Tumutulong sa mga Pamilya na Magkaroon ng Healthy Pregnancy
Noong 2015, mayroong 105,000 stillbirths sa Indonesia, Pilipinas, Singapore, Thailand at Vietnam. Araw-araw, 287 na pamilya sa mga bansang ito ang nakararanas ng stillbirth. Puwedeng maiwasan na mangyari ito.
Kaya naman dito sa theAsianparent, inilunsad namin ang Project Sidekicks. Layunin namin na mabawasan ang stillbirth sa SEA sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang impormasyon tungkol sa benepisyo ng pagtulog sa kaliwa kapag buntis, pagbibilang ng sipa ni baby, at pagkakaroon ng matibay na support system para sa mga magulang na nakaranas ng pregnancy loss.
26,410,889 live kicks na nabilang na sa Kick Counter bilang 21 December, 12.20pmSGT
Lumalabas dito ang bawat sipa na nabibilang sa Kick Counter ng theAsianparent app. Ilang sipa ang kaya natin maabot?
Mensahe mula sa aming CEO
ARTICLES
Basahin at ibahagi ang mga articles tungkol sa healthy pregnancy, emotional and physical healing kasunod ng pregnancy loss, totoong mga kuwento tungkol sa pagbubuntis at marami pang iba.