita ng iba pang posibleng mga palatandaan ng kapansanan
- Isang bagay na nakakapag-alala sa iyong anak, tulad ng pambu-bully
- Mga palatandaan na ang iyong anak ay nagpapakita ng stress o isyu sa kalusugan ng kaisipan
- Something that is bothering your child, such as bullying
- Signs that your child is exhibiting stress or an underlying mental health issue
Manatiling kalmado kung iyong mapansin ang alinman sa mga sitwasyong ito.
Photo: istock
Kalusugan at Nutrisyon
Mahalagang para sa iyong 6 taon 3 buwan na anak na magkaroon ng physical activity. Ang susi sa isang malusog na timbang? Hindi bababa sa 60 minuto ng physical activity para mga magulang at anak.
Makakatulong ang prutas, gulay, at physical activity para sa pangkalahatang kalusugan ng iyong anak.
Ang pinakamagandang bagay na magagawa ng magulang ay ang pagiging mabuting modelo ng tamang pagkain at fitness.
Mga Tips:
- Laging hanapin ang “100% whole grains” kaysa sa “made with whole grains” na produkto
- Samahan ng pagkain na mataas sa vitamin C ang mga red meat o mga pagkain na nagtataglay ng iron.
- Bigyan ng maliit na serving ng pagkain ang iyong anak. Saka nalang siya bigyan ulit kapag naubos na ito.
Ang mga bata sa edad na ito ay dapat magkaroon ng mga ito araw-araw:
Ang recommended daily dietary guidelines para sa 6 na taong gulang ay 1,200 calories, kasama na ang mga pagkain mula sa iba’t ibang nutrient groups tulad ng dairy, protina, prutas at gulay.
Narito ang kinakailangang calorie para sa mga bata sa ganitong edad:
- Lalaki: 1773.0 Kcal kada araw
- Babae: 1664.0 Kcal kada araw
Dairy group
Bigyan ang iyong anak ng 2-3 tasa ng gatas o dairy products araw-araw. Kabilang dito ang yogurt at keso, pero huwag sosobra ang mga ito. Makakatulong ang dairy upang maging malakas ang iyong anak.
Puwede mo ding ihalo ang gatas sa oatmeal, homemade smoothies, cream-based at tomato soup. Maaari mo ding lagyan ng keso ang mga tinapay ng iyong anak.
Protein group
Inirekomenda ng CDC ang 19 grams ng protina araw-araw.
Narito ang iba’t ibang puwedeng pagkunan ng protina:
- Itlog
- Waffles na may peanut o almond butter
- Low-fat Greek yogurt
- Manok o pork tenderloin chunks na may keso at black beans
Fruit and vegetable group
Ito ang tamang pagkakataon upang maging malikhain sa pagkain. Maraming mga uri ng prutas, kulay at texture ang puwedeng pag-eksperimentohan. Ang isang bata ay nangangailangan ng hindi bababa sa 1 tasa ng prutas at 1.5 tasa ng mga gulay.
Narito ang kailangan ng iyong anak araw-araw:
- Prutas: 3 tasa para sa babae at lalaki
- Gulay: 2 tasa para sa babae at lalaki
- Grains: 4 oz para sa babae at lalaki
- Protina: 36g para sa babae at lalaki
- Gatas: 17-20 oz para sa babae at lalaki
- Tubig: 1500 ml para sa babae at lalaki (6 na tasa)
Mga Tips:
- Ipakilala ang mga prutas at gulay bilang meryenda. Hugasan ang prutas, hiwain at ilagay sa ref na madaling makikita.
- Maghanda ng salad nang mas madalas.
- Subukan ang mga recipe ng vegetarian: gumamit ng mga gulay sa halip na karne para sa spaghetti, lasagna, o chili
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
- Sobrang under- o over-weight
- May mga kakaibang pantal, bukol o pasa
- May lagnat na higit sa 39 degrees C
Bakuna at mga Karaniwang Sakit
Karamihan sa mga bakuna ng iyong anak ay naibigay na sa edad na ito. Itanong sa iyong doktor kung mayroon pang kailangan, o kaya ay dapat ulitin tulad ng flu shot.
Dahil ang iyong anak ay mas matagal sa school, mas possible siyang mahawa ng ubo, sipon at trangkaso. Bantayan din kung may makikita kang mga rashes sa katawan ng iyong anak. Paalalahanan ang iyong anak na sabihin sa iyo kung mayroong nararamdaman.
Mga Karaniwang Sakit
Subukan ang mga ito para sa 3 pinakakaraniwang sakit ng mga bata:
- Para sa lagnat
- Gumamit ng maligamgam na tubig at punasan ang iyong anak, para sa lagnat na hanggang sa 39 degree celsius.
- Bihisan ang iyong anak sa magaan na damit upang hindi masyadong mainitan
- Tiyakin na ang iyong anak ay kumakain pa rin ng maayos at umiinom nang sapat na dami ng tubig
- Subukan ang gamot tulad ibuprofen o Paracetamol. Gayunpaman, pinapayuhan na huwag gamitin parehong mga gamot na sabay.
- HUWAG gumamit ng aspirin sa mga bata dahil maaaring humantong ito sa Reye’s syndrome – isang sakit na nakakaapekto sa atay at utak.
- Para sa ubo at sipon
- Bigyan ng kalahating kutsarita ng dark honey na epektibo dahil mataas ang mga ito sa mga antioxidant.
- Subukang pakainin ng chicken soup ang iyong anak dahil sinasabing ito ay mayroong anti-inflammatory properties na makakatulong para maging maaliwalas ang nasal passage.
- Painumin ang iyong anak ng ice water, malamig o mainit-init na juice, o decaffeinated tea na may halong honey.
- Maglagay ng cool-mist humidifier sa silid ng iyong anak, malapit sa kanya upang mabawasan ang chest at nasal congestion – isang mahusay na lunas sa ubo sa gabi.
- Itaas ang ulo ng iyong anak gamit ang isang unan o nakatiklop na tuwalya para mas madaling huminga.
Kailan dapat kumonsulta sa doktor
Kung ang iyong anak ay:
- May lagnat na higit sa 39 degrees Celsius
- May kakaibang pasa, bukol o pantal
- Madalas sumakit ang ulo o ibang parte ng katawan
- Nagsusuka o nagtatae ng higit ng 2 araw
Reference: WebMD
Nakaraang buwan: Development Ng 6 Taon 2 Buwan Gulang: Mga Pagbabago Sa Kaniyang Paglaki
Susunod na buwan: 6 years 4 months
Sources: Webmd, Kidshealth, MSF