Support pregnant employees
Hindi mo mailaalis ang pagka-excite nang una mong malaman na ikaw ay nagbubuntis kay baby. Pero kung makita mo ang pink line sa gitna ng iyong appraisal period, ito ay ibang usapan na. Para sa kanila, magandang makahanap ng isang company na sumusuporta sa mga buntis na employee kung saan may maternity benefits silang makukuha. Sa ganitong pagkakataon, magkakaroon ka ng stress-free load sa loob ng 9 months.
Sa kasamaang palad, hindi lahat ay nangyayari ito.
Kahit na sabihin nating kalahati ng mga workers ngayon ay babae, marami pa rin ang discrimination sa mga buntis sa iba’t-ibang bahagi ng mundo. Ayon sa pag-aaral, hindi lang sa South East Asia nangyayari ito. Kundi pigil rin maghire ng mga pregnant employee ang mga kompanya sa West. Ang mga soon-to-be-mom ay hindi rin tinatanggihan ring mabigyan ng opportunity katulad ng promotion.
Ito ang nagiging dahilan kung bakit umaalis ng trabaho ang mga nanay kapag lumabas na ang kanilang baby.
Support pregnant employees | Image from Unsplash
Mapapanatili ang samahan sa kompanya kung matututo ang mga ito na suportahan ang mga pregnant employee. Narito ang mga paraan kung paano masimulang suportahan o matulungan ng mga company ang ating pregnant moms.
Sa paraang ito, makakagawa tayo ng gender-equal growth sa bawat kompanya.
Employee benefits ng buntis: Paano makakatulong ang kumpanyang pinapasukan?
Narito ang mga paraan sa employee maternity benefits ng buntis:
1. Gumawa ng easy benefits process
Imbes na magbigay ng mahirap at mabigat na workload na maaaring magdulot ng stress sa mga pregnant employee, gumawa ng madali at convenient na maternity benefits para sa kanila.
Unang dapat na gawin ay makipag coordinate sa human resources. Kailangan nilang samahan ang mga pregnant employee sa process na ito. Mula sa maternity benefirs, maternity leave, to pay hanggang promotion at sa pagbabalik trabaho.
Kailangan ring maging hands on ng human resource kasama na ang kompanya sa kanilang pregnant employee. Maaring kamustahin lagi sila at tulungan kung may kailangang asikasuhin.
2. Gumawa ng support network
Para masiguro na maging comfortable at napapahalaghana ang pregnant employee, gumawa ng matibay na support networks. Maaring ito ay sa human resource team o sa loob mismo ng department.
Ang mga employee ay maaaring magkaroon rin ng support sa mga existing na employee na parents din. Magandang idea din ang magsimula ng parenting platform o channel sa loob ng kompanya. Makakatulong ito sa mga pregnant employee lalo na kung may mga private silang katanungan.
May mga private company rin na may mga parenting forum kung saan nagpaplano kung kailan pwedeng dalhin ng mga parents ang kanilang anak at magbahagi ng experiences sa parenting. Ang idea na ito ay gumawa ng parenting community kung saan ang mga parents-to-be at exisiting parents at makapagbahagi sa isa’t-isa ng kanilang experiences at magbigay ng suporta.
Support pregnant employees | Image from Unsplash
3. Gumawa ng mother’s room at gawing normal ang breastfeeding sa office
Maraming workplace ngayon ang gumagawa at open sa paggawa ng mother’s room at breastfeeding room. Makakatulong ito sa mga nanay na ilabas ang gatas na hindi nagkakaroon ng worry na may nakatingin sa kanya.
Bilang kumpanya, ang first step para rito ay maghanap ng magandang area kung saan gagawin itong pumping room. Convenient ito kung ang room ay malapit sa cafeteria at kailangan ring malawak para makakilos ng komportable si mommy.
Kailangan rin ay meron itong mga gamit katuld ng lamesa, task chair na may caster, lababo o kaya naman refrigerator kung saan pwedeng ilagay ang breastmilk.
Siguraduhin din na may electrical fittings para sa pump ang kwarto at microwave para ma-sterilise ang mga equipment. Kailangan rin maging welcoming ng room at komportable para sa mga nanay.
Pwede ka ring magdagdag ng wifi o i-adjust ang ilaw para kung nais mag work ni mommy ay madali na lang ito sa kanya. Gawing normal ang pumping sa office sa pamamagitan ng pag discuss dito.
4. Ipaintindi sa mga employee ang ‘are you pregnant’ question
Hindi magandang tignan o mapakinggan kung ang isang employee ay tatanungin bigla ang female colleague kung siya ba ay buntis sa gitna ng corporate meeting. Hindi lang ito inappropriate kundi wala rin kaugnayan ang tanong sa kanya lalo na at nasa lugar kayo kung saan ang trabaho ang priority.
Magdadala lang ito ng unwanted attention sa babaeng employee na naghihintay lang ng tamang pagkakataon para ianunsyo na siya ay buntis. Samantala, may mga ways para masiguro na maiiwasan ito.
Una rito ay pangaralan ang iyong mga employee na ‘wag gawing negative health condition ang pregnancy sa loob ng opisina. Normal lang ito at hindi kailangang bigyan ng masamang kahulugan.
Gumawa ng policy sa mga employee na bantayan ang health ng kasamahan habang nagbubuntis ito
5. Mag provide ng encouragement at mental support
Ang pagbubuntis ay nakaka-stress talaga. Isa ang mga hormones sa dahilan ng mood swings at emotional ups and downs. Minsan, ang physical symptoms ay nagdadagdag hirap dito lalo na kung nasa gitna ka ng mahabang meeting.
Bilang iisang company, kailangan mong maging open at willing magbigay ng mental at physical support sa kanila. Kung ikaw ay may medico sa opisina, sabihan sila tungkol sa bawat konsisyon ng iyong employee.
Employee benefits ng buntis | Image from Unsplash
Sa kabilang banda, tanungin ang human resource na bantayan ang mga employee bawat oras. Ito ay para makasigurado sila na nababalanse nila ang workload. ‘Wag mag dalawang isip tumulong kung kinakailangan.
6. Kausapin para sa susunod na hakbang
Magiging madali ang journey ng isang pregnant mom sa loob ng opisina kung siyaa rin ay kakausapin at tatanungin tungkol sa kanyang future plans. Parte rin ng pregnancy policy na magkaroon kayo ng guidelines sa delivery, recovery at timeline kung kailan sya babalik sa trabaho.
Maging open at ‘wag mahihiyang ibahagi ito sa kanya.
Ang employee ay siguradong binigyan ng work restrictions ng kanyang doctor. Sa ganitong pagkakataon, i-discuss sa kanya kung ano ang personal plans nito kung kailan siya babalik sa trabaho o iba pang bagay.
Ano ang maternity benefits para kay mommy?
- Ang mga working mothers ay maaaring magkaroon ng 105 days na paid maternity leave kasama na ang mga nagtatrabaho sa infomal sector. Kung hindi naman sakop ng SSS ang monthly arrangement ni mommy, ito ay cover na ng Philippine Health Insurance Corporation.
- Ang mga working mothers na nasa maternity leave ay protektado laban sa discrimination na maaaring matanggap katulad ng layoff at demotion.
- Ang paid maternity leave ay para sa lahat ng working mothers. Regarless sa kanilang civil status at legitimacy ng kanilang anak.
- Ang mga nanay na nagkaroon ng miscarriage ay maaaring magkaroon ng 60 days paid maternity leave.
- Maaari ding magdagdag ng addtional 30 days without pay ang mga employee. Samantalang ang mga single mom ay pwedeng magrequest din ng additional 15 days maternity leave with full pay.
- Ang penalty sa lalabag dito ay umaabot sa PHP 200,000 at maaaring makulong ng 6 hanggang 12 years.
Translated with permission from theAsianparent Singapore
BASAHIN:
Dito sa theAsianparent Philippines ay mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent Philippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung mayroong agam-agam, ay nirerecomenda naming magpakonsulta sa doktor upang makakuha ng mas malinaw na impormasyon.
May katanungan tungkol sa pagpapalaki ng anak? Basahin ang mga artikulo o magtanong sa kapwa magulang sa aming app. I-download ang theAsianparent Community sa iOS o Android!